Chapter 10- Brokenhearted 💔

56 6 8
                                    


Mary Grace POV

Dali-dali akong sumakay ng tricycle.

"Ma'am saan po kayo?." Tanong ng driver sa'kin.

"Kuya sa sweety coffeeshop po." Saad ko.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Ilang minuto lumipas nandito na'ko. Bumaba na'ko sa tricyle.

"Kuya ito po ang bayad salamat po." Saad ko.

"Walang anuman po." Saad ng tricycle driver.

Pagkatapos pumasok na'ko sa coffeeshop. Nilibot ko ang paningin ko upang mahanap ko si Noah. Na'ng nahanap ko siya agad na'ko lumapit sa pwesto niya.

"Ano ba ang problema ba't pinapunta mo'ko dito?." Tanong ko sa kanya. Na'ng nakaupo na'ko.

"Pwede ba'ng mag-order muna tayo." Saad niya.

Tumango naman ako. Tinawagan niya ang waiter.

Binigay naman ng menu sa'min.

"Kuya isa po'ng avocado shake at white pasta na'lang ang akin." Saad ko sa waiter.

"Ako bro isang frappe na'lang ang akin at fries." Saad ni Noah.

Pagkatapos 'nun umalis naang waiter.

"Mahalaga ba ang sasabihin mo sa'kin?." Tanong ko ulit sakanya.

"Pwede ba'ng kumain muna tayo?." Walang kaemosyon ang mukha niya.

"Pwede ba Noah diretsuhin muna ko. Ano ba ang problema mo? Isang buwan ka hindi tumatawag o text sa'kin. Pero ngayon pinapunta mo pa'ko dito." Saad ko sakanya.

"Mary Grace pwede ba manahimik ka muna." Saad niya.

"Noah hindi ako matatahimik kung hindi mo'ko sasagutin sa mga tanong ko. Bakit ba?." Inis na saad ko sakanya.

Sasagot na sana siya, ngunit dumating na ang pagkain na'min.

"Kumain muna tayo." Saad niya.

Hindi ako matatahimik. Alam ko may tinago siya sa'kin. Nakikita ko sa mga mata niya.

Natapos na kaming kumain. "Ayan tapos na tayo kumain. Siguro naman sasabihin mo kung anong problema." Saad ko sakanya.

"Mary Grace may sasabihin ako sayo." Saad niya. Kabado siya pero hindi niya pinapakita.

"Ano ba diretsuhin muna ko." Matapang na saad ko.

"Mak-kip-pag br-eak ako s-ayo." Utal niyang sabi.

Naestatwa naman ako sa sinabi niya.

"Mary Grace sorry dahil nakabuntis ako." Saad niya ulit.

Yun ang bumasag ulit sa puso ko.

"So yun pala ang dahilan kung bakit hindi ka na nakikipagcommunicate sa'kin." Mapait na saad ko.

"Oo.. Ayaw ko makipaghiwalay sa'yo. Pero ang pamilya ng nabuntis ko sinabi nila pakasalan ko daw ang anak nila." Saad niya.

"Eh g*go ka pala eh. Binuntis mo tapos ayaw mo siyang pakawalan. Tapos ngayon sinasabi mo'ng ayaw mo'ko hiwalayan. Gagawin mo pa'ko kontrabida. Kung totoong mahal mo'ko sana hindi ka naghanap ng iba. Napakalaki mo'ng g*go!. Dinadamay mo ang batang walang alam dito sa mundo. Ngayon alam ko na. Kaya sana tumino ka na ngayon." Matapang na saad ko at nagwalk-out na'ko.

Nakakahiya 'man pero mali 'yun. Kahit masakit kailangan ko'ng tumayo. Dali-dali akong sumakay ng tricycle.

Doon na tumulo ang mga luha ko. Ang sakit pala lokohin ka ng taong mahal mo.

The Destiny's (On-going)Where stories live. Discover now