CHAPTER 7:

745 10 0
                                    

Chapter 7:

"Ang galing mo naman Thalia!" Sabi ni Aste sabay kurot na naman sa magkabilang pisnge nito. Sumimangot ako. Kanina kasi hindi nya ako binabati puro lang si Thalia. Ang galing ko kaya magpahula. Hindi naman mahuhulaan ni Thalia un kung hindi dahil sakin hmp.

"Tapos ako hindi mo man lang binati" Sabi ko sabay nguso.

"Kuya Ares! You look like a pig. Your'e always pouting infront of Ate Aste" Panirang sabi ni Thalia. Tinignan ko lang sya nang masama habang si Aste naman pinalo ako sa braso. Ano na naman?

"Pinahiya mo ko kanina. Nakakahiya ung ginawa ko!" Sabi nya sabay irap sakin.

"Kanina naman hindi ako nahiyang magcheer nang magcheer sainyo ah. Nakakatampo ka!"

"You say I love you to ate Asteria. It means you too are couple?" Agad akong napatingin kay Aste. Sakto naman na nakatingin din sya. Shit para akong kinabahan dahil sa tingin nya.

"No. Were just bestfriend, Thalia. Sanay na ako sa paga-I love you ng kuya mo" Sabay ngiti.

"Totoo ba to kuya?" Ngumiti ako kay Thalia at tumango. Para tuloy may nag'ouch' bigla. Tinignan ko si Aste pero hindi sya nakatingin sakin. She's busy pinching Thalia's cheeks.

"Ang susunod po nating palaro ay para sa ating mga magaganda at gwapong parents. Right, kids?" Sabin ang emcee.

"Yes teacher" Sigaw naman ng mga bata. Ang next na laro ay para sa mga parents. Gusto ko na sanang ayain si Aste at Thalia na umuwi kaso mukhang nageenjoy si Thalia. Ayoko naman na sirain ang kasiyahan nya.

"Let's go?" Nakangiting sabi ni Aste. Tumango at ngumiti lang ako sa kanya. Pumwesto na kaming dalawa sa gitna. May mga dyaryo sa sahig. Ung laro ata na to is bubuhatin ko sya kapag huminto na ang tugtog. Pero kailangan ang parehas naming paa ay nakapasok sa dyaryo habang paliit ito nang paliit. Exciting!

"Ready na mga parents?" Tanong ng emcee.

"Ready!"

"GO GO GO MOMMY AND DADDY! DO IT FOR YOUR PRINCESS!" Sabay kaming napalingon kay Thalia. Napangiti nalang ako sa ginawa niya. Ibang klase din tong bata to. Pareho kaming napatawa ni Aste nang gumawa pa nang dance step si Thalia at nagflying kiss pa. Ang cute nya lang na bata.

"Napakasupportive na anak naman" Sabi ng emcee tsaka sya nagpastart ng music. Syempre pinsan ko yan.

"Hula hula hoop hula hula hoop oh oh oh" Umiikot lang kami ni Aste habang ung kamay ko winawagayway ko. Natatawa ako sa itsura nya dahil nakasimangot ito Hindi kasi sya sanay na sumayaw sa harap nang maramng tao.

"Hey c'mon dance dance dance" Sabay giling ako. Hinawakan ko naman ang dalawa nyang kamay at itinaas taas ito.

"Huy! Tigilan mo nga yan" Inaalis nya ang kamay nya pero hindi ko un pinansin at patuloy parin na sumasayaw. Biglang huminto ang tugtog. Kaya parehas kaming napaapak sa dyaryo. Shit. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Ngumiti ako. Damn that eyes. Her lips. Her nose line. Napasinghap ako nang sumigaw ung emcee na may natangal. Busy kasi ako na pagmasadan ang maganda nyang mukha. She just smiles at me at agad na iniwas ang tingin nya.

Lumuhod ako para itupi ang dyaryo. Medyo maliit na ito. Kasya ang isa kong paa at isa ding paa ni Aste.

"Sumayaw ka naman! Parang hindi mo yan ginagawa nung mga bata pa tayo" Sabi ko tsaka ulit kinuha ang dalawa nyang kamay. Wala na syang nagawa dahil kinikiliti ko sya. Nagtatawanan na nga kaming dalawa dito eh. Parehas na rin kaming sumasayaw.

"Bubuhatin kita ah? Para kasya ung dalawa kong paa" Hindi sya nakasagot dahil huminto na ang kanta. Agad ko syang binuhat. Ung buhat nang bagong kasal. Tinignan ko ulit sya. Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mata. Malaki pa nga eh pero ang cute nya. Nakakapit ang dalawa nyang kamay sa batok ko habang buhat buhat ko sya. I smiled. Kung alam nya lang kung gaano kabilis ang pagtibok ng puso ko habang ginagawa ko to sakanya. Damn, Aste!

"Ang bigat mo pala" Reklamo ko para mawala ang pagkashookt nya. Pinalo nya naman ako sa braso kaya napatawa ako.

"Sino ba kasing nagsabi na buhatin mo ko?" Pagtataray nya. "Yung puso ko!" Sabay ngiti. Hindi naman na sya nakapagsalita agad dahil sumigaw na ang emcee. Pero alam ko sa sarili ko na kinilig tong babaeng to. Ako pa ba? Ares to brad! Remember the name ARES!

"Mukhang tatlo na lang na parents ang natitira. Tignan natin kung sino ang mananalo sa inyo" Sigaw ng emcee.

Paliit na ng paliit ang dyaryo at hindi ko alam kung paano kami lalagpas sa level na ito. Mukhang isang paa ko na lang ata ang kasya. Bahala na! Bahala na ang diskarte ni Ares.

Nagsimula na ulit ang tugtog. Parehas parin kaming sumasayaw ni Aste. "Ano gagawin mo? Paano natin ipagkakasya ang paa natin?" tanong niya. "Hindi ko din alam eh. Basta kailangan nating lagpasan tong level na to okay?" Sabi ko sakanya. Tumango lang ito at nagpatuloy na uli sa pagsayaw. Hanggang sa huminto na ang kanta. Wala na akong nagawa kundi hilahin sya papalapit sakin.

"Aray" Nauna kasi akong umapak sa dyaryo at pinaapak ang paa nya. Pero damn, nakataas ang isa kong paa kaya hindi ko mabalanse. Parehas pa naman na nakapaapak ang mga paa nya sa isa kong paa. Di ko na kaya! Mukhang mahuhulog kami.

"Aaaaay!" Parehas kaming nawalan nang balance ni Aste kaya napabagsak kaming dalawa sa sahig. Pagkamulat ko nang mga mata ko. Nasa ibabaw ko si Aste at nakapikit. Dahan dahan nya iyong dinilat at di ko alam pero napapangiti na lang ako. Kanina pa nagkakalapit ang mga mukha namin ni Aste. Kung naririnig lang nya ung pagtibok ng puso hays.

Cupido? Maraming Salamat dahil sa akin ka sumasang ayon ngayon. 

CHILDHOOD BESTFRIENDSWhere stories live. Discover now