Part 2

20.7K 524 7
                                    


"WHAT?! Pakiulit nga po, Tito, dahil mali yata ang pagkakarinig ko sa sinabi ninyo." Halos mapatayo si Mikael Henric mula sa kanyang kinauupuan dahil sa sinabi ng Tito Oscar niya.

"You heard it right, Mike, so please don't pretend that you didn't," kampanteng sagot nito, hindi pinansin ang pagsasalubong ng mga kilay niya.

"I won't do it!" mariing sabi niya. Walang matinong negosyanteng tulad niya ang papayag sa gustong mangyari ng tito niya. Kilala siyang tao at may iniingatang pangalan. Isa pa, kapag pumayag siya ay tiyak na katakot-takot na pang-aasar ang aabutin niya mula sa mga kaibigan niyang sina Randall, Jared, Milo, Miro, Art, at Pierro.

"You will do it for your dad, Mikael. Kailangan nating ibangon ang network mula sa pagbagsak ng ratings. Hindi lingid sa kaalaman mo na bumabagsak ang ratings ng mga palabas natin. All we need to do is introduce a new show; a show that will capture the interest of the people. We need to give them something interesting."

Hindi siya nakapagsalita. Ang kanyang ama at si Tito Oscar ang nagtayo ng Villamor Brodcasting Network o VBN. Noon ay isa ang VBN sa mga nangungunang TV networks sa bansa at nakikipagsabayan sa mga kilalang istasyon sa pataasan ng ratings. Pero iyon ay noong nabubuhay pa ang ama niya. Nang mamatay ito, tila unti-unti rin nitong isinasama sa hukay ang network dahil patuloy na bumabagsak iyon. Wala siyang magawa dahil wala roon ang puso niya kaya ipinaubaya na lang niya sa tito niya ang pamamahala niyon. Alam niyang pahahalagahan nito ang kompanyang pinaghirapan nito at ng kanyang ama. Iyon nga lang, kahit ano ang gawin nila ay kung bakit hindi umangat-angat ang ratings ng kanilang mga programa. Maayos naman ang marketing at promotions ng kompanya.

"Are you sure it will work, Tito?" alanganing tanong niya. Ang naisip kasi nitong paraan para makahatak ng viewers ang VBN ay ang paggawa ng mga reality show tulad ng ginagawa sa ibang bansa. Isa nga sa mga nabuong plano ay ang dating game na siyang isiniwalat nito sa kanya kanina. Iyon nga lang, siya ang naisip nitong bachelor searcher para sa initial season ng programa. Malaking bentahe diumano na siya ang ilagay roon dahil kilala siya pati na ang mga kaibigan niya.

"There's no harm in trying, Mike. I know it's going to be a big risk, pero paano natin malalaman ang resulta kung hindi natin susubukan?"

May punto ito. Isa pa, lalaki naman siya at walang mawawala sa kanya. Iyon nga lang, kailangang isakripisyo ang privacy niya. Pero kung iyon ang tanging paraan para makaagapay sila sa ratings ng ibang networks, gagawin niya alang-alang sa kanyang ama.

"Fine, I'll do it! But you owe me one, Tito," kapagkuwan ay sabi niya, salubong ang mga kilay at labag na labag sa kalooban ang gagawin.

Natawa na lang ito sa kanya.


Dare To Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon