CHAPTER 29

1.7K 41 1
                                    

Kakauwi lang namin kahapon at linggo ngayon.Ano ba ang ginagawa pag linggo.So i and zyren decided to go to church.Here we then.

Pasukan na pala bukas.Hays kakatamad pa

"Lika na Ky" Sabi ni Zyren at binuksan ang pinto at pumasok naman ako sa passenger seat.

Agad kaming umalis para makaattend na ng mass.Linggo linggo namin tong ginagawa kaya wag magtaka.

Habang nasa sasakyan tahimik lang kami.Ewan di naman awkward pero sobrang tahimik namin.
Nakarating kami sa simbahan na wala talagang pinag uusapan.Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

Binuksan niya kaagad ang passenger seat at lumabas kaagad.Hinawakan niya kaagad ang kamay ko at sabay na pumasok sa loob.

Umupo kami sa may likuran at kami palang sa may row namin.Medyo wala pang tao.Napaaga pala kami.

"pagkatapos nito Ky punta tayong park"aya niya sakin bigla.

"Mall muna tayo may bibilhin lang ako"sabi ko dito at tumango lang siya.

Wala ng pag Uusap ang namamagitan sa amin pagkatapos.
May biglang tumabi sa aking lalaki.Vacant kasi sa left side kaya napatingin ako dito.

Medyo gwapo ah.Napa'tsk'naman si Zyren kaya napatingin ako sakanya.Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Cr muna ako"paalam ko sakanya.

Tumango lang siya kaya tumayo na ako at pumuntang Cr habang naglalakad may mga bata pa akong nakikitang naglalaro at ang iba ay pinapagalitan ng mga magulang nila.

Napailing nalang ako.Ng papasok na ako ay may babae. nagkabanggaan kami

"ay sorry ms."pagpaPaumanhin ko habang tinutulongan siya sa pagpulot ng mga gamit niya.

May hinahanap ata siya sa bag niya kaya di niya ako nakitang papasok.

"okay lang po"siya sabay tingin sakin.Nanlalaking tinignan naman niya ako.Nagtaka naman ako

"bakit?"tanong ko dito.Napailing iling naman siya

"wala po.Sige salamat at sorry po"siya sabay tayo at alis.

Anyare sakanya?May nakita naman akong kwentas na nahulog.Balak ko sanang habolin kaya lang di ko na siya makita.

Tinignan ko pa yung Necklace may nakaukit dito na Cristel.Sakanya ata to ehh..Pano ko naman ito isusuli?

Nilagay ko nalang sa bag ko bakasakaling makita ko ulit siya.Pumasok nalang ako at mag Cr.Pagkatapos ay naghugas at inayos ang buhok ko.

Agad akong lumabas.Magsisimula na ata.Dali dali akong  naglakad papunta sa inuupoan namin.

Pagkarating ko dun ay nakita ko di Zyren.Katabi ang lalaki.Nagtataka naman aong umupo sa pwesto niya kanina

"bat natagalan ka?"tanong nito habang nakatingin sa harap.

"May nakabanggaan lang babae"sagot ko,tinignan naman niya ako

"nasaktan ka ba?"medyo nag aalala niyang tanong

"hindi naman ako nasaktan ehh"
Napatango naman siya.

Nagsimula na ang misa at tahimik lang kaming nakikinig kay father habang itong si Zyren nilalaro ang daliri ko.Ewan ko ba dito.

Natapos na ang misa kaya nagsilabasan na kami habang papalabas hawak hawak niya pa rin ang kamay ko.

"Zy bili muna tayo ng ice cream"sabi ko habang turo turo ang mamang nagbebenta ng dirty ice cream.

The Crowned Boyish QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon