13. Walk out

22.5K 601 32
                                    

       

            Hindi ko magawa kahit ngumiti dahil sa nakita kong ginawa ni Lee kay Maddie.  People in our group shouted and teased Lee because of what he did.  Although technically he didn't kiss Maddie, he just licked the side of her mouth.  Putang ina.  Napakagago, ah.

            I saw disbelief on Maddie's face.  Talagang gulat na gulat siya sa nangyari at parang hindi siya makagalaw.  Nanatili lang siyang nakatingin kay Lee na nakangiting umupo sa harapan niya.

            "Lars, baby.  Do you want to get out of here?" narinig kong sabi ni Tanya sa tenga ko.

            "Move away," wala sa loob na sabi ko at nanatili akong nakatingin sa gawi ni Maddie.  She is smiling this time.  Parang nahiya dahil sa ginawa ni Lee.

            "The hell man!  Ang bilis mo!" narinig kong sigaw ni Vlad.

            "Siraulo ka, Lee!  Hinaharass mo ang pinsan ko!  Virgin pa iyan!" natatawa namang sabi ni Ciara.

            Nakita kong napayuko na lang si Maddie at napapailing na lang na parang ayaw na nito ang nangyayari.

            And I hate it, too.  Naiinis ako. 

            Kumuha ako ng bote at patay – malisya ko iyong tinabig para mahulog sa lapag at mabasag.  Nakita kong pare – parehong napatahimik ang grupo namin at napatingin sa akin.

            "What happened Lars?" takang tanong ni Kyle.

            Umiling lang ako at pinilit kong ngumiti.  "Natabig lang 'yung bote kasi ang haharot 'nyo," sabi ko at inis na dumampot ako ng isang bote ng beer at dire – diretso kong nilagok iyon.

            Nakita kong sumenyas si Vlad sa isang staff at pinalinis ang nabasag na bote.

            "Maddie, paano kung ligawan ka niyang si Lee.  May pag – asa ba?" nanunuksong tanong ni Vlad.

            Nakita kong nakangiti lang si Lee at parang talagang gustong – gusto ng gagong ito na tinutukso siya kay Maddie. 

            "Hindi naman siya nanliligaw," narinig kong sagot ni Maddie.

            Malakas na tuksuhan na naman.  And I am not enjoying this.  Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero para na akong sasabog sa inis.

            "Lee!  Manligaw ka kasi," humahalakhak na sabi ni Kyle.

            "Hindi marunong manligaw iyan.  Marunong lang 'yan yumari ng babae," sabat ko at uminom ako sa hawak kong beer.

            Nakita kong napatingin sila lahat sa akin at parang walang natawa sa sinabi ko.  I know it was a bad joke but who cares?  Hindi rin naman ako natutuwa kung joke man itong ginagawa nila.

            "Parang ikaw 'di ba?" narinig kong sabi ni Lee.

            Pinilit kong ngumiti sa kanya at itinaas ko ang bote para kunwari ay makipag – cheers sa kanya.

            "More women for us," sabi ko at napatingin ako sa gawi ni Maddie.  Nakita kong napapailing lang siya habang nakatingin sa akin.  She is looking at me with full of disgust.

            "I think I am done playing with women.  I want to be serious for once," sagot niya sa akin at tumingin sa gawi ni Maddie.

            Napalunok ako at parang napapahiyang ibinaba ko ang hawak kong beer.

            So Lee is serious for Maddie?  'Tang ina.  Kagaguhan ito.  Hindi ako naniniwala.  I have known Lee for more than ten years at iisang babae lang ang sineryoso niya.  Unfortunately, that girl died a long time ago because of an accident.  And Lee became like me after that.  Womanizing, binge drinking, flirting.  No woman made him serious.

Rock my Heart (BLACK SLAYERS SERIES 1) (COMPLETE)Where stories live. Discover now