Chapter 30

190 3 0
                                    

                     MERIDITH

Katulad ng plano dumaan kami sa lagusan.sa may hallway Yun ang dinaanan namin ni razon noon nung nasa mortal world kami. Inilibot ko ang paningin sa paligid nakakapagtaka parang walang nangyaring kakaiba dito. Hindi din naka abang ang mga demon na sinasabi nina azalea.

"nakakapagtaka wala man lang bantay sa atin matapos tayong makatakas sa kamatayan bago tayo makalabas ng eldertale?"

napalingon ako kay frost  tama siya ..

lumakad kami sa hallway at walang pinagbago ang mga studyante.ay nag eensayo sa field ang iba ay nag babasa at pinapalakas ang kanilang mahika , ng tumunog ang bell iyon na ang hudyat ng pag pasok sa kanikanilang classroom.

"parang may mali .."

sabi ni samantha tska siya lumakad pa una ngunit bago pa man siya makalayo tumigil siya at sinabayan ako sa pag lalakad.

"mas mabuti nang ganito diba?"

,sabi pa niya kaya tumango nalang ako nilingon ko sina.azalea at tinanguan nila ko pumasok kami sa classroom namin at nandoon na ang professor na mag tuturo sa amin. katulan noong una umupo ako sa desk ko. Bigla kong naalala yung unang pag kakataong umupo ako dito ang makatabi si razon ay sadyang nakaka tense.

Ang buong akala ko kapag nakapasok kami may labanan pero iba para bang may mali sa paligid kahit pa normal ang existence ng lahat sa loob maliban sa isa hindi ko lang matukoy kung kanino iyon.

maya maya pa ay may papel na nalaglag sa desk ko binuklat ko iyon at bigla nalang kumabog ang katawan ko.

Dumilim ang paligid at naramdaman ko ang paghawak sa balikat ko  ngunit bigla iyong nawala ng  
may tumawag sa pangalan ko.

"meridith."

Sa pagkabigla ko nawalan ako ng focus sa pag obserba sa mga.bagay at bigla nalang umuga ang upuan ko kaya nalaglag ako dito.

"Mr. Razon kendrick Paytos your late"

nanlaki ang mata ko ng marinig ang sinabi ng prifessor namin, pasimple akong lumingon sa kaliwa ko at nakaupo na doon si razon. Lumalakas ang pintig ng puso ko.

napahawak ako sa dibdib ko at kinalma ang sarili ko bigla kong na alala ang lahat kung paano siya nag iba ng anyo..

at kung paano niya ako iniligtas.

*dug*dug*..

nakakatense.

*dug*dug*

b-bakit kaYA HINdi nila nararamdaman ang presensya ng lalaking to.

Nagulantang ang buong klase ng pumasok ang tatlong lalaki sa classroom namin at lalo pa akong nagulat sa nakikita ko. Dahil kilalang kilala ko sila ..

halos hindi ko na naintindihan ang sinasabi ng professor nanasa unahan

Tanging sa mga dumating ako naka tingin, umupo sila sa likuran at..

Nakatitig ang lalaking may kulay brown na mata sa akin at nginitian ako.

"dont stare at them.."

wika ni razon na nakatingin na saakin ngayon.

"kung ano man ang nakita mo dati forget it."

"razon..."

gusto kong mag tanong sakanya pero inuunahan nanaman ako ng takot.

"..mamaya kana mag tanong"

"pero kasi---"

"makinig ka sa.lecture ngayon "

napanguso ako at tumingin sa unahan  huminga ako ng malalim at gaya ng sinabi ni razon.. ginawa kong makinig kahit hindi ako komportable.

may mali talaga ..dito

----

azalae pov

Bigla nalang kumabog ang buo kong katawan ng mag tama ang tingin namin ng lalaking levi daw ang pangalan siya ang laman ng  usapan  sa mga kababaihan sa eldertale hindi ko alam kung bakit masyado silang attracted sa taong yon samantalang wala namang kakaiba sa kanya kundi ang kapangyarihan at ang kwintas niya, ang pag kakaalam ko parehas silang water elementalist ni razon.

Nakakapag taka dahil bihira lamang na may mag ka parehong elementalist dito sa eldertale at ang nakakamangha nag karoon ng tatlong sabay sabay na studyante sa isang araw ang eldertale. Ayon sa mga nakalap kong impormasyon kakapasok lang nila nung nasa mission kami.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at inayos ang gamit ko nauna nang lumabas si frost sakin kagaya dati ganun parin kami kapag matatapos ang klase ,biglang natuon ang atensyon ko kay sam na para bang balisa.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat nito.

"sam ok kalang? may masakit ba sayo.."

"w-wala.naman"

tumayo ito at lumabas ng classroom napansin ko din ang tingin ni razon kay sam kahit na palagi siyang walang emosyon alam ko kapag may ibig sabihin iyon.

Nag pasya akong lumabas na sa classroom dahil mabilis natapos ang lecture namin at nakatulong saakin ang lecture na yon dahil sa mga nangyayari sa paligid may naintindihan ako.

Kahit may anumalya sa liob ng eldertale hindi parin naman nababago ang pag tuturo dito may laman at sense parin ang bawat tinuturo nila ..

o gusto lamang manakot ni dianna?

Ang lecture namin ay tungkol sa apat na klasipikasyon ng demon ang "Spina's 4classification of demon "

pero hindi katulad sa psuedo demonum may mga rank ang demons doon saman talang sa Spinas wala tanging ang apat na klasipikasyon lamang ang nabanggit kung mapapansin

on the holy book James wrote his part a dissertation in the form of philosophical play.

Meaning to say.. ang pag tatalo sa impormasyon tungkol sa mahika at pag hahambing nito sa sorcery at witchcraft. Ang apat na method ay ibinibigay ng demon sa tao to cause mischief and torment to an individual living or a deceased corpse.

He relates that demon is under the direct supervision of god and are unable to act without permission.

Malaking tulong ang pinag aralan namin na apat na method maaring nag aanyong tao.lamang ang demons dito sa school ang apat na metod ay ang
Spectra, Possesion, Obssesion at faeries..

Ang spectra ay nag bibigay ng kaguluhan sa bahay pati na sa bahay solitaryo. ang obssesion naman ay ang spirito na gumugulo sa oras ng tao
ang possesion naman ay ang spirito na umaatake sa isang tao pumapaloob sila sa kaluluwa at binabagabag ang mga damdamin nito sa isang bagay ang panghuli naman ay ang Faeris..ang iba sa kanila mga anghel nanaging isang demon na nag bibigay ng impormasyon sa nakaraan at hinaharap.

ibig sabihn kahit sa mga emosyon namin kaya kaming atakihin ng demon na syang sumisira sa pag katao ng isang indibidual.. bigla ko tuloy naisip na kaya siguro walang pakiramdam ang mga anghel nanasa alamat .

Kung tutuusin kami lamang mga elites ang may emosyon dito ang iba para iba parang kakaiba para bang walang mga kaluluwa.

Hindi lamang ang mga bagong pasok ang kakaiba kundi ang buong eldertale naging mas payapa ang hangin ngunit mabigat at nakakapangamba.

Dapat ko nabang kausapin si razon tungkol dito? matagal na din siyang nandito at kasabay namin siyang pumasok kilala ko nadin ang ugali niya .

ngunit..

minsan may mga oras na sadyang napaka agresibo niya..

"aza..."

nilingon ko ang tumawag sakin at nakita ko ang kapatid ko na kumakaway sakin.

University of ElderTaleWhere stories live. Discover now