II - Si Caseopea

1.1K 24 5
                                    

at dahil nga kakaiba ang kwento na to..........

hmmmm........

 siyempre dapat may bff din ang bida hehe

********************************************************************************

" wag ka ng malungkot AmiLeah "

Siya si Caseopea ang aking matalik na kaibigan dito sa paraiso.......

marami din nman akong kaibigan kaso nga lang ,,,,,,,,halata nman na lumalayo sila

sa akin, kasi natatatok silang madamay dahil mga kapalpakan ko.....

pero si Caseopea, hindi niya ako iniiwan.........

" Caseopea hindi ko talaga sinasadya :( , panigurado akong galit sa akin ang lahat "

" Batid kong hindi mo sinasadya  Amileah, kaya nga nandito ako ngayon sa tabi upang sabihin

sayong wag ka nang malungkot "

" pero baka tuluyan ng magalit sa akin si Bathala :'( "

" hindi kahit kelan man magagalit sayo si Bathala, alam mo yan "

 " patawad kung nasira ko ang kwerdas ng iyong alpa........ "

" iniaayos na ang nasira kong alpa, at hindi mo nman kasalanan yun,

talagang maluluwag na ang mga kwedas nun ng iyong hawakan, wag ka nang malungkot aking

AmiLeah "

" Caseopea :( "

niyakap ako ng aking kaibigan.........napakabuti niya sa akin,

muli niya akong hinandugan  ng isang awit, upang pumayapa ang aking kalooban dahil sa

nangyari...

napakaganda talaga ng tinig ng aking kaibigan.

*******************

sa isang dako nman may pagpupulong na nagaganap.......

dinig ko ang kanilang usapan,

" BATHALA, ipagpatawad po ninyo ang aking kapangahasan, subalit baka mapahamak lang po

si Amileah kung pahihintulutan nating siyang makababa sa daigdaig "

Ang kataas- taasang Mikahel.........

" Bathala, batid po naming hindi sapat ang kakayahan ni AmiLeah na gumampan sa kahit ano

pa mang tungkulin, sapagkat kahit ang kanyang sarili madalas ay hindi niya kayang

mapangalagaan "

nalungkot ako ng marinig ko ang tinurang yon ni pinunong  Anael ..............

ganun siguro talaga ako kapabaya at kawalang ingat.............

" Bathala, ipagpatawad po ninyo kung aking sasambiting marapat lang po na manatili nalang

dito sa paraiso si AmiLeah, higit siyang malapit sa atin, mas mapapangalagaan natin siya "

ang pinunong Gabriel..........

napayuko ako at muling kinagat ang aking labi, hinihintay ko ang kahit ano pa mang

sasabihin ni Bathala

pero hindi ko narinig ang kanyang tinig ...................

natapos na ang pagpupulong, narinig ko ang pag ingit ng pagkalaki laking pintuan,

sa takot ko na baka masilayan ako ng mga pinuno,

bigla akong nagmadali at akmang tatakbo....................................

hala nman at talagang kamalas malasan..........

nang paghakbang ko biglang sumayad ang laylayan ng aking damit.........naapakan ko iyon!

KABLAG!!!

"a-aray =/ ! "

AMILEAAAAAHHH!

halos mabingaw ang tenga ko sa sabay sabay nilang pagtawag sa pangalan ko,

hindi ako makalingon.........

lagot!

lumapit sa akin ang pinunong Rapaelo at tinulungan akong makatayo,

ginulo pa nito ang aking buhok...............

" AmiLeah, mag iingat ka ha "

huh! hindi nila ako kinagalitan,,,,,,,,,,,,bakit kaya??

natanaw kong muli si Caseopea nakaupo kasama ng iba pang tagapaghatid ng musika sa

paraiso,

gusto ko sanang gamitin ang mga pakpak ko para mapadali ang paglapit ko sa kanya.......

kaso masakit pa ang pwitan ko kanina ng masalampak ako......walang akong nagawa kundi

maglakad.

" Caseopea! "

" AmiLeah! "

" natutuwa ako at gawa na pala ang alpa mo, makakatugtog ka na ulit ^_^ "

" kaya sabi ko sayo di ba wag ka nang mabahala pa ^_^ "

" teka bakit mo hawak ang baro mo ? "

" w-wala "

" ah alam ko na, na --- "

" Caseopea nman eh "

kahit hindi ako kumibo at kahit di ko man sabihin sa kanya........alam na alam na niya

=b

BOOK I : AMILEAH......Ang Guardian Angel kong LAMPA!! ( completed )Where stories live. Discover now