Chapter 1: The Awake

4.7K 79 6
                                    

3 years after....
May 29, 2020

FORD'S POV

Magta-tatlong taon na simula ng hanapin namin si Jenelle ngunit hindi pa rin namin ito mahanap. At ilang buwan na ang nakalipas ng patigilin na muna kami ni James sa paghahanap kay Elle.

"Ford, lets go," aniya ni ate Iza.

Pagak akong ngumiti. "Tara," aniya ko.

Today, James said, we should focus to ourselves first, hindi daw naman maganda na kapag nakita namin si Jenelle lahat kami ay sobrang stress na. Kaya ngayon pupunta kami sa Japan, where there Mother born.

NANG MAKAPASOK na kami sa gate lounge nagkaniya-kaniya kami ng upo at naghintay ng oras ng flight namin.

"Ilang oras ang biyahe natin?" tanong ni ate Jen saakin.

Umubo muna ako bago sumagot, "More than 3 hours," aniya ko. Ilang oras na paghihintay ay dumating na ang eroplano namin at sumakay na din kami.

Business class ang upuan namin nila ate at ng evil gang samantala ang iba ay nauna na saamin kahapon pa.

Ilanf oras pa kami naghintay bago tuluyan nakalipad ang eroplano namin ng eksaktong ten-forty ng umaga.

MAG-A-ALAS TRES na nf hapon ng makababa kami sa eroplano, mabuti nalang at sinundo kami ni James at ate Jade sa airport, kun'di baka maligaw kami dahil hindi naman namin alam ang pasikot-sikot sa Japan kahit marunong kami mag hapones.

NANG MAKARATING kami sa malawak na bahay ng mga Fernandez, inihatid muna kami ni ate Jade at James sa kuwarto namin upang makapagpahinga kami saglit at maayos ang gamit namin. "Eto ang kuwarto ni Jenelle ng minsan kami dumalaw dito sa Japan," aniya ni ate Jade saakin ng mabuksan niya ang kulay krema na pintuan at may naka-ukit na crescent moon.

"Sige maiwan muna kita, ipapatawag nalang kita kapag ayos na ang hapag kainan." Tumango ako.

Nang makalabas ito ay napabuntong hininga ako lalo na ng makita ko ang imahen ni Jenelle ng ito ay maliit palamang.

Makalipas ng tatlong taon, sobrang lantang-lanta parin kami, tipong lahat ayaw gumalaw, lahat ayaw umalis sa puwesto. Hinihintay ang pagdating ng Reyna. At ang reyna namin ay si Jenelle.

Umidlip muna ako ng ilang minuto bago ko inayos ang mga gamit ko, hindi pa ito tuluyang ayos ng may kumatok sa pinto. "Mr. Ferrer, bumaba na daw po kayo upang makakain na po kayo at makapagpahinga na din po kayo," aniya ng isang katulong ng mga taga-Fernandez dito sa Japan.

"Tatapusin ko muna ito, salamat." Narinig ko ang yabag nito na palayo sa kuwarto at nang wala na ako marinig na yabag ay pinagpatuloy ko ang pagliligpit ng gamit ko at ng matapos na ako ay bumaba na ako.

Muntik pa ako maligaw kakahanap ng hapag kainan buti nalang at in-assist ako ng isa sa mga katulong dito. "Kumain ka na Ford," aniya ni ate Iza. Umupo ako sa tabi niya. Hindi pa ako tuluyang naka-upo ng magtanong si Coreen.

"Dito rin ba kami mag-aaral, kuya James?" tanong ni Coreen. Tuluyan na ako umupo sa upuan at pasimple kong nilingon si James.

"Yes, sa Xyclein Academy kayo mag-aaral," aniya nito.

"How about you?" tanong ko kay James.

"We're homed school," sagot nito.

Can I be home school too?

Tumango nalang ako at sumandok ng kanin at ulam bago tahimik na kumain. Pagkatapos ng tahimik naming pagkain dumiretso kami sa kaniya-kaniya naming kuwarto at ang iba ay umalis naman.

The Royal Queen [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora