Kabanata 2

39.9K 655 18
                                    

Happiness

Isang linggo muna ang hinintay ko para makapagdesisyon ng mabuti sa kung saan magtatrabaho. Lahat naman ay puro kilala nang mga bar and restau pero mas mainam kapag pinag-isipan talaga ng mabuti kung saan ako madaling makakapag-adjust at makakasave ng lalong-lalo na sa pamasahe.

Mainam na rin ang ginawa kong iyon dahil bukod sa nakapag-isip ako ng mabuti ay nagkaroon pa ako ng mas mahabang oras para kay Kristina .

Pagkababa ng jeep ay tiningala ko ang may bentedos na palapag na gusali.Isa sa mga sikat na Hotel and restaurant. Isa iyon sa naglalakihang emprastraktura rito sa syudad.

Nasa first floor lang naman ang naturang restaubar nila kaya't hindi na ako nag atubili pang lumapit sa frontdesk at ipinahatid naman ako patungo sa function room . Naroon daw kasi ang manager na siyang magtuturo sa akin ng mga gagawin bilang baguhan.

Everything went fine and swiftly. Katulad parin naman ng mga ginagawa ko noon sa bar ni Ma'am Mishelle. A ng kaibahan nga lang ay di-hamak na mas malaking lugar ito dahil kalahati yata ng unang palapag ang ukupado nito.Open space rin ito kung saan makikita mula sa glasswall ang abalang syudad sa labas. Nagsimula ako sa umpisa bilang waitress na taga assist ng mga order ng customer and that. Lahat ng mga empleyado ay baguhan rin naman dahil mag-iisang buwan pa lang pala ito ,bukod sa iilang nagtrabaho na sa iilang naunang branch nito sa Maynila at kay Ma'am Josephine na itinalagang manager namin.

Malapit isang buwan at nakabisado ko na ang lahat. Napag-aralan ko na kung paano gumalaw ng mas mabilis. Karamihan sa mga madalas kumain rito ay ang mga nagche-check-in sa mismong hotel at mula sa katabing mg gusali. Bukod kasi sa mas malapit ito kesa sa mga malls o high end restaurants ay masasarap ang mga menu na inihahanda rito. At syempre! Maganda kaya ako! Kaya walang kaduda-dudang lapitin ng mga customers.Itong lugar.

"Sofia!" nabigla ako sa kung sinong tumawag sa akin.

Si Ma'am Beatrice na nag-alok sa akin ng trabahong ito.

"Good afternoon po,Ma'am ,Sir." Pagbati ko sa kanilang dalawa ulit ng asawa niya.

Di tulad noong una naming pagkikita na bihis na bihis silang dalawa, ngayo'y naka peach floral dress lamang ang Ginang at ang lalaki ay naka plain ashblack shirt at black pants.Bagets na bagets!

Iginiya ko sila sa pangdalawahang lamesa at doon pinaupo.Wala gaanong customers dahil alas dos na ng hapon at abala ang mga tao sa pagliliwaliw,pagtatrabaho o di kaya'y pamamahinga.

"any order pa po?"tanong ko nang manghingi siya ng green tea at sa asawa'y kape lamang.

"Wala na ,Hija.Salamat." aniya at gumiya na ako para kunin ang orders nila.

Pagkahatid ay umarangkada nanaman ang Ginang sa pag-e'entertain sa akin. Nakagawian na iyon tuwing narito sila.Nakakahiya man sa mga kasamahan ko, pero parents naman kasi ito ng boss namin.

"and that one"sabay turo niya sa espasyong natatabunan ng kung anong makapal na material. "It's under renovation. Dyan idedesenyo ang mini stage para maging ganap na itong restaubar."hayag niya.

Kaya pala. Sa mag-iisang buwan ko rito ay hindi ko inaasahan na magkakabar nga. Well,magdadalawang buwan pa lang naman ito.At ngayo'y sinisimulan nap ala ang paggawa...at ibig sabihin...

"Ikaw ang kakanta,Hija,ha?Grabe,I still can't imagine how I'd convinced my son for this.."aniya...son?

"Lalaki po pala ang boss namin?" Tanong ko. Nawala kasi sa isip ko iyon.

"No,Hija..this is our daughter's...Yung kuya niya nga lang ang nagsusupply ng mga materials para rito.And knowing them two,Alessia was spoiled enough to corrupt her brother's business.Hindi na yun kasi nagbabayad which is ikinakagalit ng kuya niya.." paliwanag ng Ginoo.Napatawa naman ako sa isiping pagtatalo ng kanilang mga anak dahil doon.

"Alessia owns only this restau,Hija.And for the whole building was her brother's." pagtatama ng Ginang.

Napatango nalang ako. "Sige po,tatanggapin ko nalang po ang offer ninyo kapag tapos na nga iyan" Masayang napatango-tango ang dalawa dahil nakumbinsi nanaman ako. Nakita ko kung paano nagkislapan ang masisiglang mga mata ng Ginang...How her aged face frawn its wringkles just by that undeniably happiness...and How I remembered someone who's smile was also like hers...so genuine.

Ipinilig ko iyon sa isipan.Imposible.

Well, that's how magical happiness is.Walang pinipiling edad,estado o kung ano pa man. As long as you are happy,it changes you into a better looking one.Erasing such negative vibes and punishing such dark auras inside.

"Thank you..thank you so much,Sofia.Sana'y hindi mo rin tanggihan kapag nireto ka na namin sa anak namin,Hija!" Natigilan ako at mabilis na naglaho ang ngiti sa aking labi.

"Po?"Ako sa namimilog na mga mata.

"Oh! Uh-I mean...I'm sorry,Hija.Nadulas lang yata ako .You know...gustong-gusto ko nang magka-asawa ang lalaki kong anak , pero..."

"Tama na 'yan,Beatrice. Baka magdrama ka nanaman dyan."natatawang pagpigil sa kanya ng asawa.

Ngumiti ulit ako. Habang tumatagal, mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko sa kanilang dalawa. Unti-unti ay nakikilala ko silang dalawa at hindi maipagkakailang unti-unti rin ay may natututunan ako. Tulad ngayon,ang pagiging masaya kahit sa kaunting bagay man lamang.

Yes. And happiness is a choice.Alam kong hindi ako nagkamali sa pagpili ng pagtatarabahuhan kong ito. Dahil batid kong magiging masaya nga ako rito. At ramdam ko na tama nga itong desisyon at landas na tinatahak ko.

Because living a life in accordance to the will of God, striving for happiness is a key for a contentment of living.

And I am more than contented. More than blessed with the ever precious gift He have given me.

****
Hi? You can read the full story of  EFMB on Dreame :)
See you there😉

Here's the link:

https://m.dreame.com/novel/1079320576-escape-from-mr.-billionaire?channel=dreamewap-24

Escape From Mr. Billionaire (Read the full story On Dreame)Where stories live. Discover now