Chapter 2

808 13 0
                                    

Chapter 2

"Hoy Sanya! Sandali lang naman!" sabi ni Amber na nagtatali pa ng kanyang sintas.

Pupunta kami ngayon sa basketball court ng subdivision na kinatitirikan ng bahay namin nina Sanya, Amber, at ako. Iisang subdivision pero syempre magkakaibang bahay. Pero parang hindi rin dahil buong araw lang din kami magkasama.

"Bakit ka pa kasi nag-sapatos?" tanong ni Sanya kay Amber. "Eh bakit ba!" sagot naman nito sa kanya.

Si Sanya at Amber ang mga kaibigan ko simula noong mga bata pa lang kami. Kapwa kami mga 17 years old ngayon pero ang aming pagkakaibigan ay nagsimula noong mga limang taong gulang pa lamang kami.

"Nandoon daw sila Ricci mamaya!" masayang sabi ni Sanya sa amin ni Amber.

"Sino yun?" tanong ko naman.

"Hindi mo siya kilala? Siya yung sikat na basketball player sa school natin! Palibhasa puro ka aral. Landi rin minsan Gab!" sabi ni Amber.

Nagkibit balikat na lang ako. Sikat pala eh pero hindi ko kilala? Mga loko 'tong mga 'to ah.

Malayo ang basketball court ng subdivision mula sa bahay nila Amber. Dinaanan pa namin siya ni Sanya bago pumunta roon. Magkatapat lang ang bahay namin ni Sanya at si Amber naman ay malayu-layo.

Ilang mga hakbang pa ang aming nagawa at sa wakas ay nakarating din kami sa court. Andun na nga sila. Pustahang laro lang naman 'to at kami-kami lang din ang manonood.

Anim sila. Si Kuya Kib na kapatid ni Sanya, Kuya Aljun na kapatid ni Amber, at si Kuya Andrei na pinsan ko. Ang mga makakalaro naman nila ay mga players din daw mula sa school namin na ka-teammates nila Kuya Kib, Aljun, at Andrei. Sina Kuya Prince, Brent, at ang sinasabi nilang si Ricci.

Kilala ko si Kuya Prince at Brent dahil sikat sila sa aming eskwelahan. Hindi ko kilala si Ricci. Sabi ni Sanya at Amber ay matagal na raw siyang nag-aaral sa school at kabatch namin siya kagaya ni Brent.

"Uy Gab! Akala ko 'di ka pupunta?" sabi ni Kuya Andrei na lumapit pa sa akin at niyakap ako. "Pwede ba yun Kuya?" tanong ko sa kanya at tumawa ng kaunti.

Nandito na silang lahat at pwedeng pwede nag maglaro. Laro laro lang naman ito pero bakit parang ayaw magpatalo?

"Go Ricci!" sigaw ni Sanya at Amber. Pinagusapan ata nila yun.'Di man lang ako isinama. Outcast.

"Hoy!" sigaw ni Kuya Kib sa kanila at nagpeace sign naman sila. Feeling cute sila.

Nag-umpisa na silang maglaro. Na kila Kuya Andrei ang bola. Halfcourt lang labanan dahil 3 on 3 lang naman.  'Di hamak namang mas matangkad ang grupo nila Kuya Prince kaysa kila kuya Andrei. Nashoot ni Kuya Aljun ang bola at syempre may puntos na sila.

Hawak ni Ricci ang bola at nagsimula nanamang maghagikhikan 'tong dalawang katabi ko. "Ang gwapo talaga!" sabi ni Amber. Tumango-tango naman habang kinikilig si Sanya. Parang mga uod na binudburan ng asin sa likot.

"Mas gwapo kaya si Brent." sabi ko sa kanilang dalawa at inirapan. "Boba! Mas gwapo si Ricci! May abs pa! Si Brent? Wala na ngang abs, pango pa." sabi ni Sanya na siyang ikinainit ng dugo ko. Inirapan ko na lang sila.

Crush ko kaya si Brent. Ang kapal ng mukha ng dalawang 'to na sabihing mas gwapo si Ricci! Matangos lang ilong niyan tsaka may abs daw pero Brent pa rin ako!

Nashoot ni Ricci ang bola at sina Sanya at Amber ay halos maglupasay na sa kilig. "Maging dalagang Pilipina nga kayo." sabi ko at umirap. Mukhang natauhan naman sila at hindi na muli ichineer si Ricci.

Natapos ang laro at walang panalo. Pagod na raw kasi sila at sasapit na rin ang dilim kaya napagdesisyunan nilang kumain nalang sa labas.

"Gabriella!" tawag sa akin ni Brent. Agad namang lumakas ang kabog ng puso ko. Ang kanyang mga mata'y napakiliit na minsan ay iniisip ko kung nakakakita pa ba siya. Lumapit siya sa akin, kasama niya si Ricci.

Failed RevengeWhere stories live. Discover now