2. The New Comers

241 5 0
                                    

Kinabukasan, umalis na nga ang dalawa. Bumalik kami ni Casey sa dating gawain namin; pumasok ng maaga at nagumpisang magtrabaho.

Every week, tuwing sabado, nagwawalwal kami kasama ang mga taong happy go lucky ang buhay at tuwing linggo naman ang pahinga namin hanggang sa umabot na ako sa pangalawang buwan ng aking trabaho.

Sa totoo lang, nakakalungkot din kasi ang mag isa. Sa tuwing pagkatapos ng trabaho ko, wala akong dadatnan sa kwarto kundi ang napakaganda at magarang paligid kasama ang naghihintay sa akin lagi na malaki at malambot na kama.

'Ginusto mo ito, diba?' Tanong ko sa aking sarili. Oo, ginusto ko ito dahil sa mga nangyari sa aking nakaraan. Gusto kong makamove on at gusto ko munang lumayo sa aking pamilya. Gusto ko ng tahimik at masayang buhay; iyong nagagawa ko lahat ng gusto kong maranasan at heto na nga. Nakapagparty at nakapag one night stand ako sa ibat ibang mga lalaki.

Nakakadiri na ba ako sa lagay na ito? Napag isip isip ko, nasa bilang ba ang dahilan para hindi ako makahanap ng magmamahal sa akin?

Kung ganoon, nandidiri ako sa sarili ko ngayon palang.

"Brazen, tara na! Madaming ulam doon!"

Sabado nanaman, nakakaumay na din. Nakakatakot kasi baka sa sobrang dami kong makakatalik na lalaki, masira ang alindog ko lalo na ng malibog kong kayamanan.

"Casey, behave tayo ah. Please lang, inuman lang, walang fu**." Tinignan ko si Casey ng nagmamakaawang tingin. Napadilat ang kanyang mga mata at tumawa ng malakas. "May sinabi ba ako na nakakatawa?"

"Brazen naman, ikaw lang naman itong nagpapasimuno nyan! Bakit mo ako binabawalan? Hahahahaha!"

Uminit bigla ang aking mukha dahil sa hiya. 'Shet! Ako pala itong may kasalanan bakit ngayon ko lang nalaman? Nakakahiya! Bugok!'

Ayun nga, natuloy kami sa pag inom ng alak sa bar saka kami sumayaw sayaw na halos mabali ang mga buto namin sa sobrang kalasingan. Kung sino sino ang mga nagsayaw sa amin; si Micheal, Alfred, Jonathan at marami pa. After that, umuwi na kami ni Casey sa kwarto ko at itinuloy ang paginom. Inilabas ko ang paborito kong wine; Novelino.

"Antagal naman ng party na inorganize nila. Inip na inip na ako."

Napatingin ako bigla sa sinabi ni Casey. Kumunot ang noo ko na nagtatanong na tingin.

"My gosh! Brazen?! Nakalimutan mo na ba? Diba may ticket na ibinigay sa iyo noon?!"

Ayan, napagalitan ako ni Casey sa kaignorantehan ko sa mga nangyayari. Ibinato nya sa akin ang isang throw pillow saka sya tumungga ng wine.

"Hindi mo padin ba maalala?"

"Oo na! Naalala ko na. Dapat last week pa sana iyon pero ano na? July na ngayon. Ano pa bang magagawa natin e sila naman may hawak nun." Inayos ko ang aking upo saka uminom ng alak.

"Napakagwapo daw ng anak ng company president. Sana sa unang tingin palang magustohan nya ako." Kinikilig na napayakap si Casey sa akin.

"Sus! Magugustuhan ka nun. Depende nalang kung may mauuna o susulot sa iyo." Itinulak ko siya at saka ako tumayo para magbihis ng damit pantulog.

"Naku, ikaw nga jan ang pinakamagandang babae sa isla. Walang dahilan na hindi ka nya magustuhan." Kinuha nya ang iniabot ko na pajama para makapagbihis na din siya.

"Che! Huwag ka ngang bolera jan. Alam ko may binabalak ka nanaman jan. Sige ibibigay ko na yung Naked eye palette ko sa iyo." Tumulis ang aking nguso sa pambobola ni Casey. Sa kanya na din lahat ng make ups ko. Tutal hindi ko naman talaga ginagamit.

"I'm not kidding, Brazen. You know that I never lied to you." Ayan nanaman yung linya nya na puro english. Minsan invisible na nagdudugo ang ilong ko kapag kinakausap nya ako ng english na may kasamang accent.

Alindog sa BituinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon