10*May Sakit?

35 0 0
                                    

Jairah's POV:

Parang nasisilawan na ako sa pagtulog kaya napadilat ako. Kita kong may napakagwapong nakatitig sakin at nakangite, nakakasilaw ang mukha niya.

baka anghel ito? Teka ano bang pinagsasabi ko? Kailan pa ako natutung tumingin sa tao at nasabi kong gwapo siya eh noon pare-parehas lang ang tingin ko sa mga boys?

Ngumanga ako nang mag-sink in sa utak ko kung sino itong tinutukoy ko. Sino pa ba eh di ang bipolar na masungit na si Martin!, naalala ko na siya pala yung kasama ko rito simula pa kanina.

Nagulat rin siya ng mapansing gising na pala ako. Tumingin ako ng masama sa kanya at hinanap ang sumbrero ko.

At ito nanaman ako mas naririnig ko itong heartbeat ko gaya kanina, naging feeling close na ngalang ako para mabawas-bawasan kaba ko mula pa kanina.

"Tara uwi na tayo! 2:30 pm naman na."

"Uuwi na tayo agad?!" Shock siya

"Bakit nag-eenjoy ka rito? Boring kaya!"

"Oo nag-eenjoy akong kasama ka..." Ano raw?

"Anong sabi mo Masungit?"

"Wala, may sinabi ba ako? At anong masungit?" Narinig ko kaya!

"Totoo naman eh! Tara na nga!"

Inayus ko gamit ko at nag-umpisa na kaming maglakad at siya parang natatawa at nakangite.

"Ano bang nakain mo at nakangite ka diyan?"

"Wala, Natatawa lang ako sayo! Bagay pala sayo ang may bulaklak sa tenga, maganda ka pala Jairah." pagkatapos ay tumawa siya

Ano? Bulaklak sa tenga?
Kinapa ko sa may tenga ko at talagang may bulaklak kaya tinanggal ko yon. Sobrang ayoko sa bulaklak lalo na sa kulay pink, so kikay. Hrrr!

"Ikaw ba naglagay nito? Pinagtripan mo ba ako ha?!" Galit na talaga ako

"Bakit ayaw mo? Sabi ko bagay nga sayo!" Depensa niya

"Alam mo bang ayaw na ayaw ko ng bulaklak at kulay pink pa? Hrrr! Sasapakin talaga kita humanda ka Martin!"

"Sige kung kaya mo! Habulin mo muna ako!" Aniya sabay takbo, kainis pinagtritripan nanaman ako neto kaya hinabol ko siya.

Ngayon tuloy para kaming mga batang naghahabulan sa gitna ng daan. Talagang sasapakin ko talaga siya! Pero mabilis siyang tumakbo.

May naramdaman akong bato sa paa at natapilok ako kaya napasubsob ako sa lupa.

"OUCH!! sakit!" Ngumiwi ako. Si Martin naman huminto at binalikan ako.

"Anong nangyare sayo Jairah?!!"

Pinilit kong tumayo pero hindi ako makalakad ng tuwid dahil mas naiinda ko ang sakit.

"Masakit pa ba paa mo?"

"Ano sa tingin mo ha?! Kasalanan mo kasi ito eh!"

"Buhatin na kaya kita! baka di mo na kayanin hanggang doon sa may sakayan"

"Ayoko nga! Kaya ko sarili ko! Sa tingin mo ba di ko kaya ito eh parang ito lang naman!"

"Babae ka parin at mahina" kainis talaga ito! dinadagdagan pa init ng ulo ko

"Huwag ka nang magreklamo! Tara sumampa ka sakin bilis!" Umupo siya

"Ayoko nga!"

"Bilis na! Dali! Baka pagalitan pa ako ni Mike pag malaman niyang ako kasama mo at dahilan kung bakit nangyare ito sayo!" Bakit naman magagalit sa kanya si Mike? Pero syempre concern talaga sakin yon, di tulad nitong masungit nato!

"Bilis na!!" Halos lumabas na yung puso ko sa katawan ko dahil sa kaba sa ma-authoridad na sabi niya kaya wala akong nagawa kundi sumampa sa kaniya. Binuhat niya nga ako hanggang doon sa may sakayan at wala kaming imik sa isa't-isa hanggang don, ni isang letra di kami nagbigkas

Sobra-sobra na talaga ang kaba kong naramdaman, ewan ko parang nahihiya rin ako sa kaniya at laging pumapasok sa isip ko yung mga sinabi niya kanina,

"Oo nag-eenjoy akong kasama ka..."

"..Bagay pala sayo ang may bulaklak sa tenga, maganda ka pala Jairah."

"..Baka pagalitan pa ako ni Mike pag malaman niyang ako kasama mo at dahilan kung bakit nangyare ito sayo!"

Ano bang ibig sabihin ng lahat ng yon?

---------------

Kinagabihan,

Paikot-ikot ako sa kwarto ko at hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito? Siguro baliw na ako. Lagi kasing bumabalik-balik sa isip ko ang mga nangyare kanina at yung mga sinabi ni Martin.

Mabuti nga at nakakalakad na ako ngayon ng maayos. Hinilot-hilot ko agad ito kanina ng dumating ako.

Lagi ko rin nanaiisip ang mukha ni Martin na parang anghel at yung mga nararamdaman ko kanina. Hrrr! Siguro may sakit lang ako! Oo may sakit siguro ako! Matawagan nga si Celes para matanong.

Nagpaload nga ako sa tindahan sa labas.

["Uy Bffs! Himala tumawag ka!" ]

"Ah kasi may itatanong lang ako, sa tingin mo ba may sakit ako?"

["Ha?! May sakit ka? Oh no! Jairah hindi ka pa pweding matsugi dahil wala ka pang love life!"] Mas baliw pa tong kaibigan ko sakin eh!

"Wag ka ngang OA! Sa tingin mo ba maysakit ako dahil sa mga nararamdaman kung mga kakaiba?"

["Anong mga nararamdaman mo? Baka high blood ka dahil super takaw mong kumain"]

"Hindi naman ganun! Minsan kasi bigla-bigla lang lumalakas ang tibok ng puso ko at parang nakukuryente ako sa tuwing madidikit ako sa isang tao, actually matagal-tagal ko naring nararanasan to eh! Parang hihimatayin rin ako. Ano kayang sakit ko?"

Ngunit malakas lang na tawa ang isinagot niya sakin sa kabilang linya.

"Ano nga?! Celes hindi ako nakikipagbiruan!"

["Alam mo Bffs' hindi sakit yan! Ang tawag diyan Inlove!! Hahaha! Ang saya-saya ko Jairah dahil ang puso mong bato naging mamon narin!"]

"Ano? Ano bang pinagsasabi mo? Inlove? Bakit naman ako maiinlove sa lalaking yun? "

["Uyy!! Sabihin mo ng kung sinong lalaki ang tinutukoy mo? Grabeh ang swerte  niya dahil siya ang kauna-unahang nagpatibok ng puso mo. Sabihin mo na Bffs' pleeeeaaassseee!!"]

"Baliw ka na talaga! Dapat di nalang ako tumawag sayo eh! Mapatay na nga tung tawag.."

["Wait!wait!wait! Alam mo bang ganyan ang na-feel ko nang ma-inlove ako sa boyfriend kung si Jeffry!"]

Wala na akong paki sa sinabi niya kaya pinatay ko na agad ang tawag. Dumadagdag lang sa problema ang babaing yon.

Kainis na nga si Martin dumadagdag pa siya...Speaking of Martin?

Hindi yun totoo! Kahit kelan hindi ako magkakagusto sa Bipolar nayun! Mas mabuti pa kung si Mike yun.

******
A/N: gusto na ba talaga ni Jairah si Martin o baka si Mike?

Secretly Inlove (Completed)Where stories live. Discover now