Chapter Thirty-One

19K 226 0
                                    

A/N: Sorry natagalan ang update.

===========================================================

Nakahiga ako habang pinagmamasdan ko ang aking engagement ring. Nakataas ang aking kamay sa kawalan.

“Hindi ka parin makaget-over, Gab.” Sabi ko sa sarili ko saka ako ngumiti. Nasa pilipinas na ko ngayon. Nagresign ako. Hindi ko na daw kailangan matrabaho sabi ni Marco. Nung una ayoko pero napilit niya rin ako.

Masyadong hectic ang schedule naming dalawa. Naging mainit sa publiko ang nagyari sa Manila Hotel noong nakaraang araw. May nakakuha pala ng video at in-upload sa Youtube. Kalaunan inamin ni Marco na magpapakasal na kami. Naging sikat nga ako e. Nagkaroon ako ng maraming haters. Pero yung ibang fans sinasabing bagay daw kami at maganda daw ako at kung ano-ano pa.

Pinag-usapan namin ni Rage na sa New York kami magpakasal. Isa pa, american citizen pala siya dahil ipinanganak siya sa Los Angeles. Di man lang nagsasabi. Atsaka isa pa, ayaw namin dito sa pilipinas dahil hindi magiging private ang kasal. Maraming darating na media. E gusto ko private. Kahit sino naman gusto nun, d’ba?

“Waaaahhhh!!! Ako ang magdedesign ng gown mo, ah?” Ani Berlyn. Kanina pa sila dito ni Hera. Sabi nga nila, para na daw akong baliw na nakangiti kakatingin kon sa aking singsing. Si Berlyn pala ay isang designer. Naggraduate siya sa Paris, France. Nagdrop pala siya a year after kong magdrop noon to pursue her dreams. Hanga nga ako sa kanila dahil nakayanan nila ni Eros ang long distance relationship.

“Oo naman.” Sabi ko ng nakangiti. “I’m really excited. Bridesmaid kayong dalawa.” Dagdag ko. Tumango ang dalawa at tumili. “Sinong maid of honor?” Tanong ni Hera. “Si Corrine. Tapos si Daniel ang groom’s man.”

“Nice! Anong motif?”  Excited na tanong ni Berlyn. Ngumuso ako. “Aqua blue tapos may belt yung mga bridesmaid ng yellow. Gusto ko pare-parehas. Tapos black ang suit ng lalaki. Yung necktie nila ay aqua blue tapos may handkerchieff na yelow.”

Ngumiti si Hera. “Alam na ba ni Marco ‘yon?” Tanong niya.

“Oo. Napag-usapan na namin ang tungkol dun.”

“Good. Kasi bibili na ‘ko ng shoes bukas. Ano ba ‘yan! Mas excited pa ata ako sa ikakasal.” Ani Hera. Tumawa naman kaming lahat sa sinabi niya.

“Oh my goodness. Naka-air ang interview ng banda ngayon.” Agad tinungo ni Hera ang T.V upang sindihan ‘yon pagkatapos may mabasang text sa cellphone niya.

“So ikakasal ka na? Nagluluksa ang mga milyon-milyon mong fans, Marco.” Anang host. Natawa naman ako dun. Ang dami palang umaasa sa kanya.

“Yes. And I’m proud of her.” Saka tumingin sa camera. Ang lakas na naman ng tili ng dalawa kong kaibigan.

“If she’s watching, Marco. What would you say to her?” Tanong ulit ng host. Ngumiti siya gamit ang kanyang killer smile sa publiko. Ang daming nagtilian sa studio. “I love you...” Napakagat-labi ako sa narinig ko. Saka ako ngumiti. At ang dalawa, talon ng talon sa kilig.

“How sweet. Mga kabarkada, magbabalik po ang~~~~ The CelebNews!” Tapos biglang nagcommercial.

---

Lumipas ang isang buwang preparasyon para sa ‘ming kasal. Nakakapagod ang mga nilakad namin. Sa pagbibigay palang ng invitation masyadong ng haggard. Pero masaya naman. “Chin up.” Ani Marian. Ang make up artist ko.

Yes. Ngayon na ang araw ng aking kasal. Simple lang ang design na pinagawa ko kay Berlyn. Isang pa-A line at lace ang itaas na bahagi nito. Hindi ito sleeveless. Pero may pa-V’ng hiwa sa likod.

“Hey, let me take you a picture!” Ani Hera at pinicturan ako sa kanyang sariling camera habang minemake-upan ako. Todo flash naman ang camera ng photographer na nagpipicture sa ‘kin.  Ako ang bride pero ako ang proud sa dalawang kaibigan ko. Pa’no ba naman, ang gaganda nila ngayon. They’re just simple pero elegante. Nilingon ko sila habang kumukuha ng wacky picture si Hera at nagseselfie naman si Berlyn sa kanyang cellphone.

Nakaroll ang buhok ko pero pa-side. “Your done. Ang ganda-ganda mo.” Sabi ni Marian.

“Ano, tara na?” Utas ni ate Dani. Yes. She’s here. “Yes, ate.” Sabi ko naman kaya umalis na kami papunta sa ceremony ng kasal. Syempre walang media. Were in New York. My fist clenched dahil sa kaba. Tiningnan ako ni ate Dani. “You’re getting married. I really can’t imagine it. I’m so happy for you.”

“Ano ba yan, ate! Wala pa man, naiiyak na ‘ko.” Sabi ko at agad pinunasan ang luhang nangingilid sa ‘king mga mata.

Nang makarating kami ay natahimik lahat ng guests at napatingin silang lahat sa ‘kin. I walked down the aisle. Mag-isa lang ako. I looked at Marco and he’s just smiling at me. He looked so serious but he looked so happy, too.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at napangiti. I’m just looking at him right now. And I’m so happy to get married to him.........

___

Kakatapos lang ng kasal at reception. Nakita ko si Corrine na papunta sa ‘kin. Bali mga ka-close na lang talaga namin ang naririto. “Hi ate! I didn’t expect na kayo talaga ni kuya sa huli. I love you, ate!” Sabi niya sa ‘kin sa ako niyakap. “Aww... I love you, too.” Agad siyang humiwalay sa ‘kin at pumunta kay Daniel na nasa malayo.

Nakita ko ang mga magulang ni Marco. “Hi, hija.” Anang ina niya. “Hello po, Tita.” Sabi ko. Ngumiti siya sa ‘kin. “Don’t call me, tita. You’re part of our family now. Just call me mom.”

“Yes, mom.” Sabi ko ng nahihiya. “Much better.” Aniya. “I’m really happy because finally... my son is married. And I like you.” Niyakap niya ko at umalis na. Kinausap din ako ng daddy niya at todo ang pagwelcome nila sa ‘kin. Natutuwa ako dahil nagkaroon ulit ako ng bagong pamilya. Si Marco ay nasa malayo kausap ang banda. Si Hera at Berlyn ay lumapit sa ‘kin. Si Berlyn ang nakasalo ang bulaklak kanina. Tuwang-tuwa nga ako. At si Eros naman ang nakasalo ng garter. Haha! Ang cute nilang tingnan  kanina.

“Kasal ka na, Ellizandrea.” Sabi ni Hera ng nakanguso. “I’m really happy for you.” Niyakap kko si Hera. Niyakap ko din si Berlyn. “Ano, ikaw na ang susunod?” Pabiro kong sabi.

“Waaah... Maybe.” Saka niya itinaas ang balikat niya. “Malay natin si Hera.” Sabi niya ng may mapang-asar na ngiti kay Hera. “Huh? Di pa ko ready...” Saka siya umiling-iling.

“Pwede ko bang masolo ang asawa ko?” Nagulat kami ng makita si Marco. “Oh, sure!” Ani Hera. “Anytime, Anywhere!” Sabi naman ni Berlyn. Hinila na ni Hera ang wrist ni Berlyn paalis sa harapan ko.

“Ano ‘yon?” Tanong ko kay Marco. “I didn’t invite them.” Sabi niya ng seryoso. “Who?” Saka kumunot ang noo ko. “My parents.” Nanlaki ang mga mata ko. “What?! But why?” Tanong ko. “I just invited Corrine pero di ko inakalang iimbitahan niya rin sila.”

“Marco, ano bang kasalanan nila sa ‘yo?” Tanong ko. “Your mom is the one who gave birth to you.” Sabi ko ng may pagtataka sa boses ko. Umiling-iling nalang siya at iniwanan ako. What’s his problem? Araw pa naman ng kasal namin ngayon tapos ganyan pa sya. 

One Sided Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now