KABANATA XVI

2.4K 70 3
                                    

Halos mamula yung pisngi ko nung maaalala ko yung nangyari kagabi. Hindi pa rin kasi ako nauusawan sa kalasingan dala nung napakatamis na halik ni Kent. Naalala ko pa rin haggang ngayon kung gaano kalambot nung labi niya. Kung paano niya ako siniil. At kung paano niya pinaramdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.

I never expected na mauuwi sa halikan yung sanay date lang namin. Hindi ko tuloy alam kung paano ako haharap sa kanya ngayon, dahil for sure, pupunta na naman siya sa shop.


Nang makapagbihis ako ay dumiretso na ako sa shop. Buti na lang talaga ay napilit ko sila papa at mama na magstay muna sa condo ko para mas malapit sa shop. Sinabi ko nalang na mas mag dodoble-ingat na lang ako para hindi na maulit pa yung disgrasya.

Nang makarating ako sa shop ay biglang akong nakatanggap na text mula sa isang unknown number. Pero kahit na hindi pa iyon nagpapakilala, alam ko na kung sino. Ang pinagtataka ko lang talaga ay kung paano niya nakuha yung number ko? Kanino?

I can't do it today, babe. :( Andito kasi sa bahay yung manager ko. May session daw ngayon. Hayaan mo babawi ako. I love you.

Halos uminit yung pisngi ko nung mabasa ko yung text ni Kent sa akin. Siya lang talaga yung nakakapagpatalon sa puso ko ng ganito. Nagdalawang isip pa ako na replyan siya pero I ended up not replying to his text. Yun ang mas makakabuti sa ngayon. Mahirap na.

Akala ko nga ay hindi na niya ako kukulitin kaso bigla nalang tunawag sa akin ang loko.

"Hello." Pinipigilan ko yung boses ko na mag-iba ng tono. Kahit na kanina pa tumatalon yung puso ko.

"Hey, youre not replying my text, huh? Are you mad because I cant make it today?" Siguro kung boyfriend ko talaga siya ay magtatampo ako pero hindi, eh. Hindi ako nagtatampo. Wala akong karapatang magtampo.

"H..Hindi, busy lang." Sagot ko naman.

"Sus! Don't worry, babe. Babawi talaga ako. I love you." Sabi niya.. Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko.

"O..kay. Ahm. Bye." Papayin ko na sana yung linya nung bigla siyang magpahabol ng salita.

"Please say that you love me too, first." Utos niya sa akin. Ano ba naman Kent. Mahal kita noon pa pero hindi ko na kayang sabihin sayo yun ngayon lalo na't napaka-komplikado na ng mga mga pangyayari. Ayokong magbunga ng makasariling pagmamahal yung pagkukunwaring ito. Ayoko.

"B..Bye." I said saka ko pinatay yung linya. Napapikit tuloy ako saka napahugot ng malalim na buntong hininga.

Ginugol ko ang buong araw ko sa shop. Akala ko kasi yun ang tanging paraan para makalimutan ko si Kent kaso hindi ko magawa. Lalo na nung may matanggap akong bulaklak na galing raw sa kanya.

Tinext pa nga niya ako kung natanggap ko raw ba yung bulaklak. Sumagot naman ako ng oo, pero sana huwag na siyang magsayang pa ng pera pero nireplyan niya ako na parte raw iyon ng pagsisimula ng relasyon namin. Kung alam niya lang.. Kung alam niya lang sana.

Maagang natapos ang pagaasikaso namin sa dalawang cater namin sa araw na ito kaya naman nagpasya akong dumaan sa Ospital. Kakamustahin ko kasi kung ano ng kalagayan ni Olive. Gayundin ni Zuk.

Nadatnan ko naman yung mama ni Olive sa ospital habang binabantayan niya yung anak niya. Ayon sa mama nigmya, wala pa rin daw pagbabago si Olive. Parang gusto na nga din raw niyang isama si Olive sa mga magulang ni Zuk para sa ibang bansa na rin magpagaling kaso malaking halaga ang kakailanganin.

Hindi kasi sila kasing yaman ng pamilya ni Zuk na kayang ma-afford yung mga bayarin. And Speaking of Zuk, mamayang gabi pa makakabalik ng states yung unconscious body ni Zuk kasama ng pamilya niya dahil inaasikaso pa raw yung mga papeles na kakailanganin para makaalis sila ng bansa. Nalaman ko iyon sa mama ni Kent na kanina'y kausap ng mama ni Olive.

"Tita." Tawag ko sa mama ni Kent nung lumabas siya ng kwarto ni Olive. Kanina ko pa siya hinhintay dito sa labas. Balak ko kasi siyang kausapin.

"Oh, Hija. Akala ko umuwi ka na?" Tanong nito sa akin.

"Ah. Gusto ko po kasi kayong kausapin." Sabi ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan yung usapan na ito.

"Tungkol ba sa anak ko? " nakangiti pa si tita nung tumango ako.

"Tita.. Hindi ko na po alam yung gagawin ko." Sabi ko. Ramdam kong may tumulong luha sa mga mata ko.

"Hija.." Nagulat naman siya nung makita niya iyon.

"Gusto ko na pong tapusin kung ano yung nasimulan ko." Habang nagpapatuloy ako sa pagsasalita ay nagpapatuloy rin sa pagluha yung mata kong ayaw makisama. Wala namang magawa si tita kundi ang yakapin ako.

"Hindi ko po alam kung tama pa itong nararamdaman ko pero sa tuwing nakakasama ko si Kent mas lumalalim yung pagkagusto ko sa kanya. At ayoko pong magpatuloy pa 'to dahil natatakot akong dumating yung araw na sisisihin ko yung sarili ko dahil nalunod na ako sa pagmamahal ko sa anak niyo."

"Pero paano kung mahal ka na rin ng anak ko? Magagawa mo ba siyang iwan nag dahil sa takot mo?" Napatigil ako sa sinabi ni tita. Alam kong di yun malabong mangyari lalo na at nagsisimula nang magparamdam ng kakaiba sa akin si Kent. Anong gagawin ko?

"Love is a matter of life and death. Ang taong tunay na nagmamahal, hindi takot masaktan. Ang akin lang naman, Hija ay baka hindi lang pagkalalaki ng anak ko ang maibalik mo.. Baka maibalik mo rin yung tiwala niya sa mga babae. So, please Hija, just go with the flow."

Hindi ko alam kung bakit para akong nahipnostimo sa sinabi ni tita. Talagang tumatak lahat ng iyon sa utak ko lalo na yung huling katagang just go with the flow.

Teka, handa na ba talaga akong magpaanod sa pagmamahal ni Kent? Sana wag akong malunod.

He's My Bading Boyfriend (Book 1) Completed #Wattys2018 (To be published)Where stories live. Discover now