Seventh Offshoot

449 10 1
                                    

Noong nag-break time na, halos lumabas na yung iba, mga atat sa pagkain at kakaunti na lang ang naiwan. Iilan na lang ang naiwan at kasama na dun si Jamie, ako, si Jed, Kael at si flirt-slash-bitch na si Lia.

"Kael, let's go. Samahan mo naman akong kumain," sabi ni Lia na sobra pa sa pusa ang boses kung magpa-cute. Halos nakikinig nga ang buong tao sa classroom sa flirtness niya. Irritation overload. Napairap naman kaming dalawa ni Jamie at si Jed nama'y napatawa ng mahina kaya siniko ko naman siya.

"Ikaw na lang," sagot naman ni Kael habang nakayuko at sumusulat. Yes! Ganyan dapat. Pero laking gulat ko noong hinawakan ni Lia si Kael sa braso at nagpapa-cute pa rin, peste. "Sige naaaaa, break naman eh," sabi pa niya. Nako Kael, bwisit ka, 'wag kang bibigay. Pero I'm so dissapointed, tumayo na siya at agad na tumungo palabas ng room.

Humabol naman kaagad si Lia pero bago siya lumabas ng pintuan, bumaling muna siya saming mga nasa loob pa ng classroom na paniguradong nakatingin sa kanya at nag-wink. Pesteeeeeeee! Agad naman kaming tumayo ni Jamie at lalabas na kami sana kaso pinigilan ako sa braso ni Jed. "Sasama ako," sabi niya sabay ngisi at pinagitnaan naman namin siya habang naglalakad.

"Bakit ka ba sumasabay sa trip namin, ha?", matigasing tanong naman ni Jamie sa kanya. "Ex ko si Lia," simpleng sabi niya na nagpatigil sa paglalakad naming tatlo. "Ano?!", sabay na sigaw naman namin ni Jamie na nakapagpalagay naman ni Jed ng mga kamay niya sa kanyang tenga. "Tara na nga sa canteen, baka 'di na natin sila maabutan," sabi naman ni Jed sabay hawak sa tig-iisang braso namin ni Jamie at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pagkarating namin sa canteen, nakita naman naming nakaupo na't kumakain na sina Kael at Lia kaya agad-agad naman kaming umorder. "Gusto niyong mang-gulo, 'di ba?", tanong naman ni Jed samin at nagkatinginan naman kami ni Jamie na parang isang good idea ata yung sinabi ni Jed. 

"Oh, ano na?", pag-aaapura naman ni Jamie kay Jed. "Sundan niyo ko," sabi niya at nagsimula nang maglakad patungo sa direkson nina Kael at Lia habang hawak-hawak sa tray kung nasaan ang mga in-order namin. Ano ba 'tong iniisip ng kumag na Jed na 'to? Yung totoo kong plano eh magsa-spy lang naman, 'di mang-gulo. Pero in fairness ha, straight to the point siya.

"Yo, pwedeng makisabay kaming tatlo?", sabi naman ni Jed sabay upo sa tabi ni Lia at agad-agad na inilatag ang mga in-order namin. Hindi naman naka-imik si Kael at Lia naman sumusurip ang mga mata. "Oh, ano pang ginagawa niyong dalawa diyan?", tanong pa ni Jed at kung hindi pa sinabi yun ni Jed, hindi mare-realize ni Kael na nandirito pala ako. -_-

"Canne! Upo ka rito sa tabi ko," pagyayaya naman ni Kael sakin na sobrang lapad ng ngiti, abot tenga nga ata eh, hahaha. At naupo nga ako sa tabi niya. Si Jamie nama'y nakatayo pa rin kaya napatingin naman sa kanya si Jed, "Hoy, pang-animan 'tong mesa, umupo ka nga," utos naman ni Jed kay Jamie at napairap naman ang loka. "For your information, may pangalan ako," sabat naman ni Jamie at napa-irap lang rin 'tong si Jed.

"Okay, all set. Let's eat," pagyayaya naman ni Jed. At nagsimula na kaming kumain lahat. Kaharap ko si Lia at obvious naman sa itsura niya na ayaw niya ang mga nagaganap. Hah! Buti nga sa kanya kaya napangisi naman ako. 

Siniko naman ako ni Jamie, magkatabi rin kasi kami. Leche 'to, ang sakit ah, kaya tiningnan ko naman siya ng masama. Sinenyasan niya naman akong tumingin sa likod ko at tumingin naman ako, at nakita kong nakatingin si Kael sakin. Ay, 'di pala tingin, titig talaga. Asdfghjkl. Problema ne'to? Tinaasan ko naman siya ng dalawang kilay at nagkibit-balikat lang naman siya.

My Bestfriend is my WHAT?!Where stories live. Discover now