chapter 79

106K 1.9K 260
                                    


CHAPTER 79

Ayan na, nireready na nila Ethan 'yong projector at ang iba pang gagamitin sa reporting.

Habang si Uriah ito chill lang. Hindi man lang nirereview 'yong mga irereport. Sabagay tama 'yan, para 'di n'ya masagot mga tanong ko.

Kaso 'di ko nga pala alam 'yong topic kaya 'di ko din alam ang itatanong mamaya, 'di ko kasi binuklat 'yong libro ko kagabi, e. 'Di ko naman kasi alam na pagtitripan ako ng unggoy na 'yon.

'Tat*nga t*nga ka pa naman.'

Bigla bigla pumapasok sa isip ko 'yong sinabi n'ya sa'kin kanina. URIAHNGUTAN KA TALAGA! Huh! Sarap sapakin nito, e.

Kumukulo talaga dugo ko, e. Ang pilyo niya.

"Bekla okay ka lang? Ang sama na naman ng mukha mo." Sabay pitik n'ya sa noo ko. Kaya ayan pinalo ko kamay n'ya.

"Najejebs ka ba?" –Nicolo.

"Huh? Tara samahan kita Bes. Mamaya may umaway na naman sayo sa CR, e." –Faye.

Loka 'tong dalawang 'to. Umiling iling lang ako sabay tumawa. "Di ako najejebs ah!"

"Pag may nangamoy alam mo na kung sino sisisihin." Sabi ni Nicolo kay Bes. Ang rude naman.

Natigil ang pag uusap namin ng patayin ni Kurt ang ilaw.

"Hala paano kami makakapagsulat?"

Tanong nung classmate kong masungit. Oo nga naman.

"You don't need to take down notes, all you need is to focus and listen carefully to our report."

Sagot ni Uriah na nakatayo sa harapan, ang aliwalas ng mukha n'ya, 'di tulad noon na kapag nagsasalita siya parang galit, pero ngayon hindi pero mukha padin masungit. Ang sungit ng mukha niya kahit alam kong minsan 'di naman talaga siya nagsusungit. As in 'yon talaga ang iisipin mo sa kanya kung una mong beses siyang makikita.

"Okay!" Pasweet na sagot nung classmate ko kay Uriah. Hala, e kanina halos magdikit na 'yong kilay n'ya pero nung sagutin siya ni Uriah talo pa n'ya 'yong mga beauty queen kung makangiti.

Napairap ako sa ere, tapos nang ibalik ko ang tuon ko sa harap saktong nakatingin sa'kin si Uriah.

Bigla niyang iniling ang ulo n'ya sabay ngisi. Nagulat ako kaya kunwari 'di ko nakita 'yon.

Agad akong yumuko at binubuklat ang notebook ko at kunwari may binabasa.

Nakita n'ya kaya 'yong pag irap ko sa ere? Hala! Nakakahiya naman. Nakita kaya n'ya? E, patay na ilaw tsaka 'yong ilaw lang galing projector ang meron dito sa room. Kaya malabong makita n'ya ko nag ganoon. Baka kung anong isipin niya.

Bakit ba kasi parang okay na sa kanya na kinakausap 'yong iba. Hindi naman siya palaimik sa iba. Sabagay reporter nga pala siya. Ano ba naman kasing isip 'to.

"Hoy! Nagbabasa ka, e ang dilim dilim." puna ni Nicolo. Kaya sinara ko na ulit ang notebook ko.

Dahan dahan akong napatingin ulit sa harap, patay malisya 'yong tingin ko. Si Uriah ayun nakaupo na habang si Mars ay mag isang nakatayo sa harap.

"Good afternoon classmates..." ngiting ngiting bati ni Mars, kaya naman 'yong iba nakangiti 'din.

"Wag na kaya kami magreport? Wala naman si ma'amm, e. Bigyan niyo nalang kami agad ng grades."

Baliw 'tong si Mars. Natawa tuloy kami.

"Kidding aside, okay, let me start the discussion. May ibibigay naman kaming handouts kaya 'di niyo na kailangan kumopya."

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon