Prologue

29 3 0
                                    

ANG malawak na damuhan, sa ibabaw ng malawak na kapatagan, mga nagtataasang gusali at ang malamig na simoy ng hangin ang siyang nakatutulong upang maibsan ang bigat na nararamdaman ng aking puso sa mga oras na ito. Isang taon na ang nakalilipas ngunit ang sugat ng kahapon ay tila hindi pa rin tuluyang naghihilom. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang banayad na hampas ng hangin sa aking mukha.

I can't really say that I'm okay, but I am trying my best to smile genuinely again.

"How do you like the view?" tanong sa akin ni Joshua. Kaagad akong napadilat at bumaling ng tingin sa kanya. He's staring at me while his heart-shaped lips curved into a smile.

"It's b-beautiful," I stammered. Mabilis akong nag-iwas ng tingin upang pakalmahin ang sarili.

The past few months with this guy got me a little disoriented for a while now and sometimes, I can't help but to feel anxious about my true feelings for him.

"Hey, okay ka lang?" Simpleng tapik lamang ang ginawa niya sa akin ngunit daig ko pa ang kinuryente sa nangyari.

Pasimple kong kinurot ang aking sarili para mawala ako sa ilusyon na unti-unting namumuo sa aking sistema. Magkaibigan kaming dalawa and I am fully aware that crossing that line will make things worse. Marahan ko siyang nilingon at nginitian.

"I'm okay," sabi ko. "Thank you, ha?"

"For what?" nakakunot-noo niyang tanong sa akin. Para akong unti-unting nalulunod sa lalim ng mga tingin niya kaya naman bago pa ako tuluyang mawala sa aking sarili ay ibinaling ko na lamang ang aking tingin sa malawak na lupain sa aming paanan.

We're actually on the edge of a cliff, enjoying the relaxing view of the city. Each corner of this picturesque, will take you to a breathtaking experience and for a moment, I felt okay. It's like, I have never felt at peace for so many years kahit na halos isang taon pa lang naman ang nakalilipas.

Ang buong akala ko'y hindi ko na mararamdaman pa ang ganitong uri ng saya dahil minsan sa buhay ko'y hiniling ko na sana ay tinangay na lamang ako ng hangin o naglaho na lamang ako na parang bula—but, all those beliefs changed after I met this annoying stranger beside me, named Joshua.

He made me realized a lot of things and I am beyond thankful that I met him when I was on my darkest days of my life. Posible pala na maging komportable ka sa isang tao na hindi mo naman lubos na kilala pero nagagawa niyang pagaanin ang kalooban mo? Dahil kapag kasama ko siya, I feel relieved.

He's like the male version of Kelly.

Nawala ang ngiti sa aking labi nang rumehistro sa aking isipan ang mukha ng matalik kong kaibigan na si Kelly. An image of her bright smile awoken the guilt that I have been concealing for so long now, and I can't help but to feel bad. Iyong tipo ng katotohanan na paulit-ulit na isasampal sa 'yo na wala kang karapatan maging masaya dahil sa nakaraan mo.

"Asiah, may problema ba?" Tila nag-aalalang tanong sa akin ni Joshua. Nagawa pa niyang lumapit sa akin pero umurong ako palayo sa kanya.

"W-wala! A-ano kasi, pagod na ako. I... I just want to go home," pagsisinungaling ko. Kahit na alam kong hindi siya maniniwala sa palusot ko'y umaasa ako na sa pagkakataon na ito, he will somehow believe me.

Just this once.

"E bakit umiiyak ka? May masakit ba sa 'yo?"

Doon ko na rin napagtanto na basa na pala ang aking mga pisngi dahil sa mga luhang umaagos mula sa mga mata ko. Agaran akong napatayo na siya niya ring ginawa. Nagpagpag ako ng aking pantalon tsaka siya mabilis na tinalikuran. I was about to take a step away from him when he pulled me in a hug.

"Alam kong hindi ka okay kaya sige lang, iyak lang."

After he whispered those words in my ear, the wall that I have built a few minutes ago suddenly collapsed to the ground. Ang mga mata ko'y para ng sirang poso na hindi maawat sa pag-agos and for a short span of time, I let him hug me like everything's going to be okay again. Sana.

========

Tahimik ang daan pauwi at tanging ang ingay na nagmumula sa patak ng ulan ang siyang naririnig sa pagitan naming. I even put my hand on the window as if I'm tracing the raindrops, slowly dripping through the glass of the car. Abala ako sa aking mga iniisip nang mapabalikwas ako sa biglaang paghinto ng sasakyan sa tabi ng kalsada. Kaagad akong napatingin kay Joshua at halos manlumo ako nang makita siyang tila hirap na hirap sa paghinga.

"Josh, what's happening to you?" gulantang na tanong ko. Marahan niya akong nilingon and even managed to give me a smile kahit na halos kapusin na siya ng hangin. Demented on what I'm supposed to do, the first thing that came straight to my head is to unbuckle his seatbelt to help him breathe. I then reached out for his face while holding back my tears.

This is the first time I saw him in pain and I can't help but wonder kung ano bang meron sa kanya? May sakit ba siya or what?

I'm confused. Which is why, I decided to grab my phone to call for help pero bago ko pa man mai-dial ang numero ng emergency hotline ay kaagad niyang hinawakan ang aking kamay.

"J-Joshua?"

"Asiah, I need to tell you something..."

Hindi na ako sumagot pa at hinayaan na siyang magsalita. The loud thumping in my chest is like a group of horses galloping their way in a race. I am trying my best to calm down right now, pero hindi ko magawa.

Why do I feel like something bad is going to happen next?

"Promise me na kahit anong mangyari, you won't fall in love with me." It was almost a whisper but loud enough to break my heart.

"B-but why?"

I was staring at him, waiting for an answer but he didn't give it to me. Nakita ko kung paano niya pinilit ang kanyang sarili para muling paandarin ang sasakyan. Hindi na niya ako muling kinibo hanggang sa makarating kami sa aking bahay. I stepped out of his car and was about to bid him good bye but he just drove away without saying anything.

And after that day, hindi na muling nagpakita pa si Joshua because just like Kelly...he left me without saying good bye.

***

Avenues of Disillusionment [Slow Update]Where stories live. Discover now