D014

52.9K 3.2K 457
                                    

DEAR DIARY,
 
  
Andito ako ngayon sa kusina at hinihintay maluto ang sinaing. Nakiluto ako sa bahay na hindi ko pagmamay-ari. Lol. Corned beef uulamin ko. Naki-init na rin ako ng pang-kape.

Feel at home ako. Omg. Sorry sa may-ari ng bahay. Aayusin ko nalang bago ako umalis!

Kagabi nga pala, nung naalimpungatan ako, nakarinig na naman ako ng tunog ng mga baril. Like wtf. Sino ang binabaril nung lalaki ng ganoong oras?!

Sunod-sunod ang putok ng baril kagabi. Nakakatakot!

Wala iyong tigil hanggang sa mag-ala sais. Medyo puyat tuloy ako. Pero grabe, ang dami niyang bala ha. Nakakapagtaka talaga. Ano yung binabaril niya at mukhang gigil na gigil siya?

Imagine? Six hours siyang nakikipagbarilan! Nung nagka-liwanag at araw na ay saka lang siya tumigil! Wtf!

May alam kaya yung lalaki sa nangyari sa lugar na 'to? Kung bakit nawala nalang bigla lahat ng tao? May kinalaman ba yung pinagbabaril niya kagabi?
 
 
Nahihiwagaan,
Dawn
 
 
P.S. Puro ako sulat, amoy sunog na ang  sinaing!

DAWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon