Chapter 6

7.3K 160 30
                                    

Chapter 6: First?

Jazminne's Point Of View

Haist... Bakit kasi pumayag-payag pa ako'ng sumali sa J.S prom na 'yan eh! Grabeng kahihiyan naman ang mararanasan ko! Psh! Fight lang, kaya mo 'yan Jaz!

"Ano besin, ready ka na ba?" sa tingin niya ba ready ako? Psh!

"Alam mo naman ang sagot ko sa tanong mo diba?" pilosopo ko'ng sagot.

"Haist! Nako talaga! Positive ka lang!" Ngumiti nalang ako bilang pagsagot sa sinabi niya.

"That's the Spirit!"

***

"Onting ayos ng kilay lang perfect na!" sabi ni tita. Hindi na kami kumuha ng makeup artist kasi magaling 'yan magmakeup si tita.

"Ta, ba't kailangan pa niyan? Ginagawa niyo na ko'ng clown eh!" naiinis ko'ng sabi.

"Ano ba 'yan besin, kalimutan mo na ang lahat wag lang ang kilay! Kilay is life 'no!" Psh... sainyo lang 'yan kung alam ko lang talaga, pinagtitripan niyo na yung mukha ko!

"Oh, ayan na ang ganda mo inaanak!" sabi ni tita.

"Baby, ikaw ba 'yan? dalaga na talaga ang baby girl ko!" nagdadramang sabi ni mama... LOL!

"Oh tita good job kami ni mama 'no!" sabi ni besin kay mama.

"I admit it! Good na good job nga kayo!" sabi ni mama. "Alam niyo naman kasi, ang maganda hindi na kailangan ng make up. Tignan mo ako hindi ako marunong, maganda kasi ako kahit wala 'yan!" nakangising sinasabi ni mama.

"Hay nako hindi ka parin nagbago mare!" sabi ni tita.

"O ano na besin? Alis na tayo?" sabi ni Althea.

"Maya maya na kinakabahan p--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla kaming may narinig na pindot ng doorbell.

"Ako na po." sabi ni yaya.

Pumunta na si yaya sa may gate. Nagtagal ng onti don si yaya at maya-maya ay dumating na siya.

"Ya, ano po 'yon?" tanong ko kay yaya.

"Ah, ano po kasi bisita niyo daw po. Calvin daw po yung pangalan." sabi ni yaya na ikinagulat ko at ikinangisisi nila mama.

"May hindi ka pala sinasabi samin besin ah!" sabi ni althea.

"Hoy! Tumigil ka nga diyan w--" naputol ang sasabihin ko. May biglang...

"Hi po!" masigla niyang sabi.

"A-anong g-ginaga--"  NAPUTOL ANG SASABIHIN KO! NA NAMAN!!!

"Maiwan muna namin kayo ah!" sabi ni besin at nilakihan pa ako ng mata.

"Hi Jazminne!" sabi niya.

"H-hello? A-anong ginagawa M-mo dito?" nauutal kong sabi.

"Can you go to the prom with me?" nahihiyang sabi niya.

"Totoo ba 'to? Isang Calvin ang pinakasikat, pinakakinakatatakutan at crush ng campus niyaya ako ngayon?" tulala at hindi makapaniwalang sabi ko. Para akong nabunutan ng tinik!

"O, tapos ka na ba pagmasdan ang kagwapuhan ko?" nakangisi niyang sabi.

"A-ah O-oo?" What! anong sinabi ko! Paktay na!

"Ano, yes or no Ms. Nerdy?" tanong niya.

"Y-yes?" patanong kong sabi.

"Halika na!" excited at masaya niyang sabi.

"Okay, paalam lang ako." sabi ko at tinawag na sila mama.

"Ma,Ta,Bes alis na kami!" sabi ko

"Ijo, kung liligawan mo si Jaz 'wag ka mahihiyang sabihin sakin ah... Tutulungan kita!" sabi ni mama na ikinalaglag ng panga ko. Akala ko pa naman siya ang tututol. Pero impossible naman na gawin niya 'yon, nerd parin ako 'no!

"Ma!" sabi ko.

"O siya alis na kayo."

"Bye po..." paalam niya kala mama.

Umalis na kami sa bahay at dumiretso sa sasakyan ni Calvin. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at ikinagulat ko 'yon.

"Gentleman ka din pala ah..." nakangising sabi ko.

"Ako pa!" sabi niya.

Sumakay na kami at nagstart na siya magdrive. Lumapit siya sakin, malapit na malapit...

"A-ano a-an--" nauutal kong sabi. Hindi ko nga namalayan namumula na pala ako! GOSH!

Nilagyan niya lang pala ako ng seatbelt!

"Bakit ka namumula?" sabi niya. Sabay tawa.

"Wala! Magdrive ka na!" sabi ko naikinangisi niya.

Nagdrive na kami. Mga ilang minuto lang ay nandito na kami sa school. Malapit lang kasi ang school sa bahay namin.

"We're here." sabi niya.

Bababa na sana ako kaso inunahan niya ako at ipinagbuksan ako ng pinto. "Bakit ka nakatingin? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko.

"Wala. 'Di ba pwedeng naninibago lang. Ang ganda mo kasi eh..." What? tama ba ang narinig ko! Psh... ayoko mag assume!

"Ewan ko sayo!" sabi ko na ikinangisi niya.

Kami ang center of attention sa venue este sita pala. Ikaw ba naman kasi maging date ng isang Calvin diba?! Para tuloy ako'ng maid niya. Psh...

"Tignan mo oh, pinagtitinginan ka nila. Ang ganda mo kasi eh." Namula ako dun ah!

"Ikaw kaya! Tiyaka siguro tingin ng inggit kasi ako ang naging partner mo." sabi ko

"Kahit sino namang lalaki gugustuhin maging partner ka." Ikaw Calvin namumuro ka na ah! Masyado mo akong pinapakilig!!!

"Calvin, punta lang ako sa restroom."

"Samahan na kita?"

"'Wag na."

"Sige. Ingat ka ah..." Napakaprotective mo naman! Kineleg nemen si eke!

Papunta na ako sa comfort room ng may biglang humarang sa harap ko'ng isang lalaki.

"Hi miss!" sabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin, at nagpatuloy sa paglalakad.

NG BIGLANG...

"Kinakausap kita! 'Wag mo akong talikuran" Natakot ako 'don ah!

"Excuse... Dadaan ako!"

"Hindi ka makakaalis dito hanggat d--" isang buklat pikit ng mata nawala siya sa aking harapan.

"Ga*o ka! Ako nga hindi ko sinasaktan ang girlfriend ko ikaw pa kaya!" Pasigaw na may halong inis na sabi ni Calvin sa lalaki. Sinuntok niya iyon na naging dahilan ng pagkahulog ng lalaki sa sahig at pagkaputok ng kanyang labi. Pero wait! Ano yung narinig ko? Girlfriend?!

"Tama na Calvin." sabi ko

"Halika na baby. Okay ka lang ba?"

"O-oo H-halika N-nga." sabi ko at hinila siya 'don.

Pumunta kami sa labas at umupo sa may bench. Masyado kasing maingay sa loob eh.

"Anong sabi mo? Girlfriend? Baby?" tanong ko na may halong inis at gulat at syempre kilig!

"Huwag ka mag assume sinabi ko lang yun para layuan ka ng mokong na 'yon!" sabi niya tiyaka humagulpak ng tawa.

"Tawang tawa ka 'no?" sarcastic kong sabi. Aktong maglakad na ako palayo ng bigla niya akong hinila papalapit sa kanya malapit na malapit isang inch nga lang ang pagitan namin eh. Si Mr. Heart ang ingay tuloy!

"Jaz..." sabi niya ng mas lalo siyang lumapit 'di ko alam kung bakit pero pumikit ako. Ito na ba ang magiging first kiss ko?

Itutuloy...

●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●
Bitinin ko muna kayo ah! May part 2 pa naman don't worry! Sorry sa late update. Umalis na kasi si mommy pupunta na siya ng Australia kaya busy kami lately.

The Nerdy Girl's ChangeWhere stories live. Discover now