CHAPTER 2

56 13 1
                                    

Chapter 2

Stalker

Nakangiti ako buong klase habang inaalala kung paano kinuha ni Cedrick 'yong number ko. Sino ba naman ang hindi magiging masaya ng ganito kapag ang crush mo ang kumuha ng number mo!

Late akong nakatulog kagabi sa kakahintay ng text niya. Pero walang dumating. Okay lang. Siguro nahihiya pa 'yon.

Sa tagal ko na siyang crush, ngayon lang niya ako napansin. Siguro dahil wala akong ginagawa noon para mapansin niya ako. Salamat sa mga kaklase ko, baka dahil sa pangangantsaw nila sa t'wing dumadaan sina Cedrick ay, napansin niya ako. Nalaman niyang gusto ko siya. Kaya ngayon, gagawa ako ng paraan para mas mapansin niya pa ako.

Ang sarap sa pakiramdam na napansin ka ng crush mo. Inspired ako araw-araw dahil sa pagkuha niya ng number ko kahit hindi pa nagtetext.

"Kanina ka pa ah!" kinurot ni Leanne ang aking pisngi nang lumabas na ang teacher namin pagkatapos ng klase.

"Ano ba!" Hawi ko sa kamay niya.

"Nakakainis ka na talaga!" umirap siya at nagsimulang magligpit ng mga gamit niya.
"Reccess na tayo?" yaya niya noong unti-unti na kaming nababawasan sa classroom para magmeryenda.

Nagligpit na rin ako ng mga notebook at ballpen ko. "Sige! ililibre kita." ngiti ko at kinindatan siya. Good mood ako kaya ako manlilibre at dahil 'yon kay Cedrick.

"So, totoo ngang kinuha niya yung number mo?" nagtaas siya ng kilay.

Tumili na naman ako, abot tenga ang ngiti.

"Oh my! Oh my!" yinugyog niya ako habang naglalakad papuntang canteen. "Hindi ka kase nalilibre ng walang dahilan!"

Pagkarating namin doon ay nadatnan namin ang, maingay na nagtatawanang estudyante at mahabang pila, as usual. Pero dahil kilala si Leanne, bilang isang anak ng Principal ay kaya niyang gawan ng paraan 'yon.

"Sige, ako na'ng pipila, lagi naman." humalakhak siya.

"Sige..." sinulyapan ko ang pwesto kung saan umuupo sina Cedrick pero wala pa sila doon.

Pagkaupo ko ay linabas ko ang cellphone ko at chineck ito. Nagbabakasakaling nagtext na si Cedrick pero wala pa.

"Here's your order Miss!" linapag niya ang order ko at nagsimula ng kumain.

Fries at softdrinks ang meryenda namin ngayon. Ang saya niya dahil linibre ko daw siya at, masaya rin siya para sa akin. Dahil sa wakas, napansin na ako ni Cedrick.

"'Yan na sila!" sigaw ng mga nasa canteen kaya napalingon ako sa isang grupong papasok ng canteen.

"Cedrick..." bulong sa sarili. Naka all-black siya. Black shirt, black pants, black sneakers. Black looks good in him. Ang gwapo niya!

"Ba't sila nakaganyan? Sasayaw na naman ba sila?" nakakunot ang noo niyang tanong sakin.

"Practice ata nila Leanne, para sa nalalapit na intrams" sabi ko. Sumubo ako ng fries habang titig na titig sa kanya. Dumapo ang tingin niya sa akin kaya nag-iwas ako.

"2 months pa naman bago intrams ah!" tumawa siya habang sumusubo.

"Nagpapa-audition pa ata sila kaya maaga silang nagppractice.." ngumiti ako.

Alam ko. Lagi akong pumupunta noon sa gymnasium para makita si Cedrick. Para makita siyang sumayaw. Siya ang leader ng grupong ito kaya lagi siyang nagppractice sa gym. Nagbubuo siya ng mga steps para sa sayaw nila. Napakagaling niya kaya mas lalo akong nahuhulog sa kaniya.

Lost In Tricky LoveWhere stories live. Discover now