≈CHAPTER 3≈

3K 95 9
                                    

Chapter3: banana

Zoe POV

"Ano!!" Sigaw nilang lima ng sabay-sabay, nasira yata yong eardrum ko dahil sa sigaw nila. Tinignan ko ang paligid at para silang mga statue na ngayon ay natigilan. Inayos ko ang sarili ko.

"Sorry talaga guys, ayoko naman kasi na pati kayo ay masali sa gulo ng dahil lang sakin. Intindihin niyo naman ako, isipin niyo na lang na ako ay isang pabigat sa-"

"You crazy Zoe, kahit kailan hindi namin yon inisip na isa kang pabigat? Hindi ka pabigat samin Zoe, kaya intindihin mo naman kami bilang mga kaibigan mo. Don't mind all who bully you. Just listen for us your friends. Kaya Zoe walang aalis. Maliwanag" natauhan ako sa sinabi sakin ni Alex, pero ayoko lang talaga na masali sila at ayoko narin dahil pagod na pagod na talaga ako sa mga kalukuhang mga studyante rito.

"Pero Alex, ayoko lang talagang magiging pabigat sa inyo at give up na ako because I'm so tired at ito lang yong paraan para naman mabasbasan ang kalungkotan ko. Kasi araw-araw na lang akong puyat dahil sa kaiisip at kaiiyak, walang time na lutang yong utak ko, at wala ring araw na palagi akong binubully kahit mapasabado man o linggo, ayoko na talaga guys. At sana maunawaan niyo ako bilang kaibigan, dahil ginawa ko rin ito dahil sainyo at lalong lalo na sa aking sarili. Mukhang ako yong dahilan kung bakit nagkakaganito ang mga studyante rito" agad na akong tumayo at tumakbo kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

Ang daming nagsibulungan, nagpaparinig, nagtatawanan, nagtatarayan at ano-ano pa.. Para yatang isa akong kriminal na binasura nila. Kung nakakamatay lang ang mga masasakit na salita baka patay na ako. Hindi naman ako affected ehh dahil hindi naman totoo.

Hindi ko na malayan na nakaupo na pala ako sa simento dahil sa balat ng saging, hindi ako makagalaw dahil ang sakit ng pwet ko. Nahiga na lang ako dahil may nagtulak sakin, hinayaan ko na lang ang sarili ko na makahiga dahil wala na akong lakas para bumangon pa.

"Ohh but hindi ka babangon diyan malandi? Ngayon mo pa ba na realized na malandi ka, at bakit may pa iyak iyak pang nalalaman ha? Nakakaawa naman" pang-aasar ng isang babae na mukang malditang maganda. Ano ba ang kasalanan ko sakanya, wala naman talaga akong kasalanan ehh. Nagsitawanan ang lahat na nakapalibot samin, i think it's 300 people up siguro ang nakapalibot saking studyante at kahit man lang isang teacher ay walang nakakakita nito? Imposible.

Agad akong may naramdamang samapal sa pisngi ko. Ang sakit parang umaapoy yata yong pisngi ko, gusto ko mang hawakan ang pisngi ko pero hindi ko talaga magalaw ang katawan ko kahit kamay ko hindi, ano ba ang nangyayari sakin? Huhuhu help lord, ano ba talaga ang nagawa ko sakanila.

Wala akong magawa kundi umiyak na lang dahil ang sakit sakit kung sila kaya ang nasa pwesto ko? Ang hirap kaya at mas mahirap na walang matinong dahilan kung bakit nila ako kinaiinisan.

Binuhusan ako nang malamig na tubig kaya ang nagawa ko lang ay kinagat ko ang ibaba ng labi ko na ika-dugo nito dahil nakatakam ako ng dugo. Sana may tumulong man lang sakin kahit isa man lang dahil hindi na talaga ako makagalaw pa.

"O but parang nagiging isang bato ka ha malandi? Tumayo ka diyan at lumaban ka sakin" sabi nanaman niya, kung nakakatayo lang ako ngayon baka kanina ko pa siya kinakalbo. Nagpapasalamat siya nagkakaganito ako, masama akong magalit. Kahit sino hindi pa nakakaalam ang kamalditahan ko.

Agad na may humagis sakin ng isang papel na binilog, nang natama oto sa mukha ko ay ang sakit parang may laman itong isang bato. May naramdaman narin akong mga sunod-sunod na mga humagis sakin. Ganito talaga ang mga tao ngayon, kapag may isang taong humagis ay makisali rin ang iba. Imitator kung baga, ang ibang papel ay hindi masakit ang iba naman ay masakit kaya hindi ko na talaga kaya, hingal na hingal na ako sa kakapigil ng hininga ko dahil sa sakit na nararamdaman.

Kung may gana lang siguro akong makapagsalita ngayon baka sumigaw na ako nang sumigaw pero parang nagiging pipi yata ako, ano ba talaga ang nangyayati sakin ba't nagkakaganito ako?.

May naramdaman na naman akong sapak sa pisngi ko at mula na naman sakanya. Sana naman marunong siyang mahiya sakanyang sarili dahil hindi siya marunong lumaban ng patas.

Sinapak na naman niya ako sa kabilang pisngi naparang nag-eenjoy siya sakanyang ginawa ngayon.

Sasapakin na naman niya sana ako pero may pumigil dito at sinapak niya ang babaeng kanina pa ako sinasaktan.

It's Kaylee, thank you kaya agad na akong nakahinga ng maluwag and everything is blur.

--------

A/n: Thank you talaga sa nagbabasa nito, mas nagustuhan kong mag-update ng mag-update dahil may inspiration na ako.. Thank you so much talaga guys...

THE HELL PHAUSWhere stories live. Discover now