CHAPTER 10: Feeling is Mutual

1.1K 57 0
                                    

ANNIE'S POV

Nasa garden na ulit kami ng barkada except Judith na hindi rin namin alam kung saan pumunta. Yung nangyari sa kanila ni JP ako lang nakakaalam. Kaming tatlo lang ang may alam pero hindi alam ni judith na alam ko ang nangyari and I won't let her know that I know.

"san si judith?" tanong ni Jane.

''ewan ko nga eh.. dumaan lang siya kanina tapos umalis na rin." sabi naman ni venjo.

"ah. anu sabi?" tanong naman ni alvin at nagkibit balikat lang si julie. Si JP? walang imik. Naawa ako sa kanya kasi alam kong nahihirapan siya. Hindi niya gusto si judith,, but he love her. Tutulungan ko siya. Aba! boto ako diyan..

Nandito na kami sa room para sa last subect. Dada lang dada si ma'am. Wala ako maintindihan at di rin ako nakikinig.. amboring ng subject niya eh.

"pssst,, bored ka?" sisit ni Eyha.

"oo eh.. tagal ng uwian." sabi ko, tapos nagtawanan kami. Nasa kabilang row kasi siya.

"sinong nag uusap diyan? can't those persons wait until dismissal?" sabi nung teacher. tapos nagtinginan yung classmates namin. Yung iba alam na kami yun.

"sorry po sa istorbo ma'am" sabi ni MARK? O___O

"so it's you mr. Lim. and because of that. LEAVE. THIS. ROOM. NOW.!!"

O___O

SHIT!! KASALANAN KO PERO BAKIT SIYA NAGSALITA??

dapat may gawin ako. Konsensiya ko pa pag nabigyan siya ng punishment.

"hindi po totoong siya yung nag ingay Ms. Red.. a-ako po yun. s-sorry po." Tapos yumuko ako kasi nahihiya ako. Pero p*ksh*t lang. Terror kung terror ah.

"so.. you're saving each other? ok.. pagbibigyan ko kayo. THE TWO OF YOU... GET. OUT. OF. THIS.CLASSROOM. NOW!!!" bulyaw pa niya.

Tiningnan ko si Mark. Nakatingin na lang siya sa akin at umiling iling na parang sinasabi niyang "dapat di na kasi nangialam"... Tapos ipinasok niya ung dalawang kamay sa magkabilang bulsa na pants niya. Aba naka pamulsa ang loko at straight forward na naglalakad palabas. Sumunod na lang ako. Malas naman oh!!!

Dire-diretso lang si Mark sa paglalakad. Siguro naiinis to kasi nakapamulsa. nyek! anu konek? Saan ba ito pupunta? Natatakot naman akong magtanong sa kanya kung anong gagawin niya.. baka sigawan niya ako, or glared at me o baka di niya ako pansinin. Tumayo nalang ako sa may pinto ng room. Hintayin ko na lang mag labasan sila.

" Sa tingin mo ba papasukin ka pa ng teacher na yan kapag nagpaawa ka diyan?? hindi. Kaya kung ako sayo umalis ka na diyan sa may pinto at baka sigawan ka lang ulit niyan." sabi niya. Nagulat ako kasi nasa tabi ko na siya eh kanina lang palayo na siyang naglalakad ah.

SOULMATESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon