D016

51.3K 3.1K 151
                                    

DEAR DIARY,
   
    
Bakit hindi padin siya nagising?

Nate-tempt ako buhusan yung lalaki ng tubig na malamig. Pero huwag nalang. Baka kung ano pa gawin niya sa'kin sa galit kapag nagising siya. Ugh! Hindi ko tuloy siya matanong man lang o makausap.

Nagpa-ikot ikot ako sa abandoned city habang tulak tulak ko ang lalaking masarap ang tulog sa cart, medyo nahilik pa. Naghahanap kasi ako kanina ng pinakahuling diyaryo.

--- Pero wala akong makita.

Yung totoo? Ano ba talaga nangyari? Nasaan ang mga tao? Bakit nawawala sila? Ang creepy na kasi talaga! Parang bigla silang naglaho na ewan.

Nasaan kaya ang mga pamilya ko? Nasa mabuti ba silang kalagayan? Tsaka, hinahanap din kaya nila ko gaya ng ginagawa ko ngayon sa kanila?

Hay.

Wait! Parang gumalaw yung lalaki. Check ko lang.
 
 
Gusto ng makakausap,
Dawn
 

P.S. Bakit kaya mag-isa din ang lalaking 'to? 'Di kaya... siya yung dahilan ng pagkawala ng lahat?
 
P.P.S. Baka killer 'to O_O

DAWNWhere stories live. Discover now