"Kuya Ron!!! Kuya Ron " sigaw ng kasamahan namin na si Bert habang hinaharurot ang forklift na sinasakyan.
Medyo nagtataka dahil bakit biglang may sumigaw at nang nakita namin si Bert na putlang putla at nanginginig
"Kkkkkuuuya.. Puwede bang samahan mo muna ko dito sa forklift? May susuruin lang akong kargamento sa dulo." Nauutal utal na pakikiusap sa akin.
Kaya sinamahan ko na siya dahil may aayusin din naman ako malapit doon sa likod. Bali malawak kase yung warehouse naman tapos kalahati lang ng ilaw ang gumagana at ang layo ng pagitan ng mga ilaw.
Habang pinapatakbo ang forklift nagkukwento na sakin si Bert kung ano ang nangyare at ngayon alam ko na kung bakit bigla siyang sumigaw at namutla.
"Kuya kaya kita tinawag kanina kase may nakita akong babae na nakatayo diyan" nagkukwento habang tinuturo kung saan niya nakita.
"Kala ko guni-guni ko lang kaya di ko pinansin. Pero tinignan ko sa side mirror may nakatayo nga nung nakalagpas na ako dito sa may madilim. Pagtingin ko nasa gilid ko na"
At hindi pa diyan nagtatapos ang pangyayari tungkol sa babaeng nakaputing nagpapakita. Dahil meron pang isang nagpapakita sa warehouse isang babaeng nakaitim naman.
Etong storya naman tungkol sa babaeng nakaitim na nakita namin ng kasamahan ko na si kuya Dave.
Alas dose na nang hating gabi hindi pa din tapos ang trabaho namin puro kotse kase yung kargamento na inaayos namin. 2 kotse nalang yung ilalabas namin galing sa loob ng container hanggang sa hindi namain inaasahan ang nakita pag suro nung isang kotse.
Sa bawat kotse meron kaseng blinker kaya kita mo ang nasa loob at saktong sakto malakas ang ilaw ng forklift na sinasakyan namin.Isang babaeng nakaitim ang nakita namin na nakasakay sa loob. Nakayuko yung babae at nang tinitigan namin mabuti unti-unti itong naglaho.
YOU ARE READING
Haunted Warehouse
HorrorTitle palang alam na kung tungkol saan . Ang kwento na to ay ang naging karanasan ko sa opisina namin sa dati kong trabaho