Chapter 13 - The White Flower Killer

1.9K 81 20
                                        


SKY'S POV.

Dumukot ako sa bulsa ko kung may natira pa 'kong jelly stick, pero unfortunately, wala na. Bumuntong hininga ako at sumandal sa motor habang pinaglalaruan sa kamay ko ang helmet ng motor na gagamitin ko. Nasa loob ng mansyon si Seal upang kumuha ng mga kagamitan habang nagpaiwan naman ako dito sa labas para magpahangin.

Linanghap ako sa malamig na hangin saka tumingala sa langit.

Walang mga bituwin.

Nag-iisa ang buwan.

Pinagmasdan ko ang perpektong pagkakabilog nito habang nag-iisa siyang nagliliwanag sa langit. Binibigyan ng liwanag ang lahat ng nasa paligid, pinapalis ang dilim---punyetang kalaliman 'yan.

Napabuntong hininga ako.

Napalingon ako sa gilid nang maramdaman kong may nakatingin sa'ken. Bumungad ang mukha ni Seal, nakatayo sya hindi kalayuan sa'kin.

"Nagmomonolouge ka na naman sa isip mo 'no?" natatawang tanong niya habang naglalakad siya papalapit sa'kin.

"Tss."

Ngumisi siya at tumabi sa'kin, "O pinipilosopo mo na naman ang sarili mo?" pang-aasar niya pa na sinagot ko lang ng isang blangkong ngiti. Mas lalong lumawak ang ngisi nya, "O pareho?"

"Urusai."

Umiling-iling siya, hindi parin nabubura ang nakakayamot na ngisi sa labi niya, saka sya tumingala sa langit gaya ng ginawa ko kanina. "Wow.." bulong nya. "Ang ganda ng pagkakabilog ng buwan."

Tumingala rin ako.

"Kaso lang wala syang kasama, ang lungkot siguro niya, 'no Langit?"

Nagkibit balikat ako, "Hindi rin."

Nakita ko mula si gilid ng mata ko na napatingin siya sa'kin, pero nanatili akong nakatingala.

"Bakit mo nasabi?" narinig kong tanong niya.

Matagal naman bago ako nakasagot, "Dahil kaya niya namang magliwanag sa langit nang mag-isa lang." saka ako tumingin sa kanya.

"Tama ka," tatango-tangong turan niya. "Pero iba pa rin ang liwanag ng buwan kapag meron syang kasama."

Hindi naman ako nakasagot at natahimik na lang dahil sa sagot niya. Edi ikaw na malalim magsalita. Ikaw na -,-

"Tingin ko kailangan na nating umalis," pambabasag niya sa namumuong katahimikan. Napatingin naman ako sa kanya at saka tumango, hinagis niya sakin ang isang duffel bag na agad ko namang nasambot. Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumisi lang sya at dumiretso sa isa sa mga naka-park na kotse doon.

"Hindi ka magmomotor?"

Binuksan niya ang pinto at tumingin sa'kin. "Hindi 'tayo' magmomotor. Lagay mo na yan sa compartment."

"Tss." wala naman akong nagawa kundi ang ibalik ang helmet sa pagkakapatong sa motorbike at lumapit sa kotse. Nilagay ko sa compartment ang duffel bag at saka sumakay sa kotse. Sayang, ang ganda na ng porma ko kanina, eh. Epal ang bwisit.

Binuhay niya na ang makina at pinaandar ang kotse. Sumandal lang ako sa upuan at tumingin sa labas ng bintana. Pinanood ko lang ang mabilis na paglagpas namin sa bawat establishimento na nadaraanan namin.

Unti-unti ring nawala ang ang mga ito at napalitan ng mga puno sa bawat minutong lumilipas. Hanggang sa wakas ay tumigil na rin ang kotse. Nakarating na kami sa destinasyon namin. Lumabas ako ng kotse at ganon rin si Seal pagkatapos niyang patayin ang makina. Pinagmasdan ko ang mansyon na nasa harapan ko.

Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹Where stories live. Discover now