Hay... sa wakas, natanggap agad ako sa unang trabahong aking pinasukan. Una sa lahat nagpapasalamat ako sa pekpek eh este sa pagmamahal ng kaibigan ko na si Devi. Well, she's my high school bestfriend na may malaking utang na loob sa akin nung panahong nagkakilala kami. Mahabang kwento pero to make it short, nagkabanggaan kami sa Starbucks, session road. Nagkwentuhan at nalaman ko na sugar daddy nya pala si Mr. Franco na may mataas na posisyon sa isang napakalaking kumpanya ng minahan dito sa Baguio.
Hmmm... napaisip ako at umiral ang pagiging desperada ko.
"Devi, please, Bes, right this time may maganda ka naman sanang magawa para sa akin. Kausapin mo si love mo. Sabihin mo handa akong humarap sa interview mabigyan lang ako ng trabaho. May lisensya na ako, kompleto mga requirements ko lahat lahat handang handa ako beshy!" Hinila ko ang kanyang mga kamay at mariin ko itong ipinisil pisil sa aking pisngi na may kasamang luha. Syempre para maawa sya, hihi. Agad naman siyang nag agree ng mapansin niyang madami ang lumilingon sa amin.
"Seriously, Brazen, what the heck are you doing?!" Nalukot ang magandang mala Demi Lovato niyang mukha habang pabulong niya akong pinagalitan.
"I'm really sorry. Alam mong hindi ko ugali ang humingi ng kapalit sa mga nagawa kong kabutihan. Nagbabakasakali lang naman ako dahil nasa crisis ako ngayon." Malungkot kong sagot habang matamlay na nilaro laro ang cake gamit ang fork. Nagpout siya na parang nagtatampo. Siyempre nararamdaman niyang parang iyon lang ang habol ko. Nagpasalamat ako at maya maya ay namasyal kami para malibang siya.
Ilang araw ang nakalipas at tumawag sya sa akin. Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko nun at umaasa akong matutupad ang aking nais. Lahat na ng mga kailangan na sinabi nya ay kinompleto ko at agad akong pumunta sa office ng sugar daddy nya.
"Good afternoon, sir. I'm really sorry for being late." Una, ang secretary nya ang nakasalubong ko at agad nya akong pinapasok sa office at bago pa ako nakapasok ay narinig ko ang boses ng secretary na may binabati kaya nag assume agad ako na si Mr. Franco na ang nasa likod ko at magkasunod kaming pumasok.
"Yeah, maybe next time you should know what punctuality is." Agad namang sagod niya at nagsiupo kami. Agad kong inabot ang aking mga papeles at tumingin sa kanya.
!!!
'Shit, you got to be kidding me! Is Theo James here in the Philippines?!' Halos hindi ako makahinga sa gulat at nerbyos sa itsura ng kaharap ko. Hindi rin agad siya nakagalaw habang hawak hawak din ang aking iniabot na tila nagulat din ata sa nakita niya.
*gulp*
May dumi ba sa mukha ko?
BINABASA MO ANG
Alindog sa Bituin
AdventureDamdaming nagbabaga sa galit, punong puno ng pait at kalungkutan. Nagtatanong, litong lito, at sa huli ay nilisan ko na ang isla kung saan lahat ng alaalang ligaya ay nag umpisa. Sa isla ng Boracay ako napadpad kung saan ay nabigyan ako ng pag asa p...