pauwi na sana sila daniel nang madaanan nila ang kwarto ni jooeun. patuloy lamang sa paglalakad ang mga kaibigan ni daniel. pero may narinig siyang mahihinang hikbi.
"hoy daniel walang balak umuwi?" tanong ni sungwoon sa kanyang nakababatang kaibigan. "una na kayo hyung. paalam lang ako kay jooeun" sabi niya. "binata na si daniel hyung" pang-aasar ni guanlin pero ngumisi lamang si daniel.
nang masiguradong umuwi na ang banana one ay kinatok niya ang kwarto ni jooeun. "hwang jooeun" tawag niya. ngunit tanging hikbi lang ang sumagot sa pagtawag niya sa dalaga. kumatok ulit ng ilang beses si daniel. nang walang sumagot ay lumabas siya at hinanap si minhyun.
gulat siyang makita na nasa labas pa ang mga kaibigan niya at naghihintay sa kanya. "arat na doi" sabi ni woojin at agad naman siya binatukan ni jisung "tara na?" tanong ng pinakamatanda. hindi pinansin ni daniel sila jisung at agad na tinawag si minhyun.
"ano? ayaw mo na umuwi?" may halong qiqil na abi ni minhyun. "may susi ka ba para sa kwarto ni jooeun" bigla na lamang napa- oohh ang mga ugok sa sinabi ni daniel. agad naman niyang pinaliwanag at pumunta agad sa harap ng kwarto ni jooeun.
pagbukas na pagbukas ay kitang-kita ang nakahilatang si jooeun na animo'y lanta na gula. naiyak at namumutla. lumapit naman agad si minhyun sa kapatid. "hoy manang bakit ka naiyak? ang panget mo?" walang nakuhang tugon ang kapatid. ni tawa, wala.
napansin naman ni daehwi ang phone ni jooeun na nakabukas. "yah check her phone hyung" tinignan naman nila iyon at nakita ang conversation nila ni kellly. napabangon si jooeun at agad kinuha ang cellphone sa kapatid.
"alis" walang emosyong sabi niya. tinignan lamang siya ng 11 na lalake na nakapalibot sa kanya. "umalis na kayo" mahina pero sapat na para marinig ng lahat. "umalis na muna tayo, hayaan niyo na yung magkapatid" sabi ni jisung at nagpaalam sa dalawa.
bago lumabas ng kwarto ay muling tumingin si daniel kay jooeun.
---
wth did i just wrote?!1 tagalog na tagalogg. kaloka. i tried not to make this story dramatic but welp. sorry for not updating. im more active on my twt kkkk.
ESTÁS LEYENDO
「 biboy ➶ k.dn 」
Historia Corta❝ buti pa sa messenger connected tayo ❞ prodyus wanowan #1 ↝ kang daddy series #1 ↝ epistolary #1 © GOWONED 092217 | 121517
