chapter 67

80.6K 1.7K 146
                                    

CHAPTER 67

" Ano daw sabi ng doctor?" -Ethan.

" Over fatigue... kailangan n'ya lang magpahinga." – Chin.

Biglang nagising ang diwa ko nang makarinig ako ng boses. Pero nanatili akong nakapikit at nag-kunwari pa ring walang malay, idagdag mo pa na nanghihina pa rin ako.

Base sa mga naririnig ko palagay ko ay nasa hospital ako ngayon. Kung 'di ako nagkakamali ay may nakakabit na swero sakin. Pero sinong nagdala sa'kin dito? Siguro ay tinulungan ako ng mga naglalakad sa daan kanina.

Andito pala sila... andito sila ngayong mga Glefficial. Habang naririnig ko sila sa pag-uusap ay parang gusto kong maluha. Nararamdaman ko ang pag-aalala nila sa'kin pero bakit nagawa nila akong lokohin.

Pinigilan ko ang sarili ko at nanatiling nag-kunwaring wala pa ring malay. Sa kabila ng mga nalaman ko'y wala pa akong lakas ng loob na makita sila.

" Kumusta na pala si Mars?"

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni mommy. Marahil siya ang humahawi ng strands ng buhok sa mukha ko ngayon.

" Under observation pa rin po tita." -Dominic.

" Isasama ko sa prayers ko si Mars, magiging maayos din siya."

Parang matamlay din si mommy ngayon. Marahil pagod din siya sa trabaho sa kabilang hospital.

" Tita... kasalanan ko talaga 'to, e." Teka si ano 'yon ah.

" Kasalanan ko kung bakit napagod nang sobra si Agatha...nagsayaw po kasi kami ng bongga."

Umiiyak ba siya? Parang gusto kong matawa. Loko-loko talaga 'to isang 'to.

" Hoy tumigil ka nga, nakakahiya ka Nicolo."

Sinaway tuloy siya ni Faye. Andito din pala sila. Narinig ko naman na napatawa sila pati si Mom.

" Oo nga pala, nasaan si papa Uriah? Bakit wala dito?" – Nicolo.

Tila natahimik sila sa tanong ni Nicolo, malamang ay 'di pa rin nila nakikita si Uriah. At malabong pumunta 'yon ngayon dito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ni Uriah 'yon kay Mars.

" Lumabas muna tayo, para makapagpahinga nang maayos si Agatha tsaka si tita." -Jonas.

Sumunod naman sila at naririnig kong lumalakad na sila palayo.

" Uy, sama ko gusto ko dalawin si papa M." -Nicolo.

Nagpaalam na sila nang maayos bago tuluyang lumabas.

" Oo nga pala Chin... kausapin kita saglit."

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon