1*First Glance

78 2 3
                                    

Jairah's POV:

 
Nakakapagod naman..Kailangan ko pang umakyat sa 2nd floor, naroon daw kasi rooms ng senior high.
At ngayon kasi ang first day ng klase namin at Grade 11 na ako! Yesss!!!

"Jairah ano bang course kinuha mo?" tanong ng isang classmate ko dati na si Mae. Dito rin pala siya mag-aaral?

"Information Communication Technology or ICT" sagot ko.

"Parehas pala tayo. Tara sabay nating hanapin room natin.!"

"O sige!"

At yun nga hinanap namin ang section Ruby dahil yon ang section ng ICT.

New faces ang mga nakikita ko.

Umupo kami sa 2nd row dahil sa first row puro boys.

"Good Morning Class!" sabi ng magiging first subject teacher namin ata.

"Good Morning ma'am!" tugon ng lahat

"So, because it's our first day! everyone should introduce themselves." si teacher

Unti-unti nga kaming  tinawag  at nagpakilala, kailangan sabihin yung age, pinanggalingan at pati  parents.

"ah..I'm Jairah Andrique,16 yrs. old from Brgy. C, Roxas St., My parents are Krisella and Anton Andrique." pakilala ko sa kanila katapos umupo na.

"ikaw pala si Martin so twin brother mo si Mike? Pero di kayo identical twins at pati hilig niyo are not the same?." Napatuon ako sa front noong narinig ko si ma'am di kasi ako nakikinig simula pa kanina dahil gumagawa ako ng sketch at kung nag-iesketch ako wala akong pakialam sa paligid ko. My focus is only in my sketch.

Tumingin ako sa lalaki nayon, tumango-tango lang siya kay ma'am. Tipid naman nong magsalita, di nga nag-answer ng Oo o Hindi.

Umupo na nga yung lalaki nayun at doon pala siya nakaupo sa front ko, ako nasa likod niya.

"Okay! Let us have an activity!" masiglang sabi ni ma'am Marlyn

"agad-agad? Dapat nga di pa regular class natin ngayon eh!." narinig kong reklamo nong isa sa katabi ko.

" We have different talents  that God has given to us and now, I want you to group yourselves according to it."

At ayun doon ako sa may talent sa ARTs. Yung iba sa Music, at magagaling sa paggawa ng poems,  literatures and etc.

"Kailangang ipakita niyo ang talent niyo at ipresent in front after 30 min. Understand class?"

"Yes ma'am!!" chorus na sagot naming lahat.

"ano ang dapat nating gawin?" tanong ng isa sa groupmates ko.

"Kailangan yung iguhit natin ay kakaiba at may mahalagang meaning sa ating lipunan." suggest ko.

"that's good idea! Ok..gawin na natin ito" cheer up nito.

Nagtulong-tulong nga kaming ginawa iyon.

After 30 minutes...

Iprenesent na ng iba ang talent nila. Yung Music group nakakahanga yung mga boses pwede nang ilaban sa singing contest.

At yung lalaking nag-ngangalang Martin, sa music siya magaling?
Teka parang magkamukha sila nong leader namin. Tinitigan ko silang dalawa. Kamukha nga sila kung titingnan mong mabuti, so ito palang leader namin yung kambal niya? Ahhhh...
Biglang tumingin sakin yung Martin at tumitig rin na parang kakain ng tao Lagot! nakita niya ako. Agad akong umiwas ng tingin.

"It is our turn, we can do this!" wika ng leader namin na hindi ko pa nga kilala, kami na nga nag-present.

"Very good class!! Let us have around of applause to them." pumalakpak nga sila samin.

Uwian na, at ito lakad-lakad din pag may time! Buti nalang kaya kong lakarin ang pauwi samin, makaka-minus gastos pa. Wala rin akong friends kasi hindi talaga ako mahilig makipagkaibigan. I'm Introvert person.

"Jairah maglalakad kalang ba pauwi? Pwede bang makisabay?"ewan kung sino yon kaya lumingon ako at huminto.

"Ah...ikaw pala...!"

**************
A/N: sino kaya yung gustong makisabay kay Jairah? Bakit rin  ba parang galit na tumitig sa kaniya yung Martin?
ABANGAN...

@msketcher1

Secretly Inlove (Completed)Where stories live. Discover now