Chapter 21 - Infinity

72.8K 1K 17
                                    

(POV Ruri)

Hindi ko feel mag swimming kaya bumalik kami ni Copper sa suite namin. Dahil maagap ako nagising kanina, minabuti ko na umorder ng pagkain at matulog muna. Di ko na napansin na nakatulog ako ng mahaba at hapon na ko nang magising.

Kumukulo na ang tiyan ko kaya pinakain ko muna si Copper ng dog food at saka namasyal para makahanap ng makakain. Iniwan ko muna si Copper sa kwarto dahil medyo madilim na din.


Napadpad ako sa isang part ng resort na may isang eat all you can buffet. Itatanong ko sana kung magkano ang bayad pero kasama daw sa hotel package ang buffet.

Nagsimula akong kumain at napansin ko na may ilang tao na nasa loob ng restaurant. Karamihan sa kanila ay foreigners. Nagsimula ako kumain, pero bigla akong na conscious.


Bakit ganun? Parang may naka tingin sa akin? Dahil ba marami ako kinuha na pagkain?


Hindi ko ma enjoy ang kinakain ko dahil nararamdaman ko ang mga invisible na observers kaya minabuti ko na lumabas na ng restaurant. Medyo madami na din naman ako nakain kaya hindi na ko nagtagal pa.

Babalik na sana ako ng suite nang makita ko uli si Hunter. Himala at wala siyang PA or fans na andito.


"Hey Ruri, are you looking for Rafael?" nakangiti niya na tanong sa akin. 


Unlike Rafael, Hunter has this friendly charming smile. Rafael on the other hand, has a dangerous and sexy smile.


"Ha? No, namamasyal lang. Alam ko naman na busy siya."


He just looked at me to check kung totoo ang sinasabi ko. Lumabas talaga ako ng suite hoping na makikita ko si Rafael pero mukhang nasa liblib na parte siya ng resort at walang balak magpakita sa akin.


"May infinity pool sa rooftop ng hotel. You will love it there. Let's go," sabi ni Hunter sabay hila sa braso ko.

"Uhmmm babalik na lang ako sa suite, Hunter. Wala kasama yung aso."

"Di ba hinahanap mo si Rafael? I saw him there a few minutes ago."

"Sa swimming pool?"

"Yeah, you can say that," sabi ni Hunter na bigla akong pinasok sa elevator.


Part of me wants to see Rafael but part of me, ayaw sumama sa lalaking ito. Kahit kaibigan siya ni Rafael, hindi ko pa rin siya lubos na nakikilala. Saka alam ko din na isa siyang assassin, I am not suppose to trust him easily.


"Ruri, don't be scared. Di kita gagawan ng masama. You should at least have some fun habang andito sa resort hindi yung nagkukulong ka sa suite mo," sabi niya pagkapasok namin sa elevator.


How did he know na nasa loob lang ako ng suite buong araw?


I have a lot of questions in my mind pero nang bumukas ang elevator sa pinaka highest floor, tumabad sa akin ang malawak na indoor swimming pool na nasa tabi ng glass wall. Tanaw mula dito ang madilim na tubig dagat.

My eyes suddenly caught a familiar being. Rafael is in the pool and he is slightly leaning on the glass wall. A blonde woman is in front of him touching his chest. She's touching Rafael as if she owns him. They look so intimate as if they will fuck each other anytime soon.

Sa mga oras na yun, feeling ko unti unting nanlalambot ang binti ko. Bawat segundo na nakikita ko si Rafael kasama ang ibang babae ay parang hinihiwa ako in a slow and agonizing manner.


Kaya ba andito si Rafael sa resort ay para sa babaeng ito? Kaya ba siya busy dahil may kasama siya buong araw na ibang babae?


"Hunter, I need to go. Sabi ko naman sayo, busy si Rafael," sabi ko sabay ngiti sa kanya.


I can't let him know na affected ako. Ayoko din malaman ni Rafael na andito ko, baka magalit siya sa akin. Baka sabihin niya, iniistorbo ko siya.


"Alright. I guess he's busy after all, let's go," nakangiti pa rin na sabi ni Hunter.


Pumasok kami ng elevator at walang kamalay malay si Rafael na andoon ako. Sabagay, malayo kami ni Hunter sa kanila. Nagpaalam na ko kay Hunter para bumalik sa suite dahil walang kasama si Copper.

Gusto ko magalit kay Rafael, pero wala naman ako karapatan. Naghahalo ang sakit at galit sa mga oras na ito. Di ko na namalayan na unti unting tumutulo ang luha ko.


Akala ko ba exclusive fuck buddy kami? Bakit siya nakikipag harot sa foreigner na yun?


Lumapit sa akin si Copper. Buti pa itong aso na ito, aware na umiiyak ako. I just hugged this huge dog para maging comfort sa kalungkutan ko.

Promise last day na ito ng pagiging fuck buddy namin sa isat isa. I will end my relationship with him tomorrow...

F3 - The Official F Buddy | Rafael and RuriHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin