Chapter Thirty-Seven

23.2K 341 9
                                    

A/N: I wanna know your comments, readers. Sana magcomment naman kayo this time. 

============================================================

Lunes ngayon at hindi pa ‘ko nag-aaply ng trabaho. Ewan ko ba pero inaantok pa ‘ko. Napabangon ako sa kama ng maramdaman ang pagbaliktad ng aking sikmura. Agad akong nagpunta sa toilet. Doon ako nagsuka.

Ang sama ng pakiramdam ko. Agad akong nagpunta sa kusina para magluto. Binuksan ko ang SPAM para iprito. Pagkaluto nito ay agad kong inilagay sa table. Isusubo ko na sana pero nawalan ako ng gana. Parang nandiri ako na ewan. Ayaw ko ng kainin. Feeling ko masusuka ako pag kinain ko pa ito.

Inilagay ko yon sa ref. Sayang naman kung itapon ko. Agad akong nagbihis para magpunta sa mall. Kakain nalang ako sa labas. Kinuha ko ang D&G kong pabango. Inispray ko yon sa wrist ko at agad kong binitawan. Tinakpan ko ang bibig ko dahil feeling ko masusuka na naman ako. Napaupo ako sa kama ko. Kahapon pa ‘ko nagkakaganito...

Kumalabog sa kaba ang puso ko sa ‘king naisip. H-Hindi kaya buntis ako? No way... Hindi pwede.

Madali kong kinuha ang bag ko at lumabas ng bahay. Kumain ako sa isang kilalang restaurant. Naging mapili ako sa pagpili ng pagkain. Pinili ko ang tubig na inumin.

Nagpunta ako sa isang drugstore.

“Two Pregnancy Test.” Sabi ko. Dalawa na para sigurado. Ibinigay naman niya sa ‘kin yon at binayaran ko na.

One Sided Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now