Kang Daniel:
sorry di tuloy lakad natin
Hwang Jooeun:
di. ok lang
Kang Daniel:
sorry talaga
---
napabuntong hininga na lang ako sa last chat sa akin. promises, promises. lahat naman di natutupad. bakit pa mangangako kung wala naman silang balak tuparin 'to. ano balak nilang patunayan ang 'promises are meant to be broken'?
tumayo na lang ako sa higaan ko at nagpalit ng damit. "kuya bili lang ako ice cream" sigaw ko habang pababa ako ng hagdan. walang sumagot kaya tinignan ko muna sa kwarto si kuya. wala. kahit na sa kusina o cr wala. baka nakidnap na yun. bahala siya.
sinarado ko na ang pinto ng bahay at agad na dumiretso sa 7/11. wala masyadong tao sa 7/11 maliban sa dalawang haliparot sa dulo na naglalampungan at sa isang lalaking naka all-black at isang cashier.
binayaran ko na ang ice cream na binili ko at umupo sa labas ng convenience store. nilibot ko ang paningin ko at nakita kong lumabas si kuyang naka all-black na ngayon ay may kausap sa cellphone. baka artista 'to may pa-mask pang nalalaman. o baka naman holdaper.
palinga-linga si kuyang naka-itim. tumayo agad ako nang magtama ang mga mata namin. hindi sparks naramdaman ko. takot. jusko lord ayoko pang mategi.
agad akong naglakad palayo ng may itim na van na dumaan at sapilitang hinila ako. kasabay n'on ang pagsakay rin ni kuyang naka-itim. nagpupumiglas ako pero nilagyan nila ako ng panyo sa bibig.
shit.
bye organs. bye kidney. sayang mauunahan nila akong ibenta ka.
---
nagising ako sa isang puting kwarto. wala masyadong laman maliban sa isang closet at vanity wall. ay kabog naman pala 'tong mga kidnapper. chineck ko muna yung tyan ko kung may wakwak baka mamaya naunahan na akong ibenta yung kidney ko.
matapos kong icheck yung tyan ko may napansin akong nawawala. yung ice cream ko! kalahating galon pa lang yung nakakain ko dun. sayang pera ko hnnggg.
dahil isa akong matalinong tao hindi ko kinalampag yung pinto. kasi diba usually yung mga pinapalabas sa tv na nak'kidnap kinakalampag yung pinto para palabasin sila. isa sa pinakatangang nagawa nila sa buhay nila. naghanap ako ng pwedeng pangbukas sa pinto ng maalala ko na may hairpin pala akong suot. im so smart.
YOU ARE READING
「 biboy ➶ k.dn 」
Short Story❝ buti pa sa messenger connected tayo ❞ prodyus wanowan #1 ↝ kang daddy series #1 ↝ epistolary #1 © GOWONED 092217 | 121517
