CHAPTER FIFTEEN

5.3K 197 6
                                    

Dedicated to: PrincessHera_

Carl POV's

'Anong klaseng babae ba yun!?.Ang bilis nyang ilagan yung suntok nung limang lalake at napatumba nya ng mag isa lang yung mga yun!!'

"Miss Villanueva ano ba ang nangyari?"

Nandito kami sa office dahil sa nangyari doon sa canteen at mukang may nag report sa office kaya dumating ang dean sa canteen.

"Hindi po ako ang nag umpisa ng away maam"

Seryosong sabi ni nerd kay maam chell.Napatingin ako sa katawan ni nerd wala syang kabahid bahid ng pasa ni isa.Bumaling naman ako doon sa limang lalake nakahawak sila sa tyan nila dahil doon sila pinagsisipa ni nerd.

"Yung mga nandun sa canteen yung nangyari tong gulo.Nakita nyo ba kong sino ang nauna sa kanila?"

"Maam ako po"

( O_O )

Nagulat ako dahil sa pagtaas ng kamay ni james.Sinenyasan sya ni maam na tumayo.

"Sila Leo po ang nag umpisa maam"

"Mister Cruz  bakit kana naman nanggulo huh?!!"

Sigaw sa kanya ng dean kaya napayuko sya tumingin naman sya kay nerd tumingin din si nerd kay dean at parang naglabanan sila ng tingin.

'Hindi ba sya natatakot sa dean!?'

"Ikaw naman kababae mong tao tas napatumba mo yang limang lalake at wala ka manlang tama sa mukha!"

"Hindi naman po ako pumapatol bigla bigla eh kaso masyadong mayabang po kasi yang leo na yan at pinatulan ko"

Nakatinging sabi nya kay dean.Seryoso lang ang mukha nya at wala kang makikitang ni anong emosyon.

"Miss villanueva tranferee ka diba?"

"Yes dean"

"Naririnig ko ang nangyayaring pambubully sayo dito sa campus at bakit hindi ka manlang nag susumbong sa akin o di kaya dito kay maam chell"

"Yung iba po kasing pambubully nila sa akin emotional puro lang sila parinig hindi ko naman pinapansin yun dean dahil hindi naman kapansin pansin yung parinig nila puro walang kwenta.May nambully na din sa akin ng physical na"

Tumingin sya sa side nila leo ang una nyang tinignan si vanessa sunod naman doon sa babaeng sumampal sa kanya at tinignan nya din si leo at yung limang lalake.

"Sino ang mga iyon miss villanueva!?"

"Wag na po dean dahil alam naman nila sa sarili nila na sila yung tinutukoy ko---Dean mauna na po ako"

Tumayo si nerd at dire-diretsong lumabas ng office.Bigla namang may dumaang anghel dahil sa katahimikan nung lumabas si nerd.

"D-dean pagpasensyahan nyo na po yung kaibigan namin mukang badtrip pa po kasi eh"

"Mauna na po kami"

Mr.Playboy meet Ms.Nerd Where stories live. Discover now