CHAPTER 5

37 12 1
                                    

Chapter 5

Truth

Habang nagkaklase kami ay lutang ang isipan ko. Iniisip ko kung bakit ganoon makaasta sa akin si Cedrick. Gusto niya ako! Hindi niya ako sasabihan ng ganoon kung walang dahilan.

"P*ta, Yshia.. makinig ka!" bulong pero may diin niyang sinabi sa akin ni Leanne.

Hindi ko na kailangang makinig. Alam ko na yan. Sa totoo lang,  gabi gabi akong nagrereview, nag-oopen ng notes at nag aadvance reading para kahit hindi na ako makinig ay marami akong makukuha kung biglang magpaquiz si Ma'am. Para rin malaya akong magpantasya kay Cedrick.

"Bring one-half sheet of paper.." ani Ma'am at nagquiz na naman kami, lagi siyang nag-oovertime for quiz kaya minsan, nahuhuli kaming umuuwi. Excited pa naman akong makita si Cedrick ngayon.

Pagkatapos ng klase ay nagsilabasan na ang lahat. Nagpaalam muna ako kay Leanne na magpapalit muna ako bago kami pumunta sa gym para sa enshayo namin.

Agad akong dumiretso sa cr para makapagpalit. Buti nalang may dala akong extra shirt, pantalon at sapatos para mas magaan kumilos mamaya. Linagay ko ang uniform na suot ko kanina sa bag, at dumiretso pabalik ng classroom.

Pagbalik ko ay, wala na si Leanne doon. Sabi niya kanina na hihintayin niya ako pero wala na siya sa loob. Luminga-linga ako sa pagilid upang makita siya.

"Leanne!" sigaw ko habang papalapit sa kanya.
Kasama niya ang grade 9 student na di umano'y isa sa napakaraming manliligaw niya.

"Yshia!" napatalon siya sa gulat at binawi ang kamay niyang hawak-hawak ng lalaking 'yon kanina. Nanliligaw pa lang eh, magkahawak na ang kamay. Naku, Leanne! Lumapit siya para salubongin ako. "Tara na?" pagyayaya niya.

Pwede naman akong pumuntang mag-isa at hayaan na lang silang dalawa dito. Laging ako ang napagbibigyan kaya okay lang na magdate sila habang wala ako.

"Sige na.. ako na lang ang pupunta.." kinurot ko ang braso niya. "Maglandian na lang kayo diyan!" asar ko sa kanya.

Ngumuso siya, She's cute. Walang duda kung bakit marami siyang manliligaw. She's an inch taller than me. We're still on grade 8 pero maganda na ang hubog ng katawan niya. She's sexy and me? Pfft. I don't know.

"Sige.. mauna na ako." pagpapaalam ko. "Wag kayong aalis diyan ha!?"

Sa huling lingon ko kung nasaan sila ay naalala ko ang nangyari kanina. Kung ano ang sinabi Cedrick sa ilalim ng punong 'yon. Napangiti ako pero agad ko itong tinigil dahil baka may makakita sa akin. Sabihin pa akong baliw.

Papalapit ng gym ay narinig ko ang tawanan at hiyawan ng mga nandoon kasabay ng isang malakas na tugtog. Binilisan ko ang paglakad dahil baka nagsimula na sila.

Pagkarating ko doon ay bumungad ang nagsasayawang mga ibang kagrupo ko. 'Yong iba ay nagmemeryenda pa at nagkukwentuhan pa ang iba. Hindi ko makita si Cedrick sa loob ng gym kaya naisipan kong itanong sa iba kung nasaan siya.

"Nasaan si Cedrick?" tanong ko kay Tisha, ang kasama kong huling nakapasok sa team.

"Nandoon po sa likod, kasama ang barkada niya." sagot niya.

"Sige.. thanks." nginitian ko siya bago puntahan kung nasaan si Cedrick.

Papalabas pa lang ng gym ay, naririnig ko na ang tawanan ng mga lalaki. Mas lumapit ako at nakitang nag-iinuman sila. Nagtago muna ako para hindi nila makita.

Nakita ko si Cedrick na tuwang-tuwa pagkatapos linagok ang isang shot.

"Kaya pa!" aniya at nagsalin ulit ng maiinom sa kanyang baso.

Bakit sila umiinom? Hindi ba bawal ang uminom sa loob ng campus? Isusumbong ko ba sila? Pero mapapagalitan si Cedrick. Baka magalit siya sa akin pag nalamang ako ang nagsumbong. At Umiinom pala si Cedrick? Ngayon lang ba kaya ito o lagi nila itong ginagawa?

"Kayo na ba ni Chloie, kaya ka nagpainom?" Biglang tanong ng isa. Noon una wala lang iyon sa akin pero noong napagtantong kay Cedrick ang tanong ay biglang kumirot ng konti ang puso ko.

"Hindi pa nga eh.." aniya at linagok na naman ang nasa kanyang baso.

Anong ibig sabihin nito?

"Paano kung 'di ka niya sagutin? Ilang taon mo ng liniligawan ah!" asar noong isa.

Liniligawan ni Cedrick si Chloie? Pero bakit ganon siya makaasta sa akin? Bakit ganon ang sinasabi niya sa akin? Bakit niya pinaparamdam na, parang gusto niya ako? Wait.. pinaparamdam ba talaga niya na gusto niya ako.. o ako lang ang nag-assume. Eh bakit ganon siya kasweet sa akin? Ganon rin ba siya sa ibang tao? Bakit niya sinabing stalker ko siya at namiss niya ako sa pagkawala ko ng isang linggo? Ano 'to Cedrick? Hindi ko maintindihan.

Aalis na sana ako nang bigla kong narinig pangalan ko.

"Eh nandyan naman si Yshia!" pagkasabi ng lalaking 'yon ay agad silang tumawa.

Bakit? Bakit nandiyan ako? Bakit nasali ako sa usapan niyo? Ano? T*ng*n*! Sumilip ako para makita si Cedrick. Para makita ang reaksyon niya.

"Bakit si Yshia?" biglang tanong ng isang lalaki.

"Eh, diba kapag hindi siya sinagot ni Chloie si Cedrick ay, may sasalo sa kanya...." nagtawanan silang lahat.

Wtf? Diniin ko ang sarili sa pader kong saan ako nagtatago.

So, kaya ako nilalapitan ni Cedrick ay dahil alam niyang gusto ko siya? Na kapag, hindi siya sasagutin ni Chloie ay, nandito ako para saluhin siya? I can't believe na ganitong tao ang nagustuhan ko.

Unti-unting pumatak ang luha mula saking mata. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit. Kumikirot ang puso ko at hindi ko na mapigilan ang pag-agos ng luha saking mata. Ngayon lang ako nagmahal, at ngayon lang ako nasaktan ng ganito.

Ngayong nalaman ko ang lahat, patuloy pa rin ba kitang mamahalin? T*ng*n* Cedrick! 'Di ko alam ang gagawin ko.

Akmang aalis na sana ako dahil narinig kong nagsitayuan na sila at may biglang humigit sa braso ko.

"Cedrick?" nanginig ang boses ko. Agad kong pinunasan ang natuyong luha sa pisngi ko.

"Woah!" kantsaw ng kasama niya nang nakita nila ako.

"Buking na ata si master Cedrick.." nagtawan sila.

"Shut up. Mauna na kayo don." seryosong utos niya sa kanila pero sa akin nakatingin.

Hindi niya parin binibitawan ang braso ko, mas lalo niya pa itong hinigpitan. Nag-iwas ako ng tingin dahil unti-unti na namang tumutulo ang luha ko.

"May narinig ka?" nag-aalalang tanong niya. Tumango lamang ako pero hindi makatingin sa kaniya.

Galit na galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Pero bakit 'di ko kayang bawiin ang braso ko? Bakit hinahayaan ko siyang hawakan ako? Ba't di ko siya magawang sampalin? Yshia! Baliw ka na!

"Alin ang narinig mo?" ngayon binitawan na niya ako pero, hinawakan niya ang mukha ko.

Inangat niya ang mukha ko hanggang sa magkalebel na ang mata namin. Kita ko ang awa sa kanyang mata. Naaawa ka sakin Cedrick? Nakokonsensya ka? Bakit mo ba kase to ginawa sa akin. Akala ko iba ka sa kanila. Pero pare-pareho lang pala kayo!

"Lahat.." bumagsak ang aking tingin. Narinig ko ang lahat Cedrick! Kaya alam ko na ang lahat! Pero bakit ganoon? Parang mahal pa rin kita?

"Sorry.." aniya at biglang hinila ang kamay ko para yakapin ako.

Bakit? Bakit ganyan ang pinapakita mo sa akin? Bakit ganyan ka sakin kung wala ka namang gusto sa akin? Bakit ganyan ka makaasta kung ginagamit mo lang ako? Bakit sa lahat ng galaw mo, iba ang nararamdaman ko? Bakit ganoon ang sinasabi ng puso? Bakit mahal parin kita kahit ang sakit sakit na?

Lost In Tricky LoveWhere stories live. Discover now