Chapter Seven

11.6K 207 6
                                    

"Buti at dumating ka na, iha, may bisita ka. Akina't ako na ang mag-aakyat ng mga pinamili mo." Bungad ni yaya Nelia pagdating na pagdating niya. Kinuha sa kaniya nito ang mga dala niya.

"Salamat po." Inabot niya dito ang mga pinamili. Galing siya sa bayan at naisipang mamili doon dahil masyado na siyang nababato sa asyenda at kahit isang araw ay gusto niyang takasan ang anino ni Anton.

"I-israel?" She almost whispered ng makita kung sino ang bisitang tinutukoy ng yaya.

"Sweetheart!" Napatayo ito at tuwang-tuwang niyakap siya. "I miss you, sweetie."

Hindi siya agad nakapagsalita. Nakalimutan niya na meron nga palang Israel na naghihintay sa kaniya. At kung hindi pa ito sumunod sa kaniya sa Pilipinas ay hindi na niya ito maaalala pa. She felt so guilty. Ganoon ba ito kawalang-halaga sa kaniya?

"Hey, aren't you happy that I'm here?" Biro nito na bahagyang lumayo sa kaniya.

She managed to smile. "I-I'm just surprised." Yes, she's really surprised. Nakalimutan niyang may naiwan pala siyang boyfriend sa ibang bansa. Israel Guilford was a 32 year old half-Filipino and half-American bank manager she met in Los Angeles and eventually became her boyfriend. Halos mag-iisang taon na rin naman sila ng binata. Wala siyang maipintas dito, very respectful, kind and gentle and loves her very much. Pagmamahal na akala niya na kahit papaano'y nasuklian niya. However, she was wrong.

"Come here." Hinila siya ng binata paupo sa sofa.

Nagpahila siya sa binata. "W-why are you here?"

Israel smiled boyishly. "You haven't calling nor sending me message so I decided to follow you, eh." Wala siyang mahimigang hinanakit sa tono nito na lalong nakapagpa guilty sa kaniya. Israel was too understanding and too good to be true. At pinagtataksilan niya ito sa mga pagpayag niya sa mga advances ni Anton sa katawan niya. Pero ang pinakamalaki niyang kataksilan dito ay ang patuloy niyang pagmamahal kay Anton. Hindi niya mapigilang mapaiyak.

"Hey, why are you crying?" Pinunasan agad nito ang mga luha niya.

Naisubsob niya ang mukha sa dibdib ng binata. Iniiyakan niya ang pagmamahal ni Israel. "I'm sorry." She can't help but to say it.

Tumawa si Israel. "I understand, sweetie. Maybe, you and your father have some great time together that I could tell you really missed so somehow you forgot to call, that's ok. Don't cry, please."

Lalo siyang napahagulgol. Bakit hinsdi niya natutunang mahalin ang isang lalaking kasing buti ni Israel? Bakit si Anton ang minamahal niya na wala namang ibinibigay sa kaniya kundi puro sakit ng kalooban?

"Hush, sweetie," hinaplos-haplos ni Israel ang buhok ng kasintahan habang masuyong niyayakap.

"Thank you." Bahagya siyang lumayo sa pagkakayakap nito at pinunasan ang sariling luha. "Nabasa ko ang shirt mo." She said out of the blue. Hindi niya alam kasi kung papaanong magsisimulang kausapin ito tungkol sa ibang lalaki.

"It's ok, I have a lot. I've decided to stay here a little longer. If that's ok with you?"

Dagli siyang tumango. Kailangan niyang bumawi sa binata. "Ofcourse, it is ok, Israel."

"Thanks sweetie." Pinisil nito ang mga kamay niya at tangkang yuyuko sana upang halikan siya ng may biglang magsalita na nakapagpawala ng mundo niya sa axis nito.

"May bisita ka pala, Cassandra." Bigkas ni Anton. Wala siyang makitang emosyon sa mukha nito. She expect to somehow make him jealous pero mukhang nangangarap lang siya ng gising.

Maybe Someday (Published under Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now