CHAPTER TEN

1.6K 36 0
                                    

"This is a miracle." Komento ni Doc Vash Carreon sa binata na nakaupo sa hospital bed sa loob ng clinic nito, naroon sila upang ipa check up ang mga mata ni Tanner samantalang hindi naman magawang iwanan ni Anniza ang binata dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kamay niya.

Simula ng umalis sila kanina sa bahay nito ay hindi na nito binitawan ang kamay niya at sa mga sandaling iyon ay ramdam niya ang panginginig nito, alam niyang kinakabahan ito sa magiging resulta ng check up ng kaibigan nitong doktor.

"Nah, shut up Vash, just do your check up in my eyes." May inis sa tinig ng binata, narinig naman niya ang mahinang pagtawa ng gwapong doktor.

"Okay fine but are you sure you want to keep holding hands with your nurse while I do the check up?" may panunukso sa himig nito, hindi naman napigilan ni Anniza na pamulahan ng mukha. Sinubukan naman niyang alisin ang kamay ng binata sa kanyang kamay subalit nagulat siya ng mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Yeah, I need her here in my side." Tanner said, lihim na natuwa si Anniza sa sinabing iyon ng binata.

Nakangiting sinulyapan naman siya ni doc Vash

"Okay, if that's what you want." Naiiling na sabi ng doktor.

Habang ginagawa ang eye check up ni doc Vash ay hindi tumitigil sa pananalangin si Anniza na sana ay nasa kondisyon na si Tanner upang maoperahan na ito, upang maging masaya na ang binata at makakita na ulit ito.

Hindi naman nagtagal ay natapos ang check up at pigil ang hininga niya habang hinihintay ang resulta, ramdam naman niya ang pamamawis ng palad ng binata habang magkasalikop pa rin ang mga kamay nila, pinisil niya ang kamay nito at bumulong.

"Just think positive Tan, it'll be positive." Bulong niya, nakita niya ang matipid na ngiti nito sa kabila ng matinding nerbyos.

"Well, gaya ng nauna kong findings sa mga mata mo, may chance ka pa rin na makakita and I congratulate you that we can schedule your eye operation as soon as possible. Kahit next week ay maaari ng maoperahan ang mga mata mo." masayang balita ng binatang doktor.

Ganon na lamang ang saya ni Anniza ng marinig niya ang balita, hindi rin niya napigilang lumuha dahil sa sobrang saya niya lalo na at nakikita niya ang maliwanag na mukha ni Tanner, he's really happy.

"Maiwan ko muna kayong dalawa at may pasyente pa ako sa kabilang room." Nakangiting sabi ni Doc Vash.

"Okay, thanks Vash." Masiglang pakli ni Tanner sa kaibigang doktor.

"It's my pleasure to help you, Tan." Sagot nito, pagkapaalam nito ay lumabas na ito ng silid na iyon.

Nagulat siya ng bigla na lamang siyang yakapin ng binata.

"You heard that Anniza? There's a chance that I can see again, makakakita na ulit ako." masayang sabi nito habang yakap siya, ginantihan naman niya ito ng mga yakap rin.

"Sabi ko naman sa'yo, makakakita ka pa ulit." Aniya, humiwalay sa kanya ang binata subalit ganon na lamang ang panggigilalas niya ng halikan siya nito sa mga labi.

It was only a smack kiss but it brought her in heaven, it was a dream come true. Tanner kissed her because he was happy.

Yeah he's happy, kaya h'wag mo munang bigyan ng ibang kulay ang ginawa niya, baka talagang masaya lang siya kaya ka niya nahalikan hindi dahil sa kung ano pa mang dahilan.

Atsaka baka nakakalimutan mo, ikaw ang may dahilan ng lahat, kapag nakakita na si Tanner..tiyak na kamumuhian ka niya.

Ganoon na lamang ang kalungkutan na naramdaman niya.

FLOWER BOYS  HOST CLUB 6: TANNER. My Gorgeous OgreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon