Chapter 11

376 11 0
                                    

Chapter 11

I woke up panicking. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Noong una'y pumunta ako sa closet ko at kumuha ng dress pero naisip ko kung para saan. Sumunod naman ay lumabas ako pero hindi ko itinuloy dahil wala pa naman palang tao at tinignan ko ang relo at alas sais pa lang ng umaga.

"Ano ba yan, Gab! Mamaya pa iyon okay?" sabi ko sa sarili ko at sinapo ang aking noo.

Pumikit muli ako para makatulog ng kahit dalawang oras lang pero wala talaga. Iniisip ko kung ano bang mangyayari mamaya kahit na parang gusto naman na nila Mommy at Daddy si Ricci.

Dalawang oras akong nakatunganga roon. Mabuti na lang at narinig ko na sina Kuya Andrei na naroon na sa baba kaya naman napagdesisyunan kong lumabas na sa kwarto.

"Hoy puta naman!" sabi ni Kuya Aljun na nasa sun lounger noong binabasa siya nila Kuya Kib at Kuya Andrei na naliligo sa pool.

"Ligo na kasi! Tatlong araw ka ng hindi naliligo."

"Gago naligo ako kahapon!" inis na sabi ni Kuya Aljun sa kanila ngunit tinawanan lang nila ito.

Ang saya-saya lang ng tropa nilang tatlo. Walang ibang ginawa kundi maglokohan, magbiruan, maggaguhan, at magtawanan. Ang saya nila, Kuya Wil!

Nagtungo na ako sa kusina para makakuha ng tubig upang tuluyan ng magising ang aking dugo. Binuksan ko ang ref, kumuha ng tubig na nasa pitsel at nagsalin ng tubig sa baso.

"Gising ka na pala..." sabi ni Daddy. Ngumiti na naman ako at tumango.

Kumuha rin siya ng kanyang baso para makainom din ng tubig.

Nagluto si Daddy ng makakain para sa breakfast. Dito na rin niya pinakain sina Kuya Aljun at Kuya Kib. Para na rin kasi silang anak nila Daddy. Simula pa lang noong mga bata sila ay palagi na sila dito. Naglalaro, kumakain. Lahat. Katulad din ng mga kaibigan ko na sina Sanya, Amber, at Bettina na tinuring na rin nilang parang anak nila.

"Tita, Tito, balita ko may pa-dinner kayo mamaya ah!" sabi ni Kuya Kib.

"Oo! Sama kayo?" sabi naman ni Mommy.

"Syempre naman, Tita! Pag-aaya niyp lang naman po inaantay namin eh." sabi naman ni Kuya Aljun kaya naman humagalpak kaming lahat.

Natapos kaming kumain at napagdesisyunan nila Kuya Kib at Kuya Aljun na umuwi muna para raw makapaghanda mamayang dinner. Sinabihan ko na rin sina Brent at Bettina na sumama mamaya. Pinasabi ko na rin sa kanila na isama si Kuya Prince.

I texted Ricci the location and the time. Pati na rin kina Brent. Hindi ko alam kung bakit parang sobrang pinaghandaan ang dinner na ito.

Lumipas pa ang ilang mga oras. Madilim na at nag-aayos na silang lahat para sa dinner.

Syempre dahil nagpprepare na silang lahat ay pati ako naghanda na rin.

I'm wearing gray knitted sleeveless, black skinny jeans, sandals, and a bomber jacket. I told you, I don't wear dress.

Bumaba ako at nakita ko roon sina Mommy, Daddy, Kuya Andrei, Kuya Kib, Kuya Aljun, Sanya, at Amber. The guys are wearing there semi-formal attires, polo, pants and rubber shoes but my two girl friends are wearing a dress.

"Nako naman Gabriella!" sabi ni Sanya at nagkamot pa ng ulo noong tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Tinignan ko naman ang aking sarili at wala namang mali sa suot ko ah?

"Wala ka bang dress diyan?" tanong naman ni Amber at nilapitan ako. Tinignan din ako mula ulo hanggang paa. Umiling naman ako.

I have dresses but I don't want to wear them. I look like trash whenever I wear those. Hindi ako kumportable sa pagsusuot ng ganoon.

Failed RevengeWhere stories live. Discover now