Nilalang

146 0 0
                                    


Nilalang

"Pa tapos ko nang bilangin tong mga karton, fifty lahat at inayos ko na din yung kamada." sabi ko kay papa. Kasamahan ko pala sa trabaho ang papa ko bali siya ang nagturo ng lahat ng alam ko sa trabaho.

"Sige nak! hintayin mo ko double check nalang natin yan mamaya" sagot nya habang nag strip ng mga kargamento

Alas otso na ng gabi nang natapos kami sa pagstrip ng mga kargamento dahil lima lang kaming pumasok. Habang nag iikot kami upang magbilang ng mga kargamento may napansin ako na may batang tumakbo sa may likod ng tambakan ng paleta.

" Pa! May batang tumakbo oh" sabay turo sa may bandang tambakan ng paleta

" Ah talaga nakita mo? Kaibigan dito yan" sagot sakin ni papa habang nakangiti. Habang ako medyo kinakabahan

"Tara nak kain muna tayo maya na natin tuloy yung pagbibilang" aya niya sakin siguro dahil alam ni papa na natatakot na ako.

Pagtapos naming kumain agad kami bumalik sa warehouse para ituloy ang hindi natapos na trabaho. Pag dating namin minadali na namin ang pagbibilang siguro mag aalas diyes na kami natapos.

"Ayy! Oo nga pala nak kailangan idouble check nung mga karton na inayos mo dahil importante mga laman niyan" sabi ni papa kaya pinuntahan namin yung mga karton bago kami umuwi. Binilang namin nagulat ako biglang kulang ng isa.

"Kulang ng isa, Baka mali ang bilang mo nak"

"Fifty kanina yan pa pantay na pantay pa nga pagkamada ko diyan ee" sagot ko kay papa

Binilang ulit namin ngunit kulang talaga ng isa medyo iba pakiramdam ko dahil alam ko sa sarili ko na 50 yun pero si papa natatawa lang tapos biglang inaya ako ni papa na magyosi muna sa labas

"Mamaya pagbalik natin kumpleto na yan" salita ni papa habang naglalakad . Nung sumusunod na ako kay papa nakita ko na naman na tumakbo yung bata. Di ko talaga inaasahan na ganun ang mangyayare sakin sa unang araw ng trabaho kaya pagtapos mag yosi pinuntahan ko kagad yung binibilang namin

"Pa kumpleto na!! 50 na lahat" sigaw ko sa warehouse.

"Hahaha! Bago ka kase kaya pinaglaruan ka nung kaibigan namin. Halos lahat ng bago ganyan ang dinanas dito. Tara na umuwi na tayo" tumatawang sagot sakin

Akala ko doon na matatapos lahat pero hindi pa pala tapos manakot ang mapaglarong nilalang . Kinabukasan ako ang pinaka maagang dumating sa opisina kaya time in muna sa biometrics namin.

"Thank you" tunog na lumabas sa biometrics

So fastforward tanghali na kaya nakatambay na ako sa broker's lounge namin kasama ang kahera at yung ibang mga kasamahan ko. Ang ganda at saya ng kwentuhan namin nang biglang tumunog yung biometrics.

"Press again"

Paulit ulit na tumutunog yung biometrics nagtataka kaming lahat kase wala namang pumipindot pero puro press again yung tunog.
Nilapitan ko tapos pinunasan ko yung scanner ng fingerprint baka may alikabok lang .Huminto naman yung tunog kaya nang bumalik ako sa pagkakaupo tuloy ulit ang kwentuhan at tawanan.

Nabasag lang ang saya namin nang biglang tumunog na naman yung biometrics

"TAKE OFF!"

Ibig sabihin ay may pumindot o nagdiin ng daliri ng sobra sa scanner ng fingerprint. Sa sobrang gulat at takot nagtatakbo kami papunta sa warehouse.

Haunted WarehouseWhere stories live. Discover now