*three

2.7K 83 0
                                    

"Kung wala kang tinatago diyan! Bakit ayaw mo akung papasukin?!" Sigaw ng isang boses.

"Hon naman! relax! wala nga akung tinatago." Isa pang boses pero mahinahon ito na parang nagmamakaawa.

"Kung wala papasukin mo ako. Sinasabi ko sayo, wag mung ubusin ang pasensya ko." Bakas ang galit sa boses nito na kinaiinis ko.

"Hindi nga pwede!" Boses ng bestfriend ko yun.

"Bakit hindi pwede? You're already my wife! I have a right to enter your damn room VICTORINA SALAS-CLARKSON." Sigaw ulit ng ponchio pilato sa labas.

"Hon di nga pwede, Umupo ka nalang nga doon sa sofa! tabihan mo nalang si Xandra doon."

"Inuubos mo talaga ang pasensya ko Victorina." Sigaw pa nito na sobrang kinainis ko, maya pa ay tumahimik ng kunti. Pilit kung makatulog ulit ng tumahimik na ang nag aaway sa labas.

"Kyyaaaaaahhhhhh! Put me down!!!" Napabangon na ako ng marinig kung tumili si Victor.

Sa sobrang inis ko hinila ko ang kumot upang takpan ang katawan ko (sanay akung matulog na naka undies lang) at naglakad papuntang pinto. Saktong bubuksan ko na sana ang pintuan ng kusa itong bumukas. Nakita kung tinutulak niya ang isang babae na masasabi kung ito ang kasagutan niya kanina pa.

"Can't you lower your voice Victor?! Hindi mo ba alam na may natutulog?!" Sigaw ko din dito dahil sa inis ko na naisturbo ang pagtulog ko. At tyaka lang nila ako napansin ng matapos kung magsalita. Ang babaeng tinutulak ni Victor ay parang papatay ng nakita ako habang si Victorina ay naka tanga lang."Oh anu tatanga kalang dyan?!" Inismiran ko sila.

Isisirado ko na sana ang pinto when someone grabs the sheet from my body at undies lang natirang saplot sa katawan ko. Padabog kung binuksan ang pinto at tinignan ng sobrang sama ang lapastangan na humila sa kumot without minding what I'm wearing at wala din akung pakialam kung ano ang makikita nila sa buong katawan ko at kung ano ang iisipin ng asawa ni Victorina.

Pero di naman ito natinag at nakipag sukatan ng tingin. But I manage to control my anger mahirap na. Pero nauna siyang bumitaw at tinignan ng sobrang sama si Victorina na nagtatago sa likod ng sobrang pamilyar na babae, na parang pamatay din ang tingin sa....Akin?

Unti unti itong lumalakad papalapit sakin ang nakasukatan ko ng tingin at para bang nag s-slow motion ang lahat at para bang kami lang ang nandito na nag e-exist. Nagulat nalang ako ng biglang may nagsalita sa may tenga ko.

"Put some clothes in your body. A proper one or else--" May pagbabanta nitong sabi at parang na hi hypnotize ako sa bawat salitang binitiwan niya.

Hindi ko namalayan na natulak na pala niya ako papasok sa silid at nagising nalang ako ng marinig ko ang pagsara ng pintuan. Parang gusto kung sampalin ang sarili ko sa kagagahang ginawa ko.

Why I can't think properly every time she's near? Dali-dali akong kumuha ng damit sa aparador ni Victorina at nag tungo sa sala kung saan naka upo sila sa mag kaibang sofa and you can feel the bad atmosphere.

Pinili kung amupo sa tabi ni Victorina at hinawakan ang kamay niya at napakalamig nito. Tatanungin ko sana siya ng bigla nalang may hinila sa kanya at naramdaman ko nalang na may sumuntok sa kaliwang pisngi ko.

Muntik na akung napahiga sa sofa dahil sa lakas ng pagsuntok na natamo ko. Pinahid ko ang likidong tumutulo mula sa labi ko at pinili kung wag tignan ang pilit kung kinokontrol ang sarili ko.

I don't want them to know who really I am, and I don't want to hurt them. Nakayuko lang ako ng marinig ko ang iyak at sigaw ni Victorina, ang tunog ng nagsusuntukan at ang mga gamit na nababasag.

Love & Secrets (gxg)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora