062

428 30 1
                                    

Winter

Nag paalam na si Jake saakin na papunta na daw sya dito sa hospital. Dadaan lang daw sya sa supermarket para bumili ng Melona na gusto ko.

Wala si Auntie kasi pumasok sya sa trabaho, kaka-approve palang kasi kanina ng boss nya about sa one week leave nya para alagaan ako.

Wala naman sina Rain dahil may pasok. Inihipan ko ang buhok na naka-sagabal sa mukha ko at maya-maya lang ay napa lingon ako sa pintuan nang may kumatok.

" pasok! "- sigaw ko at unti-unti namang bumukas ang pintuan. Hindi ko naman mapigilan ang sarili na mapa-ngiti nang makita si Jake at may hawak na plastic na sa tingin ko ay puno ng Melona.

" talagang nasa plastic ang tingin, Winter? "- natatawang ani nya at lumapit saakin.

" syempre "- natatawang sagot ko naman at ini-angat na sa kanya ang tingin.

Inakupa naman nya ang upuan sa tabi ng kama ko at inabutan ako ng Melona na Melon flavor.

" salamat "- naka ngiting ani ko at binuksan ito. Nakita ko naman na inilagay nya sa mini ref ang plastic at kumuha ng strawberry flavor at binuksan ito.

Tahimik lang kaming dalawa pero hindi naman awkward.

" okay ka na? "- pag basag ni Jake sa katahimikan.

" okay na pero sabi ng doctor dito daw muna ako for a week "- sagot ko naman.

" i'm really sorry, Winter "- paumanhin nya kaya napa lingon ako sa kanya.

" isa pang sorry mo, babatukan na kita "- pagbabanta ko sa kanya at bahagya naman syang natawa.

Mamimiss ko ang ngiti nyang iyan.

" i'm saying sorry kasi iiwan nanaman kita "- umiiling na ani nya.

" aalis ka na talaga? "- malungkot na tanong ko

Binigyan nya ako ng malungkot na ngiti at tumango.

" it's for the best. Hindi ko naman pwedeng hayaan itong nangyare sayo "- ani nya na nasa Melona ang tingin at bahagyang iniikot ang stick nito.

" besides, hindi mo naman na ako kailangan dito "- natatawang dagdag nya at iniangat ang tingin saakin.

Nanlaki ang mata nya at natatarantang napa tayo.

" h-hey! Sabi ko wag kang iiyak! "- natatarantang ani nya at kinapa ang pants na suot nya at nag labas ng panyo.

Lumapit sya saakin at pinunasan ang luha ko.

" you don't have to do this, Jake "- ani ko at kumapit sa polo nya.

" i have to, okay? It's for you, for my parents and for our business. Makakabuti to para sa lahat "- sagot naman nya

" makabubuti samin pero pano ka? Hindi to mabuti para sayo "- ani ko at ibinaon ang mukha sa dibdib nya.

" just let me do what's best for you. Okay na ako doon "- sagot nya at mas naiyak ako dahil sa sagot nya.

" be happy with him okay? I know he can do better than me "- ani nya kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya.

" besides, sya naman na diba? "- naka-ngiting tanong nya saakin.

Yung ngiti nyang hindi abot sa mga mata at bakas dito na nasasaktan sya.

Hindi ko napigilan ang sarili na hilahin sya at yakapin.

Niyakap nya ako pabalik at bahagya kong naririnig ang pag singhot nya.

He's crying

Pareho kaming napa-lingon at napa-hiwalay sa isa't isa nang sumara ng malakas ang pintuan.

" i'll be right back. Baka kung ano isipin nya "- nagmamadaling sabi ni Jake at agad na lumabas.

winterWhere stories live. Discover now