Chapter Three

12.6K 207 5
                                    

"Hello..."

Nag-angat siya ng tingin mula sa pagkakayuko sa mga halamang tanim sa garden ng madrasta. Pagkakain ay ipinasya niyang magtuloy doon at magpalipas ng maghapon mag-isa. Marami siyang tanong na gustong masagot. Pero mukhang hindi siya bibigyang-daan ng pagkakataong makapag-isip dahil naririto na naman sa harap niya ang isa sa marami niyang tanong. Tumayo siya at wala sa loob na napigtal ang isang tangkay ng rosas. "Ouch!" daing niya ng matusok ng tinik nito.

"Cassandra!" Napalapit agad si Anton sa dalaga. Nag-aalalang hinawakan niya ang palad nito. "It's bleeding."

Hinila niya ang kamay pero hindi iyon binitawan ng lalaki. "Tusok lang iyan."

Hindi sumagot si Anton at dinala sa labi ang palad niya at walang babalang sinipsip nito ang dugo sa daliri niya. Naituwid niya ang katawan. Naramdaman niya ang pagdaloy ng kuryente mula sa daliri niya patungo sa buong katawan. "W-what are you doing?"

"I'm preventing it to bleed more." Paliwanag nito na akala mo naman ay napakalaking sugat ang meron siya. Muli nitong sinipsip ang daliri niya na nakapagpapikit sa mga mata niya. He was sucking it seductively. Just a touch from him and she can forget all the heartaches and the tears she tried to endure and hide for the past four years.

Nagmulat siya ng mga mata ng tumigil ang lalaki sa pagsipsip sa daliri niya. She found him staring at her. Puno ng kahihiyang nagyuko siya ng ulo dahil tiyak na nabasa nito ang desire sa mga mata niya saka niya hinila ang kamay. She took a step backwards but Anton suddenly pulled her and drew her closer. She was pressed up against Anton's hard body and she felt every solid muscle of it.

"Please, don't." Itinuon nya ang mga palad sa dibdib nito ng bumaba ang mukha nito.

"No, Cassandra. I want to kiss you." Tuluyang bumaba ang mukha nito.

Dagli siyang umiwas pero mabilis si Anton at nahuli din ang labi niya. He kissed her hungrily yet gentle, urgently yet tender. The way he's kissing her, it seems he's making her to remember what's in their past, something she doesn't want to happen again. Because she'll know, she'll be the loser, always the loser at the end. Hawak ni Anton ang puso niya at ito ang kumokontrol sa katawan niya. Napapikit siya sa realisasyong iyon. It was so stupid of her to love him all these years despite all the sorrows and hurt he inflicted on her.

Napatigil si Anton sa paghalik sa babae ng malasahan niya ang luha nito. He saw her tears silently falling down from her eyes, behind it is loneliness and disappointment. Nabitawan niya si Cassandra na nakatitig lang sa kaniya. Naisapo niya ang mga palad sa mukha. "I'm sorry, Cassandra. Don't worry, it wouldn't happen again." He promised before leaving the woman.

Naiwan na nakatulala si Cassandra pero naramdaman niya ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga luha. Sorry? Is that something she wants to hear from him? Or something else? She bit her lips to prevent crying out loud. Coming back was the greatest mistake she ever done. Bakit ba hindi siya marunong madala?

Cassandra inhaled deeply. Tinupad nga ni Anton ang sinabi nito. Isang lingo na itong hindi nagpapakita sa kaniya, and as insane as it was, she misses him so badly. Mas gugustuhin pa niyang naririto ito kesa naman mamatay-matay siya sa kakaisip kung nasaan ito at kung sino ang kasama. Nakaramdam siya ng pinong kirot sa puso na posibleng may ibang babae itong kasama. Pinahihirapan siya ni Anton pero wala siyang magawa. Tumayo siya at lumabas ng kwarto. She needed fresh air outside. Baka maloka siya kakaisip. Pababa na siya ng mapadaan siya sa kwartong alam niyang inookupa ng binata tuwing naririto ito sa asyenda. May kung anong nagtulak sa kaniya upang lumapit doon. She turned the doorknob and was surprised to found it unlocked.

Maingat siyang pumasok sa loob saka iniikot ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Panlalaki ang aura ng kwarto, in rich dark colors mula sa bedsheets, draperies at mga upholstery. She closed her eyes and breathed his manly scent, pakiramdam niya'y kasama lang niya ito. Umupo siya sa brass bed and reached for one pillow. Ikinulong niya iyon sa sariling dibdib, maimis na maimis ang kama tanda na hindi ito natutulugan ng ilang araw. Napadako ang paningin niya sa bedside table and took notice of a picture there. Inabot niya ang frame at tinitigan. Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. It was their picture, the three of them, siya at si Michaela, between them was Anton na nakaakbay sa kanila. A tear fell from her eyes at nabasa niyon ang picture. "Where are you, Mikee?"

Maybe Someday (Published under Precious Hearts Romances)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora