Chapter One: The Tragic Beginning

74 5 5
                                    

“ASIAH, bilisan mo!” sabik na saad ng best friend kong si Kelly habang nakasukbit sa balikat niya ang aking puting canvas na siyang gagamitin ko mamaya sa taas ng bundok.

“Teka lang naman!” sabi ko. “You know how I hate running, especially when I am carrying a lot of things!” Tagaktak na ang aking pawis at pilit rin hinahabol ang aking paghinga. Sa aking balikat ay nakasukbit ang bag na siyang naglalaman ng mga maliliit na lata ng pintura at brushes habang bitbit ko naman sa isang kamay ang isang basket na naglalaman naman ng aming pagkain para sa araw na ito.

It was a Saturday morning and only a few weeks away before my first art exhibition. The theme that I chose for the said exhibit portrays the four seasons in the Philippines. Alam kong kahibangan ang naisip kong ideya dahil dalawa lang naman ang panahon sa ating bansa but I am not aiming for the obvious one. My target is to create my own interpretation of the said seasons, hindi iyong literal na panahon but the emotions of it. It may sound odd and impossible ngunit malakas ang paniniwala ko na kapag nagawa ko ito nang maayos, I can immediately mark my place to become the youngest nominee to win the Nobel prize under the art category.

“Asiah, buhay ka pa ba diyan?” tanong ni Kelly matapos niya akong tapikin. Doon ko lang napagtanto na bumalik pa siya mismo sa kinatatayuan ko kahit na medyo malayo na ang agwat naming dalawa kanina lang.

“Malapit na akong malagutan ng hininga sa dami ng bitbit ko—”

“Ang hina mo talaga,” natatawang sagot niya sa akin at tsaka kinuha ang basket na dala ko na parang akala mo’y sisiw lamang iyon sa kanya at sadyang nag-iinarte lang ako.

Napa-irap na lamang ako at marahang umiling-uling sa naging komento ni Kelly. Ipinagpatuloy na namin ang aming paglalakad hanggang sa tuluyan na namin marating ang itaas na bahagi ng bundok na kung tawagin ay “Tatlong Krus”. Sa apat na oras  na layo ng lugar na ito mula Maynila at halos 45 minutong paglalakad, ang matinding pagod at inis na nararamdaman ko kanina ay tila nawala na parang bula. Ang nasasaksihan ng mga mata ko ngayon ay parang isang paraiso.

“A-ang ganda,” halos pabulong kong saad. I am witnessing one of God's beautiful creation and I can’t help but to feel amused.

Ang itaas na bahagi ng bundok ay halos patag na buhat na rin siguro ng tagal nito. The three crosses were placed at the edge of the cliff and the metal railings served as support kung nais mong lumapit at pagmasdan ang magandang tanawin. It is an overlooking sight of the whole town called "Paete”, also known as the woodcarving capital of the Philippines.

“How do you like the view?” tanong sa akin ni Kelly na ngayon ay nakaakbay na sa akin. Mabilis ko siyang nilingon at niyakap nang mahigpit. I heard her chuckle while hugging me back. Ang saya sa puso ko’y hindi ko na maitago. It is like, I am experiencing my childhood all over again and the long journey of coming here was all worth it.

“Sorry kanina ha?”

“Para saan?” naguguluhang tanong niya sa akin matapos humiwalay mula sa yakap ko. She stared at me while confusion is written all over her face. Nginitian ko siya at mabilis na kinurot ang kanyang pisngi na siya namang ininda niya.

“Aray ko naman! Bakit may pagkurot?!”

“Wala, ang cute mo kasi!” natatawang sagot ko. Ang kaninang nakakunot niyang noo ay napawi at hindi nagtagal ay nauwi kami sa walang humpay na tawanan.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: May 09, 2021 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Avenues of Disillusionment [Slow Update]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz