Poem 28 - Magkaibigang Ganito

637 8 0
                                    

"Magkaibigang ganito"

Itong tulang ito
Ay alay ko sa mga taong narito,
Buong pusong minahal ako,
Kahit may pagkukulang ako.

Hindi man sila perpekto
Pero sila naman ay totoo,
Walang halong biro
Ang pagmamahalang ito

Nariyan sila sa lahat ng oras
Handang tumulong hindi kumukupas,
Napakaswerte ko o Diyos,
Sa mga taong ito minahal ako ng lubos

Walang tigil sa pagtalak,
Kapag ika'y tinotopak
Pag kanilang ginalak
Sigurado tanggap mo ang sapak

Walang tigil ang tawanan,
Pati narin ang mga asaran
Minsan nagkakapikonan
Pero tuloy parin ang pagmamahalan

Humantong sa awayan
Ang mumunting asaran
Umabot sa pikonan
Di nag-uusap di nagpapansinan

Naging ayos ang lahat
Muling umalon ang dagat
Ngumiti na ang langit
Sumayaw na ang hangin

Ang malamig na samahan
Umiti ang muling nabuhayan,
Bumalik ang saya sa barkada
Hangganan ang titibag sa kanila

Maswerte ang taong may kaibigan ganito,
Dahil sila nagpapakatotoo sayo
Minsan ka nalang magkakaroon nito,
Dahil kaunti nalang silang nabubuhay sa mundo

PoemsWhere stories live. Discover now