Chapter 26

7.1K 146 0
                                    

"Saan ka ba galing kahapon?" Tanong ni Kristina sa akin. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na galing ako sa warehouse dahil may hinahanap kaming impormasyon. Ayaw ko magaalala siya sa akin at mas lalong ayaw ko magalit sa akin ang asawa ko.

"Kasama ko sina Zach at Greg kahapon."

"So, ikaw ang sinabi ni Greg na importante na kailangan niyang umalis?" Nakacross arms na siya ngayon. Shit. Kasama pala niya ang kanyang pinsan.

Pero importante? Hindi naman ako importante kay Greg.

Nagkamot na lang ako ng ulo. Niyakap ko lang siya dahil alam kong nagtatampo si Kristina ngayon.

"Labas na lang tayo. Date? Saan mo gusto pumunta?" Tanong ko. Pero umiling lang siya ng ulo.

"Ang gusto ko lang naman ang makasama ka pero mukhang busy ka sa ibang bagay." Tumingin siya sa akin. May luhang pumapatak sa mga mata niya. "Sabihin mo sa akin may ibang babae ka na ba?"

"What?!" Napabitaw ako sa sinabi niya. "W-Wala akong ibang babae. Ikaw lang ang mahal ko, Kris."

"Bakit hindi mo masabi sa akin kung saan ka galing kahapon?"

"Dahil ayaw ko magaalala ka sa akin." Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa mga mata niya. "Makakasama sayo ang magaalala."

"Bakit? Bumalik ka ba sa pagiging mafia?" Natigilan ako sa tanong niya. May alam siya? "Bakit hindi ka makasagot, Dex?"

"No, I am not. Pero may inaasikaso lang kaming tatlo."

Isang tanong pa nitong asawa ko. Hahalikan ko na siya.

"Ano ba kasi-- Hmmp.." Sinabi ko ng isa pang tanong hahalikan ko na siya. Hinawakan ko ang likod ng kanyang ulo habang hinahalikan ko siya. Pero nararamdaman kong hinahampas niya ako sa dibdib.

Humiwalay na ako dahil ang sakit nang paghahampas niya sa dibdib ko.

"Labas na lang tayo."

Kumain kami sa isang restaurant pero hindi ako kinikibo ni Kristina. Hindi ko kayang ganito ang asawa ko. Nagtatampo siya sa akin. Kailangan may gawin ako.

"Um, gusto mong bilihan kita ng chocolate bread?" Sumulyap lang siya sa akin pero binalik na rin ang tingin niya sa ibaba. Argh. I hate this. "Love, kausapin mo naman ako. Hindi ko kayang ganyan ka."

Hiniwakan ko ang kamay niya.

"Saan tayo pupunta?"

"Bibili tayo ng gusto mong kainin. Alam ko naman ayaw mo ng pagkain rito."

Lumabas na kami sa restaurant. Tiningnan ko ang paligid kung may malapit na bakery dito pero wala akong makitang bakery. Ang napapansin ko lang ang kakaibang tao. Suspicious person.

Nagulat na lang ako noong maglabas siya ng baril. Teka, sino ang target niya? Sa amin tinutukan? Wala naman kaming ginawang mali. Hindi, hindi siya ordinaryong tao. I mean, pwede niya maging kalaban ng Golden Dragon.

Kinasa na niya ang baril. Shit. Wala ng oras magisip.

Kris.." Humarap ako sa kanya para hindi siya masaktan. Doon na rin pinutok ng lalaking yun ang baril. "Argh!"

"Dex?!" Nagulat si Kristina. Sa akin tumama yung bala. Ako ba ang target? Hindi imposible yun dahil miyembro ako ng Golden Dragon. At posibleng kalaban rin siya ng Golden Dragon. Napahawak ako sa balikat ko kung saan ako tinamaan. "Dex, ayos ka lang ba?"

"I'm fine. Malayo naman ito sa bituka. Pero ang mahalaga ay walang nangyari sayo." Ngumiti ako sa kanya. Masakit ang tama ng bala sa akin.

"T-Tawag ako ng ambulansya." Sabi niya. Nilabas na niya ang kanyang phone pero pinigilan ko siya.

My Hot Husband Is A MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon