CHAPTER 3:

1K 17 0
                                    

Chapter 3:

"Una na ko pre! May reunion kami ngayon eh" Tumango lang ako kay Spiro. "Ingat ka" Ako na lang ang naiwan dito sa gate ng univ. Maaga kasing umalis sila Morp at Hades. Maghahanap daw ng paglalabasan... ng kalandian nila.

Ayoko pa kasing umuwi dahil hinihintay ko si Asteria na lumabas. Kanina pa kami nagaantay ni Spiro pero dahil may lakad sya nauna na. Gusto ko kasing kausapin si Asteria. Kahit na hindi ko alam kung anong itsura nya. Buti na lang at kaibigan namin ang guard sa Univ. Bawat studyante kasi na lumalabas dito kailangan munang ilista ang pangalan. Kinuntsaba ko ang guard na sabihin sakin kapag may Asteria na pangalan ang naglog out sa hand book nya. Hindi kasi talaga ako makakatulog kapag hindi ko masure na ung Asteria na tinutukoy nila ay hindi ang bestfriend ko.

Iniistalk ko ang account ni Asteria sa twitter habang hinihintay na magsabi ang guard. Last last year ang huli nyang tweet. Nagchachat naman ako sa facebook pero hindi naman sya laging open. Lagi lang akong inbox zoned. Ni seen wala!

"Bye, Manong guard" Rinig kong sabi nang babae. Pero hindi ko un pinansin at patuloy paring iniistalk ang account ni Aste.

"Ares! Ares!" Lumingon ako kay Manong guard. "Halika dito. May naglog out ng Asteria ang pangalan" Agad akong tumayo at lumapit kay Manong guard.

"Ano pong oras nag log out?" Tanong ko.

"Uh. Kani-kanina lang. Tumawag kasi ung asawa ko kaya hindi ko napansin" Kumamot pa sya batok.

"Okay lang ho. Maraming Salamat po manong guard!" Hindi ko na hinintay ang sagot nya at tumakbo na palabas. Wala nang naglalakad sa labas ng univ eh. Saan ko naman hahanapin yong babaeng yon. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa malapit na tindahan. May nakaupong babae don. Nakatalikod sya at hindi ko makita ang mukha. Hanggang balikat ang buhok nya. Blonde ang babang buhok nito. Nakakabakla talaga tong ginagawa ko pero napapangiti ako. Ang bilis rin nang tibok nang puso ko.

Unti unti akong lumapit sa babae. May dala syang mga libro at binabasa nya rin. "Uh, miss?" Lumingon sya sakin. Parang slow motion ang pagharap nya. "Aste?" Ang lawak ng ngiti ko nang makita ang mukha nya. Sya ba talaga to? Ang bestfriend ko?

"ARES!" Sigaw nya at niyakap ako. Mahigpit na yakap at nagtatalon talon. Hindi ko narin mapigilan ang saya ko dahil totoo nga. Sya si Asteria. Ang bestfriend ko!

"Kailan ka pa dumating ija?" Naguusap silang dalawa ni Mama sa sala. Samantalang ako naghahanda ng hapunan. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na sya. Ang tagal ko din hinintay ang babaeng to.

"Last month lang po tita. Pasensya na po pala ah. Hindi ako nakapag sabi sainyo ni Ares. Yun po kasi ang sabi ni Mommy eh. Wag ko daw po muna ipaalam kahit kanino na nandito po ako sa pilipinas. Kaya ayon po, kahit po gustong gusto ko po kayong tawagan hindi ko magawa dahil nakabantay po lagi ang yaya ko hays" ramdam ko ang lungkot nya dahil kahit ako ganon din ang nararamdaman.

"Okay lang naman sakin yon ija. Eh kay Ares hindi okay sa kanya yon. Alam mo ba kahapon tinanong pa ko nyan kung dumating na ba kayo dahil may narinig daw syang kapangalan mo. Yun pala ikaw talaga yon" Tumawa naman silang dalawa. Hindi ko kasi magawanag magtampo ngayon kay Aste dahil nangingibabaw parin ang pagkamiss ko sa kanya.

"Anak, tapos ka na ba? Gutom na kami ni Aste dito" They giggled.

Lumabas ako sa kusina na may dalang kanin at mga plato. "Eto na po. Kain na tayo" Agad silang tumayo at pumunta sa lamesa. "Wow ang sarap naman ng luto ng anak ko, ngayon lang to nagluto ija" Tinignan ko naman si mama habang tumatawa silang dalawa ni Aste.

"Ma naman!" tumawa lang uli sila at nagdasal na.

"Ija, Ikaw lang ba magisa sa bahay nyo?" Tinignan ko si Aste. Ang laki nang pagbabago nya. Mas lalo syang gumanda at nagmatured ang mukha. "Hindi po tita. Kasama ko po don si Yaya Merla" Tumango naman si mama at satisfied na sa sagot ni Aste. Sakto naman na nagkatitigan kaming dalawa. Nginitian ko sya pero iniwas nya lang ang tingin nya.

"So kamusta na ang Aste ko?" Sabi ko habang inaayos ang pinagkainan. Umakyat na kasi si Mama at naiwan kaming dalawa dito.

"Okay lang naman. Miss na miss na ang pinaka favorite kong bestfriend" At kinurot nya ang magkabilang pisnge ko. Parang may dumaloy na kuryente nang hawakan nya ang pisnge ko.

"Eh ako lang naman ang nagiisa mong bestfriend hahaha" Parehas kaming nagtawanan. Namiss ko yon ganto. Ung kaming dalawa na masaya.

"Tara, gabi na oh. Hatid na kita sainyo" Tumango sya at nagpaalam kay Mama.

"Oh sige ingat kayo. Ares, ingatan mo yang si Aste ha?"

"Di mo na kailangan sabihin ma. Alis na po kami" 

CHILDHOOD BESTFRIENDSWhere stories live. Discover now