Chap. 13 Valentines Day Part 2

7.4K 75 1
                                    

Amber's POV

Nakakuyom ang mga kamao kong naglalakad patungo kung nasaan sina Fernandez.

Sa totoo niyan, ayoko lang talagang aminin pero kanina pa ko nagtitimpi sa kanilang dalawa. Feeling ko sasabog ako sa inis kapag hinayaan ko pa sila sa pagiging sweet nilang dalawa.

Nagulat na lamang ako sa kalagitnaan ng paglalakad ng biglang sumulpot sa kung saan si Wreyd at nakangiting sinalubong ako.

Natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang tumingin dito.

Bakit ganito? Kanina gusto ko nandito siya, pero ngayon mas gusto kong...gusto kong urgh!

"Amber I'm really sorry. Ang dami kase talagang ginawa sa office kanina" pagpapaliwanang nito na may ngiti sa labi kasabay ng pagpulupot ng braso sa bewang ko.

Hindi ko siya pinansin at muling tumingin sa direksyon kung nasaan sina Fernandez.....kanina.

Where are they?

Salubong ang kilay na tumingin ako kay Wreyd na nagpakunot ng noo nito.

Kung hindi siya dumating edi nasakin na si Fernandez ngayon >_<

"Sorry na talaga Amber. Babawi nalang ako para hindi ka magalit" nakangiting sabi nito bago ilapit ang gwapong mukha nito sa mukha ko.

Naiilang naman akong nag-iwas ng tingin kasabay ng mahinang pagtawa ni Wreyd na bahagya ring hinalikan ang gilid ng ulo ko.

Bigla yatang sumama ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan ngayon kung bakit mas gusto kong wala si Wreyd na laging nakapaligid sakin.

Sa totoo rin niyan hindi namin alam ni Wreyd kung ano ba kami sa isa't isa. Para kase kaming "more than friends but less than a couple".

Makalipas ang ilang minutong panunuyo sakin ni Wreyd ay hinila ako nito dito sa isang Mini Resto na puro puso ang dingding.

Ako SC President pero bakit hindi ko to alam –_–

Kasalukuyan lang akong tahimik na nakaupo habang pinapanuod ang bahagyang pagkunot ng noo ni Wreyd na nakatayo at may kausap sa phone nito sa di kalayuan sa inuupuan ko.

Napagdesisyonan ko nalang na igala ang paningin ko sa paligid at ganun nalang ulit ang pag-iinit ng ulo dahil sa nakikita.

Wala na ba silang ibang magawa? kundi maglandian lang?

Kasalukuyan kasing magkatabing nakaupo ang dalawa habang parehong umiinom ng frappe.

Ano ba kaseng meron sa kanilang dalawa?! >_<

Napansin ko ang pagtingin ni Fernandez sa direksyon ko habang busy naman si Tori sa phone nito.

Hindi nakawala sakin ang pasimpleng paglunok nito bago muling bumaling kay Tori at ninenerbiyos na ngitian ito. Saglit na tumingin ulit sakin si Fernandez at parang takot na takot na nagbaba ng tingin.

Dapat lang! Dahil hindi mo alam kung paano mo ko iniinis sa mga ginagawa mo..Humanda ka mamaya Fernandez. Lagot ka talaga sakin!

"Hey Amber?" pagtawag sakin ni Wreyd na nakaupo na pala sa harapan ko.

Tinaasan ko siya ng kilay para itanong kung ano yun.

"Is that Thorisse?" tanong niya habang nakatingin sa direksyon nila Fernandez na kasalukuyan ng nagtatawanan.

Seriously?! Pinagseselos ba niya ko?!  The hell! because it works!

"Yeah" pigil inis kpong sagot bago sumubo ng cheese cake.

She's into poor (Tagalog GxG)Where stories live. Discover now