CHAPTER 19

22.1K 618 28
                                    

DAYS passed after Nathan's unexpected confessions. I can't think properly at lagi akong balisa,tulala,tameme at parang wala sa sarili.

Parang nakikita ko na sa kanya ang mangyayare sa akin once na ako naman ang magtapat ng pag-ibig kay Jaden. Sa eksena namin ni Nathan few days ago hindi mabura-bura sa isip ko kung paano ko siya nirejected but not totally rejected.

I just couldn't give him a response that he wants to hear from me. I feel so sad, i'm sad dahil parang ako rin ang nasaktan sa ginawa ko.

Naguguluhan ako, magulo ang isip ko at hindi ko alam kung ano ang dapat sundin.

I love Jaden pero hindi ko maamin sa kanya ang nararamdaman ko because i'm afraid to lose him. Paano kung pagtawanan lang niya ako? paano kung isipin niya na nababaliw na ako? paano kung iyon ang maging dahilan ng pagkasira nitong friendship relationship na meron kami?...

Mga katanungang hindi ko mahanap-hanap ang kasagutan.

Nathan is a nice guy, nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Walang ibang tao na kumakalinga sa kanya kapag nalulungkot siya, maswerte pa ako dahil nandyan si Jaden at nandyan siya. Pero sa katayuan ni Nathan is far different from mine.

He only has the skills na hindi kailanman mananakaw ninuman ngunit maliban don maraming kulang sa kanya.

Wala siyang magulang or kapamilya, nag-iisa lang siya sa buhay. Then he let me get in to his life, ako ang unang tao na tinanggap niyang maging kaibigan at ngayon tinanggap na rin niya ako sa puso niya ngunit ako ang hindi makahakbang para abutin ang palad niya.

Nakukonsensya ako at alam ko rin sa sarili ko na gusto ko si Nathan pero hanggang don lang yon sa pagkat ang puso ko ay nakalaan lamang sa lalakeng mahal ko na may mahal nang iba.

Parang sa kanta na Pusong-lito!...at ang Mahal ko or Mahal ako. Kainis! napaka madrama ng love story ko.

"Sky?! oy Sky?"Napabalik ako sa kasalukuyan dahil sa boses ni Ria.

Nakangangang nilingon ko siya na kanina pa yata akong kinakausap.

"B-bakit?!"Nauutal na tanong ko.

Nangunot ang noo niya at nag pout pang nakatitig sa akin.

"Tulala ka nanaman! ilang araw ka nang wala sa sarili, Sky!. Mukang napaka lalim ng iniisip mo, ano bang nangyare sayo nitong nakaraang araw habang vacation time?!..."Halata sa kilay nitong nagsipag angatan na desindido siyang malaman ang nasa isip ko.

Inirapan ko siya tsaka pinag patuloy ang paglalagay ng ingredients for our new italian coffee style.

"W-wala!...may mga gumugulo lang sa isip ko."Pagkwan ay sagot ko.

Naramdaman kong nasa harapan ko na siya. Pag-angat ko ng tingin,nangalumbaba na siya sa mesa at panay ang titig sa akin na para bang pinag-aaralan niyang mabuti ang mukha ko.

"Inlove ka?..."Nagulat ako sa tanong niya sanhi para mabuhos ang kape na tinitimpla ko.

"Ay puta!...Ria naman. Tingnan mo nga ang ginawa mo?!"Sita ko sa kanya.

Pero ang tarantada nanatili lang sa kanyang pangangalumbaba at ni hindi man lang nasindak sa titig ko.

"Sino ba sa kanilang dalawa? si Nathan or Jaden?!"Hayon na naman siya sa kanyang mga tanong.

Napabuntong hininga ako at padaskol na itinapon sa basurahan ang kapeng ginawa ko. Gusto ko rin sabihin sa babaeng ito ang mga gumugulo sa utak ko. She's a good friend of mine at alam kong marunong kumimkim ng sekreto ang babaeng ito pagdating sa personal feelings.

(R18)DEEPLY IN LOVE (JADEN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon