Chapter 26

2.6K 96 10
                                    

Chynna's POV

Tsong milagro yatang nagyaya ka dito sa bar? Tanong niya kay glaiza na nakamukmuk sa couch, nasa vip area sila

Tsong bakit ba kailangan ko pa siyang makita? Sabi nito habang nakatingin sa may stage..

Hah? Sino? Naguguluhan na ako ah..

Si sanya..

Hah?! Teka nagkita kayo? Saan? Bakit? Nangangaliwa ka ba?! Huy?! Sunod sunod na tanong ko sa kanya pagkarinig ko ng pangalan ni sanya..

Si sanya yung unang babae nananakit sa bestfriend ko.. Siya yung taong hindi ko na nais na makita pa ulit ng bestfriend ko.. Pero wala na nag krus na ang landas nila.. Kaya pala ganito siya.. Pero hanggang ngayon pa pala? Eh masaya na naman siya kay jade at may anak na sila.. Hay.. Love nga naman..

Chyns alam mo naman di ba? Hindi ganun kadali...

So you mean mahal mo pa din si sanya? Eh paano si jade? Di ba asawa mo na siya? Nakalimutan mo ba agad yun? Medyo naiinis ako ah..

Ano naman kinalaman ni jade dito chyns? Nakatingin pa rin siya sa may stage

Malaki tsong.. Sa ginagawa mo parang pinagtataksilan mo asawa mo eh.. Alam niya ba tungkol kay sanya?

Hindi.. Sabay inom ng beer na hawak niya

Bakit hindi mo sinabi? Tsong naman.. Nag aalala na ako dito..

Para ano? Para pagdudahan niya ako..

Teka nga seryoso tsong ha..sino ba mahal mo? Si sanya or si jade?

Napatingin siya sa akin..

Ano bang tanong yan tsong.. Asawa ko si jade.. Tapos sabay tingin ulit sa malayo..

Eh si sanya?

Tahimik siya.. Walang imik..

Tsong hindi pwedeng dalawa.. Mag isip ka.. Masasaktan mo si jade sa ginagawa mo.. Pati si sam maaapektohan dito eh..

Chyns si jade at sam sila yung pamilya ko.. Ok..

Eh si sanya? Ano?

Hindi ko alam chyns.. Akala ko din ok na eh.. Akala ko kapag nakita ko siya ok na..pero bakit nasasaktan pa din ako..

Tsong umayos ka.. May masasaktan ka talaga sa ginagawa mo eh.. At ang asawa mo yun..

Kumunot noo siya.. Alam ko nag iisip siya.. Ganyan siya eh.. Pero natatakot ako para sa kanya.. Problema ito..

Glaiza's POV

Bakit ba kasi kailangan ko pa makita ulit yung babaeng una kong minahal at unang nanakit sa akin.. Si sanya..akala ko maayos na ako.. Akala ko ok na eh.. Pero nung nakita ko siya bakit may kirot pa din.. Bakit parang namiss ko siya..

Kasama ko ngayon si chynna.. Sa kanya lang ako makakapagsabi eh.. Siya lang din ang makakapag advice sa akin ng tama.. Alam niya lahat ng nangyari..

Narinig ko si chynna na binanggit si jade.. Natauhan ako dun ha..

Tama naman si chynna for sure masasaktan si jade sa pinag iisip ko.. Pero si sanya.. Gusto ko siyang makausap.. Gusto ko lang malaman kung kamusta siya..

Chynna's POV

Hay.. Lasing na si glaiza.. Patay talaga ito kay jade.. Ok lang na uminom siya pero hindi ganito.. Bagsak na to eh..

Inuwi ko na si glaiza.. Tama nga si jade ang sumalubong sa akin.. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa asawa niya.. Pero tinulungan niya pa din ako na iakyat si glaiza sa kwarto nila..

Chyns bakit siya naglasing? Tanong sa akin ni jade

Nagkayayaan lang jade.. Napadami lang inom niya..

Chyns.. Nagsisinungaling ka.. I know... Tell me.. Seryosong sabi ni jade

Jade si glaiza na lang kausapin mo..

Bumuntong hininga siya..

Is this because of a certain sanya? Sabi ni jade na ikinagulat ko..

Paano? Jade?

Napaupo siya sa may paanan ng kama kaharap si glaiza..

Ilang gabi ko na naririnig yung pangalan na yan na sinasabi niya habang tulog..

Nakita kong nagpunas ng luha si jade.. Naaawa ako talaga.. Paano niya dinadala yun.. Sus naisip ko na naman na magaling nga pala itong magtiis.. Di ba nga yung sa tatay niya.. Hay.. Kawawa naman..

Jade..

Chyns i know kung sino siya sa buhay ni glaiza.. Sabi naman niya..

Jade bakit hindi mo siya kinausap?

Para ano chyns para sabihin niya na yung sanya pa din pala mahal niya.. Pinapanaginipan niya pa chyns.. Naluluha na naman si jade

Nilapitan ko na..

Jade mahal ka ni glaiza.. Sigurado ako dun..sabi ko

Sana nga chyns.. Sana nga.. Yumuko na ito..

A cup of coffee Where stories live. Discover now