Prologue

63.2K 858 5
                                    

PROLOGUE

"Ma'am, naroon na po." Batid ang kakaunting pangamba sa malumanay na tinig ng kasambahay.

Ngumiti ako at tumango. Sumenyas na maaari na siyang lumabas na agad niyang sinunod.

Suot ang lacy-white dress, pinalitan ko lang ng puti ring sneakers ang suot na stilettos.

Ang nakalugay na maalong buhok ay sinikop ko upang maitali.

Sa huling pagkakataon , dinampot ko ang aking cellphone at siniguradong naka deactivated ang lahat ng mga social media accounts at kung ano pang pang komunikasyon. Binura ko rin ang mga applications roon upang maging mas sigurado. Nang makontento ay patapon ko itong inilagay sa kama.

Muli kong sinipat ang kabuuan ng aking silid...

Only immature women are those who'll probably treasure this place.

At hindi ako. Ayoko ng ganito. Hindi ito ang pinangarap ko.

Bumuntong-hininga ako at lumabas na ng kwarto. Binalot kaagad ng maingay na musika ang aking pandinig. Sabayan pa ng mga halakhak at maiingay na boses ng mga bisitang nagkukwentuhan.

Marahan akong bumaba ng hagdan. Ipinatong ko ang kaliwang kamay sa malamig na barandilya at pahaplos na dinama ito habang naglalakad pababa.

Ang ilan sa mga tao ay sumulyap sa akin at ngumiti... Hilaw ko rin naman silang tinugunan pabalik. Ang iba nama'y abala sa pakikipagkwentuhan at sayawan.

Walang alinlangang lumabas ako ng bahay. Walang lingong binaybay ko ang daanan na naghahatid patungo sa gate.

Nang makalabas ay napahinga ako ng malalim.

SA WAKAS!

Pagkalabas ay agad kong tinungo ang lugar kung saan ko inutusan ang kasambahay kanina.

Sinugo ko siyang dalhin sa mga halamanan sa tapat lamang ng bahay ang aking bag. Mula roon ay inilabas ko ang itim na hoodie at isinuot. Matapos ay hindi na nag atubili pang lisanin ang subdivision na iyon.

Nang sa wakas ay makasay sa ipinarang taxi ay ibinulalas ko na kaagad ang lugar na gusto kong pagdalhan niya sa akin.

Habang tahimik na pinagmamasdan ang nadadaanan ng sasakyan ay hindi ko maikubli ang takot na sayang nararamdaman.

Tila ba tinutuligsa ako ng sarili kong damdamin.

Takot dahil sa ginawa kong ito. Nagtaksil? Hindi naman siguro iyon matatawag na ganoon. Pero ewan ko ba? Lahat naman tayo ay may kanya-kanya at iba't-ibang pananaw.

Pero hindi ko parin maiwasan makaramdam ng lungkot...

Sana, maintindihan mo ito...

Sana, mapatawad mo ako kung sakali...

Sana, sa muli nating pagkikita ay matanggap mo muli ako...

Pero mangyayari pa ba iyon?

Magkikita pa nga ba tayong muli?

Magagawa ko pa ba iyon?

Eh, kaya nga lumalayo ako ngayon hindi ba?

Dahil ayaw na kitang makita pa...

Dahil... sawa na ako... sa ngayon.










"AKLAN, ANTIQUE, CAPIZ, ILOILO!" anang manong sa estasyon na nilapitan ko kaagad.

"Magkano, ho, manong?" tanong ko nang makalapit.

"P1, 300, Hija. Narito ang pila..." sabay lahad niya sa booth kung saan may maraming nakapila.

Escape From Mr. Billionaire (Read the full story On Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon