Chapter 1 - The Paperworks

1.5K 57 8
                                    

CHAPTER 1 - The Paperworks

LHENIN

Mabilis na nanlambot ang dalawa kong tuhod nang madatnan ko si papa na naliligo sa sarili niyang dugo. Nakahandusay ang kanyang katawan sa kalsada at makikita ang mga mata niyang nakadilat pa dahil sa pagkagulat. Unti-unti ay sumusuka na siya ng dugo. Hindi bababa ng labinglima ang saksak na natamo ni papa base sa butas ng kanyang damit. Nagawian ko rin ng tingin ang isang anino na abala sa pagtakas.

Hindi ko man lang magawang igalaw ang ni isang parte ng katawan ko. Naramdaman ko na lang ang paninigas ng aking buong katawan at paglandas ng aking luha patungo sa aking pisngi.

Hindi ako matigil sa pag-iyak.

"LHENIN," napamulat na lamang ako nang marinig ang tinig ng aking kaibigang si Lovely habang tinatapik pa ako sa likod upang magising.

I quickly wipe my teary-eyes at napansin ko ring lumuha pala ako't naghahabol din ng hininga. I travelled my eyes in the whole classroom at mukhang kaming dalawa nalang ang nandito. Its dismissal, at mukhang hindi rin tumalab sa tainga ko 'yung pagkalembang ng bell.

I gently massage my nape when I remembered something. Tinambakan pala kami ng mga projects ng mga mababait naming teachers. Bukas na pala ang deadline ng mga 'yon. Bakit kaya saka ko lang naaalala ang mga projects kapag malapit na ang deadline. Ugh. I can't, gusto ko nang umuwi.

"Lovely, marami pa pala akong gagawin. Dito ko na lang gagawin sa school 'yung mga projects natin. Haha, wala pa kasi akong nasisimulan kahit isa. Mauna ka na lang umuwi." Then I simply scratch my head. Pasado alas-tres pa lang naman at mukhang kaya ko itong matapos ngayon.

"A, gano'n ba? Gusto sana kitang tulungan pero aalis kami mamaya e, sorry talaga."  Aniya.

"Ano ka ba? Ayos lang ako, saka kaya ko 'to. Haha. Sige mauna ka na, enjoy!" I bring out the bondpaper and stuffs para masimulan ko na rin 'yung project kong Argumentative Essay sa English.

This feels really good and I'm used with this kind of ambiance: being left and alone. Lagi na lang akong iniiwan simula no'ng bata pa ako, though I don't take it as a big matter, but the one which strike me the most, when my father died. Hindi lang siya namatay kung 'di pinatay. Every night and then ay napapaginipan ko 'yung pagkamatay ni papa, I felt dumb and useless sa tuwing naaalala ko lang 'yon. Wala man lang akong ginawa that time. Pati nga 'yung mga pulis e, hindi man lang nila nalutas 'yung nangyari. Napapakuyom na lamang ako dahil gusto kong paghigantihan ang gumawa no'n kay papa, hindi ko alam kung paano, but one thing is certain for me, it will happen soon.

My mom left us when I was only three, at tatay ko nalang ang tumayong ina at ama sa buhay ko. Okay na rin sana e, but that damn incident made a total devastation in my life. Umuupa na lang ako ngayon sa isang maliit na apartment at sinusuportahan na lamang ako ng ilan kong kamag-anak.

Ugh, where in hell I get these topic. Napailing na lang ako at sinimulan na 'yung essay. Mukhang madali lang naman ito dahil maigsing refutation, atleast three evidences, at brief conclusion lang naman ang kailangan.

-

ILANG ORAS din ang tinagal ko rito sa classroom at makalawang beses na nasita na ng guard, buti na lang talaga at kahit papaano'y may friendship kaming nabuo ni kuyang guard sa apat na taon ko rito sa Gaston High at nagawa ko pa siyang pakiusapan. Dahil 'pag nagkataong paalisin niya ako rito sa room ay sinisigurado kong F.O. na kaming dalawa. Pakialam ko ba sa kanya, ga-graduate na rin naman ako.

I gave a palm-massage into my face as I shot a glance unto my phone, shoot! It's 8:49 PM.

Mabilis kong iniligpit 'yung mga nagkalat kong gamit at isinilid ito sa isang eco-bag. Pinag-compile ko na rin 'yung mga coupon band at inilagay ito sa kanya-kanyang folder.

Detective Crime UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon